Simula

41 6 6
                                    

"Hindi ako makapapayag na ako'y iyong magagapi! Isa akong malakas na Datu ng banwang ito! Walang sinuman ang makakatalo sa akin!" Malakas na sigaw ng lalaking mahaba ang itim na buhok at maraming tattoo. Nanlilisik ang kanyang mga mata niya matapos na ilabas ang sarili nitong tabak.

Lumapit ang isa pang Datu na ang suot ay bughaw na damit. Matapang niya rin na nilabas ang kanyang tabak. Nagsukatan sila ng tingin at dahil sa init ng araw ay kitang-kita ang kumikinang nilang mga alahas.

"Sumuko ka na Datu Buhawi! Halos lahat ng iyong nasasakupan ay nasa akin na. Ang mga tao mo ay kakaunti at nag-aalinlangan sayo." Tinitigan lamang ng unang Datu na si Buhawi ang sarili nitong tabak.

Humikab ako at pinatong aking baba sa upuan ng nasa harap ko. Unti-unti akong napapapikit at—

"Sinag, anong klaseng upo 'yan!? Bakit mo tinutulugan ang asignatura ko?!" Naiinis na bulalas ng guro ko sa Araling Panlipunan. Umayos ako ng upo at pa-simpleng humikab. Pero nasa likuran ko pa rin siya at pinagmamasdan ako ng matandang babae na may malaking salamin.

"Pasensya na po, Ma'am. Napuyat po kasi ako kagabi dahil—"

"Sige. Palalagpasin kita ngayon, Sinag. Pero siguraduhin mong babawi ang grupo mo sa inyong role play." Aniya ni Mrs. Consuelo saka binukas ang abaniko niyang malaki na halos sakop ang mukha niyang hugis buwan.

Nakahalumbaba akong nanonood kahit hindi ko nasundan ang sumunod na nangyari. Konsentrado akong nakatingin sa mga bida. Saan naman kaya nila binase ang kwentong ito? Masyadong nakakaantok. Bakit hindi na lang sila sumayaw ng Tikotak sa unahan ng makapag-enjoy naman kami.

Lumipas ang kalhating oras ay wala akong naintindihan sa kanilang ginawa. Pumalakpak ang mga kaklase ko at gano'n din ako. Ngiting-ngiti ang aming guro dahil sa performance na ginawa ng mga kaklase ko.

Pinaliwanag niya ang kahalagahan ng kultura ng Pilipinas at ang nangyari bago pa man dumating ang mga Espanyol. Nagbutas ako ng juice gamit ang straw na binigay ng may crush sa akin galing sa ibang section. Pasalamat na lang talaga ako at may nagkakagusto pa sa akin galing sa ibang section kahit lutang ako minsan.

Tumango lang ako ng tumango sa sinabi ni Mrs. Consuelo para hindi niya ko tawagin. Kapag nagtataas naman ng kamay ang karamihan sa mga kaklase ko ay sumasabay rin ako sa kanila. Saulo ko na ang ugali nito ni Ma'am madalas siyang magtanong kung nakikinig kami sa aralin niya at kung hindi ka magtaas ng kamay ibig sabihin hindi ka nakikinig.

Tatayo na sana ako dahil mukhang patapos na ang klase ngayong araw pero umupo na lang ulit ako at inalis ang pagkakasukbit ng bag ko sa sarili kong braso. "May announcement pa ko. Huwag muna kayong aalis. Bukas alam niyo ba kung anong meron?" Maamo niyang tanong saka dinaanan ako ng tingin. Ipagpalagay ko na lang na ako lang ang hindi sumagot sa kanya. Ang mga kaklase ko ay malakas na um-oo sa tanong niya.

"Ireremind ko lang ulit dahil mukha yatang hindi alam ni Miss Sinag ang tungkol dito. Pupunta tayo sa isang sikat na ancestral town ni Manang Esperenza. Magdala ng snacks at dapat alas siete ng umaga ay nandito na kayo sa school. Naiintindihan po ba?" Ngumiti sa akin si Ma'am Consuelo na may halong pagkainis at pagkadismaya. Tumango-tango ako habang ang mga kaklase ko ay malakas na oo ang sagot.

Bakit ba kasi masyado silang malakas sumagot at alam nila ang mga bagay na nangyayari rito sa school?

Tuluyan akong tumayo ng nagpaalam si Ma'am at nagpaunahan ang mga kaklase ko sa paglabas ng classroom. Kumaripas ako ng takbo dahil ayokong maglinis ngayong araw. Lintek na buhay ito. Dishwasher sa bahay tapos sweeper sa classroom. Nakakasawa.

Uminom ako ng tubig dahil sa hingal. Isang lalaki ang nagpayong sa akin at nakatitig sa mga mata ko. Lumayo ako ng isang hakbang sa kanya at nilayo ang payong niya. "Hi, narinig ko kanina Sinag ang pangalan mo."

Siya ang siguro 'yung transferee na pinamalita kanina ng mga kaklase ko na may itsura at galing sa kabilang section."Paano mo nalaman? Stalker ka ba?"

"Hindi. Tinatawag ka ng mga kaklase mo at hinahabol ka kanina kaya nalaman ko. Ako nga pala 'yung taga-Kanlaon, transferee. Nice meeting you." Tinitigan ko ang palad na nilahad niya at... "Nice meeting you too! Empress ang pangalan ko."

Nagshake hands silang dalawa. "Ikaw anong pangalan mo?" Hinigit ko ang magaling kong kaibigan na chismosa at tumawid kami sa kabilang side ng kalsada.

"Huy! Ang KJ mo! Nakikipagkilala na nga 'yung tao sayo tapos ganyan ka pa." Umikot ang mga mata niya. Pasimple kong tinignan ang lalaki kanina at mabuti naman na may kasama na siya ngayon. Mukhang mga kaklase namin na kadugo rin ng magaling kong kaibigan.

"Chismosa ka lang kasi crush mo yata 'yun. Kilala kita Empress halos lahat ng transferee rito nagiging crush mo! Kung minsan nagiging boyfriend mo pa." Humalakhak ang magaling kong kaibigan at tinulak ako. Namula ang kanyang pisngi na parang siopao dahil sa kaputian nito dulot ng polbo.

Nanahimik siya at patuloy na inasar hanggang sa makauwi kami. Pinaalala niya na sabay kami bukas ng umaga sa school at huwag akong magpapalate kung hind ay iiwan niya ko. Pagkauwi ko nadatnan kong nagbabasa ang kapatid kong bunso.

Dinampot ko ang libro niya at patalon na umupo sa unahan na couch. "Ano to' ha? Ano to'?" Sambit ko ng paulit-ulit habang pilit niyang inaagaw ang libro niya.

"The Travel's of Marco Polo" pagbasa ko sa nakalagay ng pabalat ng libro niya. Naagaw niya ang libro niya at padabog na naglakad papunta sa kanyang kwarto.

"Ano bang meron! Ang hilig mong magbasa ng history books! Past na yan ah!" Sigaw ko saka sunod akong tumayo para pumunta sa kwarto ko at magbihis.

Napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng kapatid ko. "Kaya ka hindi natuto Ate dahil hindi mo inaalala ang nakaraan mo."

Nakapamewang akong hinarap ang kapatid kong nakapajamas pero may sikat pa ang araw. "Dapat kinakalimutan na ang past kaya hindi tayo nakakamove on."
Sinapo niya ang kanyang sarili at lumapit sa akin. Nilagay niya ang isa niyang kamay sa sarili ko. "Kaya hindi ka natuto dahil hindi mo naiintindihan 'yung past. Kaya ka naloko ng boyfriend mo dahil hindi ka na natuto sa nakaraan niyong problema." Tinapik niya ko sa balikat at bago ko po man siya mahampas ng bag ay nakabalik na siya sa kanyang kwarto.

Leaves On WinterWhere stories live. Discover now