CHAPTER 3

123 7 1
                                    


Chapter 3

Ethan's POV

Napapakunot na lang ang noo ko sa nangyayari ngayon kay Yohan, di ko alam kung ano nakain nito at lagi siyang nakadikit sa akin, kung nasaan ako naka-upo ay doon siya sa tabi ko uupo.

Wala kaming teacher ngayon at may pinapasulat sa board, hindi man ako matalino pero ito ang hobby ko, ang mag-sulat.

"Hey! Palit tayo ng notebook!" may malaking ngiti sa labi.

"Ha? Bakit?" takang tanong ko.

"Ang ganda kasi ng sulat mo." aniya kaya napangiwi ako.

Napabuntong hininga ako saka binigay ang notebook ko sa kaniya at ibinigay naman niya ang notebook niya sa akin. Well nagagandahan din ako sa sulat niya kaya wala rin kaso sa akin ito.

Pagsusulat lang ang naging gawa namin ng buong period ng subject namin na 'yon.

Natapos ang pagsusulat namin at tumahimik na lang ako habang ang mga kaklase ko ay may mga sari sariling mundo, ganoon din si Yohan pero hindi naman siya naalis sa katabi ko.

Nakatunganga lang ako sa labas ng room pinapanood yung mga dahon na nahuhulog sa puno.

"Ethan, tara sa canteen." napatingin ako kay Krystal ng tumayo siya sa harapan ko.

"Bakit? Wala naman akong bibilhin." saad ko at napasimangot naman siya.

"Libre ko!" nandidilat ang mata niya.

"Eh! Alam mo namang hindi ako nagpapalibre diba!" saad ko naman tapos lumungkot yung mukha niya.

Biglang lumiwanag ang mukha niya, "Oo nga pala! Yung cellphone na pinabibigay ni mommy!"ani Krystal at nagtatakbo pabalik sa upuan niya.

"Teka—hay nako!" napanguso ako sa kakulitan niya.

"Oh! Ayan bawal tumanggi!" aniya at ibinigay ang box ng iphone!!

"What the– ang mahal mahal nito Krystal!" saad ko at inirapan naman niya ako.

"Ganito na lang yung cellphone kong gamit ngayon yun yung bigay ko sayo tapos eto na lang akin! Deal?" aniya at napa-isip naman ako bago tumango at ngumiti.

Mas maigi na yung gamit na no!

"Ayann! Mas okay sa akin ito, salamat!" nakangiti kong saad sa kaniya at pinagmasdan ang bago kong cellphone.

Iphone parin naman ito pero hindi kagaya nung latest na model, ayaw ko non masiyadong mahal kahit na barya lang para sa kanila 'yon.

"Wow, new phone mo?" may nagsalita sa tabi ko kaya napabaling ako sa kaniya, si Yohan.

"Ahh oo eto yung lumang cp ni Krystal binigay na niya sa akin!" masaya kong sabi at pinagmalaki pa yung cp.

"Ayaw niya kasi 'tong bagong cellphone eh." reklamo ni Krystal na kinatawa ni Yohan.

"Yaan mo na siya, diyan siya komportable eh." ani Yohan kaya tumango ako.

"See! Pati siya sang-ayon sa kin!" aniko at inirapan lang ako ni Krystal bago magmarcha palabas ng room, papunta na yatang canteen.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko, hindi pa naman time para sa susunod na subject. Kinuha ko ang sim ko sa dati kong cellphone saka inilipat sa bago.

Tuwang tuwa ako dahil may bago na akong cellphone pero agad nawala ang ngiti ko ng may humablot ng cellphone ko, si Anton.

"Hala Anton! Akin na yan!" aniko at tumayo.

Until We Meet Again [BxB]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora