CHAPTER 4

93 7 3
                                    

Chapter 4

Ethan's POV

"Hindi ka papasok, naiintindihan mo!?" sigaw ni mama sa akin, umagang umaga pa lang.

"Pero ma–"

"Walang pero pero, Kristian!" aniya at umalis na lang ng basta.

Bagsak ang balikat ko ng mawala siya sa paningin ko. Pumunta na lang ako sa kwarto ko dahil wala naman na akong magagawa kung ayaw talaga niya baka palayasin niya ako rito sa bahay.

Ilang buntong hininga na ang nagawa ko dahil sa iniisip ko ang mga dapat matututunan ko ngayon.

Napadako ang tingin ko sa cp ko ng marinig na tumunog ito, tiningnan ko at tumatawag si Krystal sa akin kaya agad ko itong kinuha at sinagot.

"Hello?" pagbati ko ng masagot ito.

"Nasaan ka na? Late na ah?" sagot niya sa kabilang linya, napabuntong hininga na nmn ako.

"M-may sakit kasi ako." sabi ko at umakto na parang may ubo.

"Ha? May sakit ka? Jusko naman Tan sabi ko nmn sa iyo na ingatan mo iyang sarili mo..." napaikot ang mata ko dahil nagsimula na siya magsermon, hindi ko na pinakinggan yung mga sinasabi niya kasi para siyang nanay ko, paulit ulit ng sinasabi.

"Ayos lang ako sige na patingin na lang ng notes mo bukas." saad ko at pumayag naman siya bago magpaalam dahil nandon na raw yung teacher namin.

Mag-isa lang ako sa bahay ngayon dahil ang kapatid kong si Kiel ay nasa school na niya tapos si ate naman ay nasa trabaho na niya, nakakabagot dito sa bahay kaya naisipan ko na lang maglinis ng kwarto, malinis naman sa salas sa kwarto ko lang hindi.

Kumakanta ako habang naglilinis, pangit lang boses ko pero hindi ako sintunado, atleast hindi diba? Kesa sa iba diyan ang ganda ganda ng boses sintunado naman.

Hindi rin ako naniniwala sa sinasabi ni Krystal na maganda raw ang boses ko, yuck! Rinig ko ang boses ko at masasabi kong wala ng kinabukasan 'to.

Pagkatapos ko maglinis ay naupo ako sa salas at nagpahinga, nakakapagod din ha.

"Ethan! Ethan!"

Napabalikwas ako ng upo ng may sumisigaw na babae papalapit sa bahay namin. Tumayo ako at lumapit sa pintuan para tingnan kung sino ito, si Aling pasing pala yung kachuchu ni mama sa sugal.

"Oh bakit po?" tanong ko dahil hingal na hingal ito.

"Ang mama mo, nasa hospital at nasagi siya ng tricycle!" anito na agad kong ikinagulat.

Bumadha sa buong katawan ko ang takot, kaya dali dali akong lumabas ng bahay, wala na akong kinuha o ano pa man dahil mas importante ang mama ko, nag iisa na nga lang siyang magulang ko eh ayoko ng mawala pa siya kahit lagi siyang galit sa akin.

Kasama ko si aling Pasing at nakarating kami rito sa publich hospital sa bayan namin.

"Adelaida Lopez." saad ko sa nurse na nasa nurse station at agad naman nitong hinanap.

"Room 306 po." sagot niya kaya nagpasalamat ako at nanakbo na.


Habang nananakbo ako ay hindi ko napansin ang isang matangkad na lalaki, nabangga ako sa kaniya kaya napaupo ako. Nagsorry agad ako ng hindi tumitingin sa kaniya, wala na akong pake sa iba dahil mas iniisip ko ang mama ko.

Kaagad akong nakarating sa room 306 at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si mama na nakahiga at tulog, napahinga ako ng maluwag na hindi siya napuruhan.

Until We Meet Again [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon