Chapter 35

1K 110 16
                                    


Chapter 35

One week later...

KAHIT labag kay Athena, ay wala siyang nagawa kundi ang pumasok muli sa trabaho. Kung hindi lang dahil sa pamimilit sa kanya ni mrs Romero at pagpaalala nito sa pinirmahan niyang kontrata ay hindi na talaga siya makakawala pa. Malakas ang tibok ng kanyang puso habang papasok sa Tuazon Express at hindi na siya nagulat nang dumugon siya ng mga nag-aalalang empliyado.

Maliban sa limang reception na halatang walang pakialam sa kanya at ilan sa mga empliyado sa ibang palapag ay labis ang pagpapasalamat ng iba na maayos na siya.

Nagpasalamat siya sa mga ito bago tumungo sa kanyang maliit na opisina. Natigilan siya nang makita ang iba't ibang uri ng bulaklak, stuff toys, at mga cards na nasa kanyang mesa. Napangiti siya habang binabasa ang mga get well soon cards na nanggaling sa mga empliyado. Pagkatapos niyon ay itinabi niya ang mga bulaklak upang makapagtrabaho siya.

Hindi niya alam kung ilang oras na ang nakalipas dahil nababad siya sa kanyang mga naiwang trabaho. Gusto lang niyang matapos iyon para makauwi ng maaga. Kaya naman hindi niya napansin na may mga matang nakamasid sa kanya at tahimik siyang pinapanood.

Kung hindi pa niya narinig si Kate na tawagin ito ay hindi pa mapupukaw ang kanyang atensyon.

"Mr Tuazon, you have a lunch meeting with your parents at.."

Nag-angat siya ng tingin at napakurap nang makita si Blake na may matalim na tingin kay Kate.

"Sorry, sir." Nakatungong ani Kate.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na 'yon. Hindi pa siya handang kausapin si Blake dahil sariwa pa sa kanya rebelasyon ni Lilian, pero dahil nga nagtatrabaho siya sa kompanya nito ay hindi malabong magkita sila ni Blake. Pero hindi niya akalaing kusa itong pupunta sa kanyang opisina.

Iniwas niya ang kanyang tingin nang muli nitong ibalik sa kanya ang mga mata. Sinikap niyang hindi ito pansin at sa tuwing makikita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata ang pag-galaw nito ay hindi mapigilan ng puso niya ang mabilis na tumibok.

Kung hindi lang siya galit rito ay baka nag-laway na siya sa napaka-gwapo nitong hitsura.

Marahil ay naubusan na ito ng pasensya nang naglakad ito papasok sa kanyang opisina. Hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang pag-ingos nito habang tinatabi ang mga bulaklak.

Umupo ito sa visitor's chair. "Let's talk, Athena."

"I am busy, sir." Malamig na tugon niya. Tumayo siya at tinalikuran ito, kunwari'y kukuha ng band paper sa kanyang cabinet.

"Don't ignore me, please." Bakas sa tono nito ang prustrasyon. "Kailangan  nating mag-usap. Marami tayong dapat pag-usap, mga bagay na kailangan kong malaman diyan sa bibig mo. Athena, talk to me. I know you are upset—"

"For what?" Baling niya rito. Malamig ang kanyang emosyon, hindi niya hahayaang makita nito kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay halos lunurin niya ang sarili sa sakit na nararamdaman sa kanyang dibdib. Bawat pagtulog niya o sa pag-iisa niya ay dinadalaw siya ng alaala ng gabing iyon. At dahil ayaw niyang maapektuhan ang kanyang mga anak ay sinikap niyang ipakita sa mga ito na maayos siya.

Nagpapasalamat rin siya sa mga magulang niya, mga kaibigan, kay Brenda at sa kuya niya na palaging umaalalay sa kanya kung nangingibabaw ang kanyang emosyon.

She was an emotional wreck at that time, and she couldn't handle herself everytime she was alone. She always burst into tears and guilt ate every fiber of her being.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now