CHAPTER 35

90 1 0
                                    


Chapter 35

Ethan's POV

"Time of Death 10:26 am."

Napaluhod ako ng marinig ang sinabi ng doctor. Walang tigil ang pag-luha ko. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko.

"E-ethan... Tahan na." pag aalo sa akin ni Krystal.

Umiling ako, "Hindi! Bakit ganon!? Bakettt!? Ang lakas lakas niya eh! Malakas siya dibaaa!? Nakita mo kaninaaa! Ang saya pa nga niya eh! Hindii! Mali yang doctor na yannn! Hindi pa patay si Yohan! H-hindi..." napahagulgol na ako habang nakaluhod sa sahig ng hallway sa tapat ng emergency room.

Isinugod namin si Yohan dito sa pinaka malapit na hospital ng mangyari yong kanina. Kaagad na rumesponde ang mga doctor.

Umiiyak ako habang pinapanood na i-revive ng mga doctor ang katawan ni Yohan. Dead on arrival, iyan ang wika ng doctor. Hindi ko alam kung paano? Wala naman akong alam na may sakit siya.

"Hush... Ethan... Pleasee, tumayo ka na diyan." saad ni Krystal pero umiling lang ako.

Sobrang sakit! Ang sakit sakit eh! Bakit ganon!? Ha!? Bakit!! Bakit si Yohan pa? Kung kailan pinatawad ko na siya at naging kami ay saka pa ito nangyari?

Napahawak ako sa dibdib ko ng mahirapan akong huminga sa sobrang pag-iyak.

"Ethan! Ethan! Anong nangyayari? Docc! Docc!" sigaw ni Krystal.

Nahihirapan akong huminga pero wala paring tigil ang pag-iyak ko. Naramdaman ko ang pag-angat ko at nang tingnan ko kung sino ang may buhat sa akin ay nakita ko si Chase na lumuluha.

"Y-yohan..." saad ko hanggang sa unti unting pumikit ang mata ko at namayani ang kadiliman sa buong paligid.

•••

Nakatulala ako rito habang nakaupo sa tabi ng kabaong ni Yohan. Hindi ko parin maintindihan. Hindi parin pumapasok sa isip ko na wala na siya. Hindi parin tinatanggap ng sistema ko na wala na ang taong mahal ko.

Nang araw na nahimatay ako ay nagising akong nasa hospital room. Hinahanap ko si Yohan pero pinipigilan ako nila Krystal. Masyado raw akong na-drain kaya nahimatay ako.

Dumating din noong araw na iyon ang mga magulang ni Yohan, nalaman nila ang nangyari at kaagad na pumunta ng hospital.

Nakita ko ang pag-breakdown ng mommy niya, ang pagluha ng daddy niya. Nandon ako sa isang tabi at umiiyak. Nang makita ako ng mommy ni Yohan ay lumapit ito sa akin at niyakap ako.

Ikinuwento niya kung gaano ako kamahal ng anak nila. Ikinuwento rin niya kung gaano ito nasaktan sa lag-alis ko noon. Wala raw gabi na hindi nila maririnig na umiiyak si Yohan at sinasambit ang pangalan ko sabay hingi ng tawad.

Mas lalo akong nasaktan noon ng malaman iyon. Kung alam ko lang bumalik agad ako. Kung naniwala lang ako sa kaniya noon pa. Kung pinakinggan ko lang siya edi sana nandito siya.

Sinabi ng mommy ni Yohan na may brain cancer ito noong bata pa lang ito, naipagamot naman daw ito noon at thank God ay gumaling si Yohan. Pero hindi raw nila ina-akala na babalik ang sakit nito ngayong college na si Yohan.

"Ethan... Umiiyak ka na naman." napaangat ang tingin ko kay Krystal na may pag-aalala sa mukha na nakatingin sa akin.

Napa-kapa ako sa pisngi ko at nalamang umiiyak nga ako, pinahid ko ito at saka ngumiti kay Krystal.

Until We Meet Again [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon