CHAPTER 2

139 7 0
                                    

Chapter 2

YESHIVA'S P.O.V

FEELING KO nakahinga ako ng maluwag noong lumabas ako sa court. Oo gusto ko si Nic eh pero may girlfriend s'ya. Hindi ko s'ya hahayaan na ligawan ako lalo pa at may girlfriend s'ya,ano nalang sasabihin sa akin ng mga tao? At isa pa alam ko ang mararamdaman nung girlfriend ni Nic. Babae rin ako alam ko kung gaano kasakit kung sa akin man mangyari 'yan. Bumuntong hininga naman ako.

Bumalik na ako ng classroom buti nga at hindi pumasok ang dalawang subject teachers namin. Tinawagan ba naman kasi ako ni Nic para lang sabihin sa akin na kaya n'ya rawng iwan ang girlfriend n'ya para sa akin. Oo,nakikita ko sa kan'ya na totoo ang sinasabi n'ya at hindi s'ya nagbibiro pero kahit ganoon paman ay ayaw kong gawin n'ya 'yon,may girlfriend s'ya at hindi pa sila nagkahiwalay nga tapos gusto n'ya na manligaw,hindi ako papayag talaga. Hindi ko iniisip ang sarili ko lamang pero ang girlfriend n'ya rin,kung ako ang nakatayo sa kinatatayuan n'ya ay masasaktan ako. Ayaw ko rin na maulit ang awayin ako ng babae dahil lang sa lalaki.

Mabilis na tumakbo ang oras at natapos na rin ang klase kaya naman hinintay ko lang na matapos si Xyza sa mga sinusulat n'ya. Ayan kasi kanina pa text ng text sa Lucas n'ya kuno na hindi naman s'ya pinapansin at hindi nakikinig sa dini-discuss ng teacher namin kanina kaya ngayon wala s'yang notes may quiz bukas buti nga at mayroon ako kaya 'yan ang kinopya n'ya ngayon. Ano ba kasing nakain n'ya para mabaliw ng gan'yan sa Lucas na 'yon? Hindi naman s'ya pinapansin no'ng lalaking 'yon eh. Hahayst pag-ibig nga naman. Puppy love rather. Puppy love pa 'yang nararamdaman n'ya pero ewan ko ba tanga talaga eh.

“Hehe sorry beb ang dami palang kinopya kanina savior talaga kita.” nakangiting sabi nito at niyakap ako.

“Tumahimik ka ayan palagi ka kasing Lucas Lucas eh wala naman 'yong paki sa'yo.”irap ko rito. Napanguso naman ito at Nagtungo na nga kami sa locker dahil nakakapagod magdala ng maraming gamit pa-uwi ng bahay at ano bang silbi ng locker kung dadalhin ko ang mga gamit ko sa bahay 'di ba? Nung buksan ko ang locker ay may nakita akong isang itim na envelope kaya napataas naman ang kilay ko at kinuha 'yong envelope. Ano naman kaya 'to? Death invitation? Itim eh.

Binuksan ko ang envelope at nagulat ako noong makita ang picture namin ni Nic na magkasama sa court kanina. Sino ang kumuha nito? Paano kung ipinakita na ito sa girlfriend ni Nic? Umiling naman ako at binuklat ang papel na kasama nito.

‘Meet me at the abandoned classroom straight to the locker room if you don't want that image to be expose’

—handsome Xyron ;)

Nanliit naman ang mata ko at napalinga-linga sa palagid baka nandito lang s'ya sa paligid. Bwesit talaga ang lalaking 'yon! Blackmailing na tawag dito eh! At ano bang alam n'ya sa amin ni Nic? Wala naman ah. Argh tangina mo talaga Xyron!

XYRON'S P.O.V

"Wow! Dabest ka talaga brad!”sigaw ni Josh sa akin sabay tapik sa balikat ko.

"Syempre. Sabi sa inyo eh kaya kong mag-isa.” itinaas baba ko ang kilay ko.

"So brad. Pano natin napa-oo?” tanong ni Elmer.

“Paano kaya?maypa ‘I have something to do’kapang nalalaman kanina.”sabi pa ni Mavy.

"Psh, simple lang naman.”nakangiting sabi ko.

"So pano nga?”tanong n'ya ulit.

"Secreto lang 'yon ng gwapo HAHAHA.” tawang sabi ko at kinindatan ito.

"Sige sabihin mo sakin brad ako lang naman ang pangalawang gwapo rito eh.”sabi ni Mavy at inilapit ang tenga nya sa bibig ko.

"Hindi.Ka.GWAPO." sigaw ko sa tainga n'ya. "Aray!” napasigaw naman ako nong batukan n'ya ako.

PRETENDING TO BE A BADBOY'S GIRLFRIEND (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now