Leaves 4

13 4 2
                                    


Dinala ako ng mga lalaking maraming tattoo rito sa isang malaking bahay-kubo. Malaki ang bahay na ito para sa kanya. Ang nagsisilbing pinto at hati ng bawat silid ay mga kurtina ng seda na makukulay.

Mayroon din pangalawang palapag ang bahay na ito. Hindi ko makita ang loob dahil nababalutan iyon ng makapal na tela.

Habang sahig ay nahahati sa dalawa—mas mababa ng kaunti ang nasa unahang parte ng bahay. Yari ang mga ito sa kahoy ng rattan at bamboo saka pinagtali sa isa't-isa gamit ang piraso ng tubo.

Sa dingding ay nakasabit ang mga bronze na gong, malalaking kabibe at may ngipin ng hayop. Sa baba nito ay mga iba't-ibang hugis ng banga—may mapayat at mataba.

Sa harapan ko ay may malaking mesa—nakahain ang inihaw na isda, kamote, saging, tubig at kanin. Lumunok ako sa nag u-upaw na biyayang nasa harap ko.

"Salamat Papa God" Hagikhik ko.

Napatalon ako sa gulat ng makita ang lalaking matipuno na sumulpot galing sa kurtina. Agaw-atensyon ang gintong pin sa kanyang tenga na kitang-kita kung gaano iyon katibay na nakasabit.

"Anong binubulong mo, Binibini?" Tanong ng kaninang lalaki na anak ng Datu at Kiwo raw ang pangalan.

"Wala naman. Nagpapasalamat sa Panginoon saka syempre sayo! Salamat! Niligtas mo ako." Tuwang-tuwa kong sambit. Umupo siya sa harapan ko at pinagmasdan akong kumain.

"Ang sarap kumain sa palapa ng saging. Ikaw rin kumain ka!" Pag-alok ko sa kanya. Sinimulan niyang kumurot ng saging.

Nakatingin siya tila ba isa akong specimen. Tinignan ko siya ng pa-simple. Ang ganda ng mg tattoo niya sa katawan. Detalyado —parang kwintas ang nasa bandang dibdib niya.

"Bakit mo pinagmamasdan ang katawan ko?" Tinutukan niya ko ng kanyang bolo. Ramdam ko ang dulo ng patalim nito sa aking leeg.

"N-nagandahan l-lang a-ako s-sa t-tattoo mo." Nanlamig ang aking mga kamay at para akong binuhusan ng isang timbang yelo.

Akala ko ay close na kami. Pagkatapos niya akong iligtas sa babaeng maarte kanina ay akala ko hindi na siya magiging masungit sa akin. Siguro nga gano'n talaga pag mandirigma kailangan matapang ka.

"Anong tattoo ang tinutukoy mo?" Tinuro ko ang nasa dibdib niya. Binaba niya ang kanyang bolo at tinabi iyon malapit sa kanya.

Akala ko ay katapusan ko na. Saka hindi ko pinangarap mamatay sa ganitong panahon kung hindi ito panaginip. Mas gusto kong magwakas ang buhay ko dahil sa isang bagay na may kahihitnan o kaya dulot ng sakit.

"Ang tawag rito ay batok." Huminahon ang boses niya. Tumango ako. Batok pala 'yon. Palibhasa tulog ako madalas kapag Araling Panlipunan ang subject.

"Ang angas nga ah. Bakit ang dami mong pinalagay? Pwede namang isa na lang." Siguro naman pagkatapos kong makipagkwentuhan sa kanya magiging close na kami. Baka makuha ko ang loob niya at matulungan ako kung paano makabalik sa dati kong ginagalawan.

"Hindi mo nauunawaan. Ang mga batuk na ito ay simbolo ng aking kagitingan." Nakangiti siyang abot sa mata. Parang nagyayabang siya.

Tumango-tango ako. Nawala ang ngiti niya ng tinuon niya sa magkabilang tuhod niyang nakakrus ang kanyang parehong kamay.

"Mahiwaga ka. Kakaiba kang magsalita. Wari ko'y hindi ka tagarito." Uminom ako ng tubig.

Ano kaya? Sasabihin ko ba na hindi ako tagarito at galing ako sa ibang panahon? Pero paano kung bigla niya kong pugutan ng ulo dahil baka pag-akalaan niyang baliw ako?

Okay. Huminahon ka Sinag base sa ugali niya ay malambot ang puso niya at tinatago niya lang 'yon. Kung masama siyang tao baka kanina ka pa patay at pinaubaya ka sa babaeng iyon.

"Hindi nga. Natumpak mo! Taga-ibang panahon ako." Sagot ko saka pumiraso ng saging. Kinuha ko ang gabi at inalok siya pero hindi iyon tinanggap.

"Mapagbiro ka ngang tao kagaya ng kanina ko pang iniisip." Ngumiti siya at kitang-kita ang mga ngipin niya. Pati ba naman ang ngipin niya ay may ginto?

Grabe ang kayamanan ang mayroon sa taong ito.Hindi niya alam kung ilang ulit niya kong sinampal ng kayamanan niya.

"Hindi ako nagbibiro.Pangako, galing ako sa modernong panahon." Tinaas ko ang kanang kamay ko na para bang nanunumpa. Hindi siya nagsalita bagkus ay para bang iniintay niya ang paliwanag ko.

"Ang pangalan ko ay Sinag. Ikaw ba?" Nilahad ko ang sarili kong kamay. Pumikit ako habang ang isa kong mata ay bahagyang mulat. Nag-alala ako na baka tagpasin niya ang kamay ko.

"Para saan ang paglahad ng iyong kamay?"

Kumamot ako sa ulo."Ayan 'yung tamang paraan sa amin ng pagpapakilala. Ibig sabihin tapat ka sa iyong sinasabi."

"Hindi ako naniniwalang tapat ka. Sapagkat hindi kita kilala at wari ko'y isa kang alabay." Pinagmasdan niya ang bestidang suot ko.

Kung pwede lang na si Rise na lang ang nandito ay makikipagpalit ako. Wala akong maintindihan sa sinabi niya.

"Oo na nga lang. Isa na kong alabay." Kumamot ako sa ulo. Para hindi na ko makipagtalo at ang takot ko na lang na baka tutukan muli niya ko ng bolo.

"Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako si Kiwo ang bunsong anak ng Datu Ihamen. Dapat mo kong tawaging Ginoo bilang paggalang" Tumango-tango ako.

"Kiwo? Saan galing ang pangalan mo?" Ang ganda ng pangalan niya parang pinaglaanan ng oras.

"Sa isang kagamitang pandigma." Maikli nitong sagot. Tumango-tango ako.

"Ang ganda ng pangalan mo, Ginoo. Pero saan ako matutulog ngayong gabi?" Humikab ako.Siguro mag a-alas dyes na ng gabi dahil inaantok na ko.

Baka nag-alala na sa akin ang pamilya ko. Ano na kayang nangyari sa kanila? Hinahanap ba nila ako? Baka hindi makatulog si Mama dahil sa labis na pag-aalala.

Huminga ako ng malalim. Sana ay makatulog at makakain sila ng ayos kahit wala ako roon.

Bumalik ang atensyon ko kay Kiwo ng tumayo siya."May susundo sayo ritong mga Oripun at Sandig. Maaari ka nang lumabas at doon maghintay."

Pinagmasdan ko siyang pumunta sa pangalawang palapag.Iimik sana ako upang magreklamo pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko.

Paano na lang kung may gawing masama sa akin ang mga sinabi niyang Oripun at Sandig!? Sisiguraduhin kong mumultuhin ko ang lalaking ito kapag iyon ang nangyari. Hindi lilipas ang gabi ng hindi ko siya nadadalaw.

Lumabas ako ng tuluyan sa bahay niya. Kalhating minuto akong naghintay para lang sa mga taong sinabi niya.

Ramdam ko ang paglalim ng gabi. Mas lalong umingay ang mga kuliglig kasabay ang pagdami ng mga alitaptap sa paligid. Niyakap ko ang aking sarili ng sumimoy ang malamig na hangin.

Napapapikit na ko sa antok. Gumewang-gewang ulo ko.

"Binibining Liwayway?" Umayos ako ng tayo. Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko. Malalim ang mga mata niya, hindi gaanong matangos ang ilong at manipis ang labi niya.

Tumingin ako sa paligid kung ako ang tinutukoy niya. Tinuro ko ang sarili ko. "Liwayway?"

Tumango-tango siya saka ngumiti. Ha?! Teka!? Sinong Liwayway? Bakit niya ko tinawag na Liwayway?

Leaves On WinterWhere stories live. Discover now