1

54.4K 1.1K 712
                                    

First day of school at nagpapaka stress ako agad dahil sa walang hiyang baklitang kaibigan kong si Bruno na iniwan ako dahil may poging nakita sa HRM department.

Mag isa ako ngayong hinahanap ang Engineering building dito sa napakalaking Arkins University, sa Isang hamak na ignoranteng katulad ko malamang mukha na akong tanga ditong palakad lakad.

Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa grupo ng babae na nagtatawanan sa bench para magtanong.

" Eheem" pasaring ko para makuha ko ang atensyon nila.

Nagtatakang tumingin saakin ang mga ito

" Ano un miss?" Tanong ng isa dito

" Saan dito ang engineering building?" Nahihiyang tanong ko sakanila.

" Ahh liko ka lang sa may way na yan may kulay blue na building jan yun ung Engineering building " turo ng babae saakin

" Ahh Sige sige thank you! " Tumakbo na ako agad para mapuntahan ang building, patingin tingin ako sa Relo ko habang tumatakbo dahil ma lalate na ako.

Pagkarating ko sa building agad kong hinanap ang computer engineering room dahil putapete late na ako ng 2 mins.

Pagkakita ko sa room 207 walang katok katok akong pumasok sa sobrang taranta. Gulat ang mga studyanteng nakatingin saakin pagtingin ko sa unahan nandoon na ang professor namin na may hawak hawak pang stick.

"Lord tabang huhuhu" dasal ko sa isipan

" Who are you miss?" Nakataas ang kilay nitong tanong habang nakapamewang pa itong tumingin saakin.

" Ahh hehehehe good morning ma'am, I'm Mavis History Fernandez po hehehehe" alanganing sabi ko habang nanginginig na mga binti ko sa sobrang takot. Pinasadahan ako nito ng tingin habang nakakunot ang kilay

" Go to your seat Miss Fernandez" agad na pumunta ako sa tabi ni Bruno na tatawa tawa lang nakatingin saakin hayop talaga tong baklitang to.

" Dahil may DUMAGDAG pa I'll repeat my rules here inside of my classroom. Rule One ayoko sa lahat ng LATE even if seconds lang yan automatic absent agad" tumingin ito saakin kaya napa yuko nalang ako sa hiya.

" Rule second, ayoko ng maingay. Rule third ayoko ng may nag uusap kapag nag tuturo ako kapag may nakita ako jan kahit simpleng bulongan lang detention agad. Rule four, couples are not allowed here, huwag jowain ang kaklase mga magkakapatid kayo dito" napasinghap naman ibang kaklase ko.

" May problema ba?" Nakataas ang kilay nitong tanong saamin, umiling naman ang mga kaklase ko.

" Rule five, walang hinigian or hiraman ng ballpen at papel, college na kayo kaya dapat maging responsible kayo sa mga gamit niyo" haru jusko mukhang mapapainom ako ng memo plus gold dito makakalimutin panaman ako.

" Rule Six, cheaters are not allowed here maging tapat kayo kahit sa school man lang" Hala hugot si ma'am sungit

"Rule seven, bawal pumasok ang hindi ko studyante" grabe naman napaka strikto nitong prof na to.

" Rule Eight, bawal ako I add sa aking all social media accounts" famous yarn?

" Rule nine, ayoko ng dugyutin kayo dito, dapat alam niyo ang word na HYGIENE" tsaka sumulyap ito saakin, Hala ang potangina nitong prof na to na memersonal.

" Last but not the least, Rule Ten, I don't want y'all to call me by my first name, just Miss Alvarez" Hala ano yan 10 commandments? Moises yarn?

" Nagkakaintindihan ba tayo sa mga rules ko?" Madiin na sabi nito.

Loving Professor Miss Alvarez (Unedited!)Where stories live. Discover now