Leaves 5

10 4 5
                                    

Tumingin ako sa paligid kung ako ang tinutukoy niya. Tinuro ko ang sarili ko.

"Liwayway?"

Tumango-tango siya saka ngumiti. Ha?! Teka!? Sinong Liwayway? Bakit niya ko tinawag na Liwayway?

"Oo, ikaw nga Binibini. Hindi mo ba ko nakikilala?" Nakangiti ang mga mata niya.

Tinitigan ko siya—ano ba siya? Sandig o Oripun? Mukha siyang mayamang tao. Hinimas ko ang aking baba. Ano ba ang Sandig at Oripun?

Kumislot ang ulo ko. Kung hindi lang ako natulog sa subject ni Miss Duelo baka alam ko ang mga sinabi ng Ginoo kanina.

"Ah. Hindi. Baka ibang tao ang sinasabi mo." Katwiran ko.

Tinitigan ko siya ng maigi. Base sa aura niya mukha siyang mabuting tao pero may bagay na kakaiba sa kanya.

Bigla na lang kumulo ang tiyan ko. Hindi iyon rinig dahil mahina lang. Pero hindi iyon kulo ng sikmurang gutom.

Hinawakan ko iyon. Halos pumilit ang katawan ko. Naramdaman ko ang sakit sa gitnang parte ng katawan.

Nanginig ang aking mga tuhod. Tumindig aking balahibo.

"Ano ang masangsang na amoy na iyon?" Nagtagpo ang kilay niyang makapal. Luminga-linga siya sa paligid.

Ngumiwi ako. "Natatae ako." 

Napapikit ako sa kahihiyan. Kung pwede lang na kainin ako ng lupa ay nagpakain ako.

Ramdam ko ang butil ng pawis na mula sa ulo. Umagos iyon hanggang sa pisngi ko. Hindi ko na yata kakayanin ito.

"Maiwan na kita! Kailangan kong magbanyo." Pinigilan niya ko pero huli na ang lahat. Pumasok ako sa bahay ng Ginoong si Kiyo.

Walang pag da-dalawang isip na dumiretso ako sa pangalawang palapag. Mahimbing siyang natutulog sa papag na higaan. Taklob ang kalhati ng katawan niya ng kulay lila na tela.

Uhh! Paano ko ba siya gigisingin!?

"Ginoo?" Tinapik ko ng mahina ang talampakan niyang labas sa tela na ginawa niyang kumot.

Kinagat ko ang aking labi. Whuuu! Kaya mo 'yan, Sinag!

"Ginoo." Pero sa pangalawang pagkakataon ay imbis na magising ay humilik siya. Dumapa siya sa pagkakahiga. Ang mukha niya ay nakaharap sa kabilang bahagi ng higaan nito.

"Ginoo!!! Natatae ako! Nasaan ang banyo!" Walang anu-ano'y bumangon siya. Umuusok ang ilong at halos tusukin ako ng kanyang labi.

"Bukas na bukas ay pupugutan ka ng ulo! Lapastangan!" Hinawakan niya ng mariin ang braso ko. Nagpatianod ako sa kanya hanggang sa makababa kami ng kwarto niya.

"Gusto ko lang naman malaman nasaan ang banyo ay—palikuran pala." Nagpeace sign ako saka ngumiti na parang batang natatakot sa nanay niya.

"Ginoong Kiwo." Tumaas ang kalhating bahagi ng labi ko ng makita ko ang mabait na lalaki kanina. Akala ko ay nakaalis na siya.

Tinignan niya ang kamay ng Ginoo na mahigpit ang pagkakapit sa akin. Laking ginhawa ng pakiramdam ko ng binitiwan niya ko.

"Kapatid, naparito ka." Hindi manlang ngumiti si Ginoong Kiwo. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Magkapatid sila? Parang yelo at apoy.

Kinulbit ko si Ginoo. Nagpaawa ako na parang isang bata. Tumingkayad ako upang maabot ko ang tenga niya.

Tinuro ko ang aking tiyan. "Masakit ang tiyan ko. Sana ay nauunawaan mo na ko." Matalim ang sulyap ng mga mata niya sa akin.

Matapos ang halos kalhating oras ay nakaraos ako. Hinimas ko ang aking tiyan. Pagbalik ko sa loob ay nag u-usap ang dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leaves On WinterWhere stories live. Discover now