CHAPTER 20

94 4 1
                                    


Chapter 20

Ethan's POV

"...Yes, Ma, I'm already here."

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng airport na pinaglabasan ko, nandito na ulit ako sa pilipinas at masasabi kong sobrang init, hindi na ako sanay sa ganitong temperature ng paligid dahil hindi naman ganito kainit sa Australia kapag summer.

Pinatay ko ang tawag ng magpaalam na si mama, ako lang ang umuwi ng pilipinas dahil doon parin daw gusto ni Kiel mag-aral, talagang nagustuhan niya ang ibang bansa.

I'm already graduate from senior high, and I already enrolled to the university na papasukan ko, dalawang linggo pa bago mag-simula ang klase kaya may panahon pa ako para mag-adjust sa bagong atmosphere.

Pagkalabas ko ng airport ay pumarada sa harapan ko ang kotse ko, iba itong kotse ko kumpara sa kotse ko sa Australia, Ferrari lang ito.

Bumaba ang driver at binati ako saka ko kinuha ang susi sa kaniya at sumakay ng kotse ko at pina-andar ito hanggang sa makapunta ako sa condominium na binili ko before ako magbook ng flight papuntang pilipinas.

I have my own money na kasi kaya kahit anong gusto ko nabibili ko pero nandito parin sa akin ang pagtitipid dahil ang iba kong pera ay galing kay papa.

Pagka-park ko sa parking lot ng condo ay bumaba ako at pumunta sa lobby ng condo at kinuha sa babae ang key card ng room ko.

Napapatingin sa akin ang ibang mga tao lalo na ang mga babae, nakasando lang akong itim at khaki trouser saka white shoes, dala dala ko rin ang maleta kong malaki, nakasuot din ako ng sunglasses na itim itinatago ng kulay asul kong mata.

Kitang kita ang kaputian ko at ang batak kong balikat at braso, nagf flex din ang biceps ko kapag binibitbit ko ang isa kong bag sa kaliwang kamay.

Naglakad ako papuntang elevator at sumakay roon, may mga nakasabay akong mga babae at agad silang napapatingin at nagbubulungan pa.

I heard that they are whispering about me but I just ignore them because I'm already used to it.

Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang room ko ay lumabas na agad ako ng elevator at dumeretso sa room ko, binuksan ko ito at saka pumasok.

Nailibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng condo, I smiled when I saw what theme I want, pinapunta ko rito ang katiwala namin sa mansion ni papa para ipagawa ang gusto kong theme.

All decor and furnitures are black and white, not bad in my eyes.

"Better." I said and took my stuffs in my room which is the theme is black and white too, inayos ko ang gamit ko sa dapat nilang paglagyan at saka ako pumasok sa walk-in closet ko para ilagay ang mga damit ko, lahat ito ay branded.

Napabuntong hininga ako ng matapos akong mag-ayos, tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto ko at nang makitang maayos na ito ay napagdesisyunan kong maligo na dahil nanlalagkit na ang pakiramdam ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng boxer dahil mag-isa lang naman ako rito sa condo at wala nang bigla bigla na lang papasok dito dahil lahat sila ay nasa Australia at si ate Kirsten ay busy sa trabaho niya maging si kuya Cairo.

Nagpunta ako sa kusina para magluto ng makakain dahil nagugutom na ako, naghahanap ako ng ingredients sa ref ko rito ng tumunog ang doorbell ng room ko.

Nakakunot ang noo kong nilapitan ang pinto at tiningnan sa mini monitor sa tabi ng pintuan kung sino man ito, nakita ko ang isang babae na nakangiti habang naka-tingin sa camera na nasa labas, iyun yung camera para rito sa maliit na monitor na ito para malaman kung sino ang nasa labas ng room ko.

Until We Meet Again [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon