CHAPTER 4

107 5 0
                                    

Chapter 4

YESHIVA'S P.O.V

Hayst,sobrang gutom na talaga ako pero sila ewan ko ba anong problema nila at hanggang ngayon nag-aasaran pa at nagbabatukan ewan ko feeling ko ako yung pinagkakatuwaan nila. Sabi nung bakla maganda ako? Pero bakit mukhang joker naman ako sa kanila?

“Hahaha chill ka lang brad joke lang naman eh guilty kalang talaga—aray naman!,” si Josh.

“Isa pa sisikmurahan na talaga kita!” sigaw ni Xyron kay Josh. Nakaalis na nga kami hindi naman sila matapos-tapos sa asaran nila.

“Hoy! Kanina pa kayo ah! Pwede bang uuna nalang ako sa inyo pag-uwi? Nagugutom na ako eh—

“Tumahimik ka! Maghintay ka nga jan pigilan mo muna 'yang sikmura mo!” abay bastos na manyak ah! Sigawan ba raw ako? Eh, kasalanan ko bang nagugutom ako? Kasalanan nila ito eh kung hindi lang kasi siya nag-iinarte na ayusin ang hitsura ko dahil lang sa buiset na pagpapanggap na iyan edi 'di sana s'ya mabubuiset ngayon!

Ilang saglit lang ay hinila n'ya naman ako at lumayo na kami sa mga kaibigan nito,nagtawanan naman ang tatlo.

“Teka! Saan mo nanaman ako dadalhin? Nagugutom na ako eh.” nakangusong sabi ko nung bitiwan n'ya na ang kamay ko.

“Let's buy new clothes that will fit for you. Hindi pwedeng panget ang damit mo at kasing panget mo pa.” sabi nito at nandidiring tumingin sa damit ko. Wash day ngayon kaya hindi ako naka-uniform,simpleng t-shirt at fitted na jeans lang ang suot ko.

“Ano? Ang hanep naman nyan! Magpanggap lang naman ako eh! Hindi naman ako makikipag-karera sa kagandahan n'yang ex girlfriend mo eh.” sabi ko pa rito. Hindi n'ya naman ako pinansin dahil biglang nag ring ang cellphone nito. Lumayo ito ng konti sa akin bago sinagot ang tawag. Sinenyasan n'ya pa akong huwag umalis. Ang daming arte gutom na ako—

“Aray!” napasigaw naman ako noong may bumangga sa akin mula sa likuran.

“Ouch! What the hell!” napalingon naman ako sa bumangga sa akin. Sobrang sakit ng likuran ko ha!

“What's wrong with you!?” tumaas naman ang kilay ko nung sigawan n'ya ako. Wow what's wrong with me talaga? Eh s'ya naman 'yong naka-bangga sa akin  ah.

“Ha? Eh, miss ikaw po ata yung naka-bundol sa akin eh.” mahinahong sabi ko. Totoo naman talaga.

“Wow? So it's my fault now?” mataray na tanong nito. Aba kakaiba rin ah!

“Malamang! Alangan namang fault ko! Eh nasa likuran kita eh.” maangas na sagot ko. Nauubusan na rin ako ng pasensya. Maganda nga boplaks naman,kasalanan ko pa ngayon eh s'ya naman itong nakabunggo sa akin. Nasa likuran ko s'ya hello?

“Huh! Don't you know who's in front of you?” mataray n'yang tanong. Malamang hindi kita kilala ngayon nga lang kita nakita eh,grabi na sapak nitong babaeng 'to. Sayang 'yang ganda mo.

“Wala po akong pake kung sino ka. Alangan namang makipagkilala muna ako sa iyo bago kita ipapahingi ng tawad,ang cool ko naman ata sa lagay na iyon.”

“Huh,this bitch! What do you think of me? A low class person like you? And what? Ipapahingi mo ako ng tawad? Who do you think you are? A god? Gosh, ikaw dapat ang humingi ng sorry sa akin bitch,look at my dress,natapunan ng coffee.”

“Aba ang taray mo naman PO! Ikaw na nga ang nakabundol ikaw pa ang may ganang gumagan'yan!”

“Wow,kasalanan mo yan ugly creature. Haharang-harang ka kasi sa daanan ko eh.”

“Aba hanep! Daanan MO? wow, nasa red carpet ka ba? Nandito ka ba sa sarili mong palasyo? At kailangang ikaw lang ang dapat na tumapak dito? Wow cool ah. Sayang ang ganda mo abnormal ka naman.” mataray na sabi ko habang naka-pamewang na para bang nanay na pinapagalitan ang anak.

PRETENDING TO BE A BADBOY'S GIRLFRIEND (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now