CHAPTER 3

106 5 0
                                    

Chapter 3

YESHIVA'S P.O.V

BERK MALL

Sobra ang pagkamangha ko sa laki ng Berk Mall. Nasabi nga sa akin nung isang kasama ni bakla na pagmamay-ari raw ito nina Elmer isa sa kaibigan ni bakla. Grabi ang bigatin talaga ng mga kaibigan ni bakla. Syempre bigatin din s'ya at siguro ayaw n'yang may kaibigan na pobre.

Nakilala ko na rin silang tatlo na kaibigan ni baklang Xyron. Ang gugwapo nila at bet ko na ata 'yong isa, 'yong nagngangalang Mavy. Ang cute kasi nya at palangiti pa, tapos  kapag ngumingiti sya may dimple sya sa bawat cheek nya nakaka-omay! At friendly s'ya hindi katulad ni Xyron na suplado.

“O my God! What brings you here Mr. Elmer?” tanong nung bading kay Elmer. Pumasok kasi kami sa may beauty salon dito rin mismo sa mall nila.

Nilibot ko lang ang paningin ko sa loob ng salon habang nakikipag-usap silang apat sa bading. Ewan ko ba kung bakit kami nandirito ngayon.

Hindi kaya bading din sila? Magpapa-beauty care ba sila? Eh, ang kikinis naman ng mga mukha at balat nila ah, kailangan pa nila iyon?

Psh, katakot naman nila sila yung magpapa-ganda tapos sinasama pa ako? So anong papel ko dito? Magsho-shopping ba sila tapos ako yung taga-hawak ng mga bibilhin nila? Magiging slave nila ako rito? Aba ang papangit naman ng mga amoy nila kung ganoon! Wala naman siguro 'to sa usapan namin nung baklang 'yon ah. Ang usapan is magpapanggap akong girlfriend n'ya,hindi maging katulong!

Siguro mas mabuti na umalis nalang ako para hindi na matuloy ang mga plano nilang gawin akong katulong dito. Ayaw ko kaya ng ganun! Nag-aaral nga ako eh para maka-hanap ng maayos na trabaho kung makatapos na ako, tapos ano? Magpapaka-yaya nalang ako sa kanila? Aba ang kapal naman nila—

“Hey linta!”

“Ay kalabaw na palaka!” napasigaw ako dahil sa gulat noong tawagin ako ni Xyron.“Bu!set ano bang problema mo?!” inis na sigaw ko rito. Aatakihin ata ako sa puso eh.

“What?” naguguluhang tanong nito.

“Ba't ka ba nang-gugulat? Alam mo bang ikakamatay ko 'yon?”

“Ikakamatay mo talaga! Kanina pa kita tinatawag pero mukhang lumipad na naman ang utak mo!”sigaw nito pabalik. Tumalim naman ang tingin ko rito. Ganoon na ba ako ka tagal akong nakikipagdaldalan sa utak ko at hindi ko s'ya narinig?

“Walang pakpak ang utak ko!” iyon lang ang nasabi ko at inirapan ulit ito. Napa-cross ako ng braso at tumayo ng matuwid bago tinignan ito.“Bakit ba? Ba't ka nang-gugulat?”

“Sumama ka kay Roy.” utos nito. Roy? Sino naman 'yan?

“Sinong Roy?”curious na tanong ko. Lumapit naman sa amin ang baklang kausap nila kanina.

“Its me,girl. Ow, s'ya na ba ang ime-make over ko?” tanong nung bakla na kausap nila kanina. At ano? Ime-make over? Anong akala n'ya sa akin? Mapangit ako? Totoo naman. Pero hindi naman ako ang magpapa-beauty care eh sila naman!

“Yes,that's her, I'm counting on you Roy.” sabi pa nung bakla at kinindatan ang baklang Roy. At ano? Ako 'yong ime-make over? Aalis na sana si bakla ngunit pinigilan ko ito.

“Hoy-hoy! Teka teka lang, bat ninyo ako iiwan? At anong make over- make over? Akala ko ba kayo ang magpapa-ganda?”

“Pfft. HAHAHAHAHAHAHA,” kumunot naman ang noo ko ng tawanan ako nina Elmer at Josh,buti pa si Mavy tamang smile lang.

“What? Are you insane linta?Anong kami? We are here because you need to pretend,baka nakalimutan mo?” tinaasan ako ng kilay nung baklang Xyron. Oo nga magpapanggap ako pero bakit kailangan ng ganito?

PRETENDING TO BE A BADBOY'S GIRLFRIEND (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now