Chapter 14

1.2K 99 10
                                    


Chapter 14

"THE woman who left you?"

Tumango si Blake at ikinuwento niya ang kanilang pagkikita at kung paano niya nahanap si Athena sa wakas.

"Hindi naman emergency 'yan, Blake. Makakapag-antay pa 'yan sa session natin next week."

Marahas siyang umiling. "No, it couldn't!"

Alam niyang emergency iyon kapag nakita niya. An erection after three years is an emergency.

Mariing ipinikit ni Lucy ang kanyang mga mata at kinurot ang tulay ng kanyang ilong, halatang naiinis ito sa kanya. "So, how's your first meeting?"

"Fucking awesome!" Malapad ang ngiti na lumabas sa mga labi ni Blake, kulang na lang ay dumako iyon hanggang sa tenga niya. He was happy for the first time in a very long time.

Ang pagtatapos ng kanyang problema ay nalalapit na. Nakikita niya liwanag sa napakahabang tunnel sa wakas.

"How so?"

"I had an erection, doc. I was fucking horny when I kissed and touched Athena. God, she felt amazing in my arms. Like she's made for me. Kung hindi ko lang siya kinasusuklaman ay baka may nangyari na sa amin sa loob ng meeting room sa mesang iyon. That's how much I wanted her. I can still get it up! Woo hoo!" Hiyaw niya na para bang nanalo siya sa lotto.

"That's good." Tangong sambit nito. "So, nakausap mo ba siya ng maayos? Naresolba na ba ang nakaraan ninyo?"

Natigilan siya. "Not exactly. Kaya kailangan mo akong tulungan." Pinaliwanag niya kung bakit hindi kayang mabuhay ng pagkalalaki niya kay Lillian, kahit na anong gawin niya o kahit gaano kahaba ang pagromansa niya rito.

"Why did I react so strongly to Athena, but felt nothing for Lillian?"

Natahimik si Lucy ng ilang sandali pero patuloy parin ang pagsusulat nito sa notepad.

Hindi mapalagay si Blake habang pinanonood ang kanyang therapist kaya naman kinuha niya ang notepad saka iyon binasa. Malamang ay naroon ang lahat ng sagot sa napakaraming katanungan sa kanyang problema, na hindi lang nito kayang ipaliwanag sa kanya.

"Ikaw lang ang makakasagot sa tanong na iyan, Blake." Sa wakas ay sabi ng therapist niya nang ibaba nito ang hawak na ballpen at pinagsiklop ang mga kamay.

"No, Lucy!" Inis na inihagis ni Blake ang kamay sa hangin. Hindi siya masaya sa tugon nito. "Ginawa ko na ang kalahati ng dapat ay trabaho mo, ikaw na ang lumutas sa iba."

"That's not how this works, Blake!" Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga at mariing umiling. "Kailangan mong alamin kung bakit napakalakas ng emotion gamit lamang ang pisikal na reaksyon sa babaeng ito at bakit hindi pwede sa ibang babae."

Hindi nagugustuhan ni Blake kung saan patungo ang kanilang usapan, salubong ang kanyang kilay habang matalim ang tingin kay Lucy. "Gusto mong ako ang gumawa ng lahat? Kung gano'n ay ano ang trabaho mo? Bakit kita kinuha?"

Muling napabuntong hininga si Lucy, naiinis sa kanya. "You did not hire me! At lahat ng doktor mo ay sinabing walang problema sa'yo. Your issue is psychological and Athena is the trigger. Only you can do the work."

"Paano ko gagawin iyon?" Tanong niya. Payag siya sa kahit na anong suhestiyon. Ngayon na alam niyang hindi sira ang pagkalalaki niya, gagawin niya ang lahat. "How do I figure it out?"

"Subukan mong makasama siya ng ilang linggo." Tumingin ito sa relong pambisig, malamang ay ang libre niyang tatlongpung minuto ay malapit ng matapos.

"I can't." Sabi niya, hinihiling na sana ay mabawi niya ang kanilang pag-aaway.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now