Leaves 2

14 5 3
                                    

Pinili kong tumahimik sa sinabi niya. Mas mabuting maging single muna dahil kahit mag i-isang taon na kaming hiwalay ay hindi pa sapat ang oras para tumanggap o maghanap ng bago. Nang napuno ang jeep ay umandar ito. Sinandal ko ang aking ulo kay Empress at umidlip sandali.

Humikab at nagstretching ako matapos dumating sa ancestral house. Malaki ang kahoy na gate ng bahay na ito. Maraming anay at butas-butas na. Isang matandang nakabestidang bulaklakan ang nagbukas nito. Isa-isa niya kaming inanyayahan. Kinamayan namin ang kamay niyang kulubot dulot ng kanyang edad.

Pinakilala niya sa amin ang mga apo niya na halos kasing lapit ng edad namin. Lahat ng apo niya ay babae at bawat section ay kanya-kanya nilang ginuide sa napakalaking mansyon. Gawa sa pawid at semento ang mansyon. Tumalon sa gulat si Empress na nakahawak sa aking braso dahil sa mga uwak na galing mula sa mga puno na nasa tabi ng daan.

Naghiwa-hiwalay ang lahat ng section. Ang section namin ay sa bandang dulo ng kanang bahagi ng bahay. Iba't-ibang klase ng kagamitan pandigma ang nandoon. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ng babaeng naka kremeng shirt at pants na maong dahil sa maliliit na ingay ng mga kaklase ko. May ilan pang sinaway ni Ma'am dahil sa kalikutan ng mga ito. Bilin ng may-ari bawal hawakan ang kahit anong bagay rito.

"Baladaw ang tawag rito. Ito ay hindi pangkaraniwang hugis, na may mala-dahon na talim at isang mahigpit na pagkakahawak sa daliri na binubuo ng dalawang sungay na parang sungay." Manghang-mangha ang mga kaklase ko sa paliwanag ng babae. Sabay-sabay sila ng kuha ng picture sa bagay na iyon.

"Isa ito sa bagong koleksyon ng lola ko kaya naman kung nakadalaw na kayo noon rito tiyak kong hindi niyo pa ito nakikita."Kumuha rin ako ng picture nito para maipakita kay Rise. Para naman mainggit ko ang aking kapatid.

Sunod ay pumunta kami sa isa pang uri ng espada.

"Ito namang isang ito ay tinatawag na kris-may dalawang uri ng dulo nito. Ang isa ay tuwid at ang isa naman ang kulot na ang tawag ay kiwo-kiwo." Sabay-sabay na nagwow ang mga kaklase ko matapos na kunin ng assistant ng babae ang espada.

Matapos nito ay tumaas ng kamay ang isa sa mga kaklase kong lalaki na nasa unahan. "Bakit walang pangalan ang isang iyon?" Tinuro niya ang maliit na matulis na bagay na parang kutsilyo. Kumikinang iyon dahil sa repleksyon ng ilaw. Nakaramdam ako ng pagkahilo ng ilang segundo kong titigan iyon.

"Wala pang ganap na pangalan ang punyal na iyon dahil walang makapagsabi kung saan ito nanggaling. Ito ay pamana sa amin ng aming ninuno." Lumakas ang hangin at nagkalampagan ang mga bintana. Malamig ang simoy nito na nagbigay kilabot sa akin.

"Hindi ko alam kung ako lang ang natatakot sa lugar na ito pero may kakaiba rito." Bulong ni Empress habang pinagmamasdan ang lumang kisame ng bahay na butas-butas at rinig na rinig ang bawat hakbang ng mga taong nasa second floor.

"Tinatakot mo lang ang sarili mo." Sabi ko sa kanya. Nagpatuloy pa sa pagsasalita ang babae hanggang malibot namin ang buong bahay.

Malalim ang pagbuntong hininga ko habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan. Salamat naman at makakapagtanghalian na kami. Umunahan si Empress para samantalahin ang sandaling pagkawala ni Ma'am sa unahan para magpaalam sa matanda. "Sa mga ka-group namin sa Araling Panlipunan, gagawa na tayo ng presentation natin after nito. Dumiretso na tayo mamaya sa meeting place."

Nang nasa jeep na kami ay tinanong kami ni Ma'am bago ito umandar. "Lahat ba nag-enjoy!?"

Sabay-sabay na nag-opo ang lahat. May iilan na hindi narinig si Ma'am. Patuloy ang pagreretouch ng kanilang mga make-up at isa na roon si Empress. Nilagyan niya rin ako ng light lipstick. "Ayan! Para naman pagnakita ka nu'ng lalaki na taga-kabilang section ay lapitan ka niya ulit!"

Hindi ko inalis ang nilagay niya dahil baka magtampo. Naglunch kami sa school at matapos nito ay dumiretso kami kila Ayesha. Nagtricycle kami papunta sa kanila.

Malaki ang garahe ng kanilang bahay at sa terrace nila nakatambay ang tatlo nilang calico cat. Sinubukan kong hipuin ang isa pero lumayo siya. "Welcome sa bahay namin. Pasensya na medyo makalat."

Makalat pa ito? Nakasalansan ang kanilang mga sapatos sa shoe rack. Mayroon din silang tsinelas na panloob para sa mga bisita. "Malapit lang pala kayo sa Ancestral House." Aniya ng isa sa mga kaklase kong babae na kulot ang buhok at mataba ang pisngi.

"Oo. Saka malapit lang kami kila Sinag. Tama ba ako?" Tumango-tango ako sa tanong niya. Sa pagkakatanda ko ay dati ng nakapunta sa amin si Ayesha dahil sa group study nu'ng panahon na masipag pa ako.

"Dahil isa na lang ang iniintay natin at napakabagal ni Drake simulan na natin ang plano." Pangunguna ni Empress dahil siya ang lider.

Una naming pinaktraktis ang linya ng bawat isa. Nang dumating si Drake ay inakto namin iyon. Ang napunta sa aming scene ay pagdating ng mga Espanyol sa Mactan kaya nahirapan kami. Bukod sa isa lang ang lalaki ay kami ang pinakamaunti sa grupo kaya ang bawat isa ay halos nagdalawang karakter.

Gabi na ng natapos kami kaya wala ng sasakyan na pwedeng sakyan. Makakasakay lang kami ng sasakyan kaming nakalabas na kami sa eskinita at lampas sa ancestral house.

Kanya-kanya kami ng mundo dahil kahit naglalakad kami ay pinapraktis pa rin namin ang linya hanggang sa namataan namin ang isang lalaki na nagmamadali. May taklob ang kanyang mukha.

Bumaling ako sa ibang direksyon. "Okay. Hindi ko siya nakita. Wala akong nakita." Mariin akong pumikit. Inhale. Exhale. Huwag kang mag-alala Sinag may makikita sa lalaking iyon.

Sumunod pang lumabas ang isa pang lalaki na kapareho ang takip ng mukha ng naunang lalaki. Lahat sila ay nakasuot ng berde kaya makikita lamang ang pagkakaiba ng katauhan nila sa kanilang height.

"Hahabulin ko 'yung dalawa! Tumawag kayong pulis! Dyan lang kayo!" Sabi ni Drake.

"Paano yan wala akong load?" Sabi ni Empress.

"Huh!? Uhmm... teka! May lumabas pa!" Bulalas ni Sheina. Isang batang lalaki at matapos nito lumabas ang matandang babae.

"Tulungan niyo ko! Magnanakaw!" Hindi makahingang sambit ng matanda.

Ayoko sanang ibuwis ang buhay ko pero namataan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo upang habulin ang mga magnanakaw. Tinawag ako ni Empresss pero walang magagaw ang pagtayo lamang doon. Baka sakaling sa paghabol sa magnanakaw ay may makasalubong akong pwedeng hingian ng tulong.

Tanaw ko ang likod ng isa sa kanila at nahawakan ko ang dulo ng damit nito. Dahil sa liit ng hakbang niya ay naabutan ko siya. Nagmadali akong tanggalin ang nakaharang sa kanyang mukha at nagulat ako. Isang paslit iyon at hawak niya ang punyal na galing sa mansyon.

"Bitiwan mo yan!" Utos ko sa kanya. Pero tinitigan niya lang ako.

"Kapag hindi mo ginawa ay tatawag ako ng pulis!" Pero mariin ang pagkakahawak niya sa punyal na iyon kung kaya't pilit kong inagaw. Maling parte nito ang nahawakan ko kung kaya't unti-unti kong naramdaman ng hapdi ng palad ko.

Nagwangwang kasabay ng pag-ilaw ng pula at asul. Dahil sa pagkagulantang bata ay tuluyan kong naagaw sa kanya ang bagay na iyon. Isang lalaki ang tumawag sa kanyang pangalan na hindi naging malinaw sa tenga ko dahil unti-unti akong nanghina.

Dumilim ang paligid at kumislap ang kidlat. Dumagundong ang tunog ng kulog at bumuhos ng unti-unti ang ulan hanggang sa ito ay lumakas. Umaagos ang dugo ng palad ko habang hawak ang punyal at napapikit na lamang ako dahil sa panghihina ng sarili kong katawan.

Leaves On WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon