Chapter 22

1.1K 99 8
                                    


Chapter 22

ATHENA waited for her brother to laugh and tell her it was a joke. Pero lumipas na ang ilang segundo ay nanatili parin itong seryoso habang ang mga mata ay matiim na nakatitig sa kanya. Malamang ay nangangapa sa kung ano ang magiging reaksyon niya sa rebelasyon nito.

For all her life, she knows nothing about her brother except the once he shared with her. They didn't grew up together but they are very close. She depends on him the way he did to her. But never have ever she thought that he will keep those things a secret from her.

Tumikhim siya, hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya kasi inaasahan na iyon ang aaminin sa kanya ng kuya niya. Ang akala niya ay sa mga palabas at librong nababasa lang niya makikilala ang buong hindi pangkaraniwan sa iba.

Pero ang taong nasa harap niya ay miyembro ng organisasyon at kadugo pa niya.

"I don't know what to say." Napakurap siya. "Ano ang koneksyon ni Tess sa pagiging miyembro mo sa mafia?"

"I killed her father."

Umawang ang labi niya habang hindi makapaniwala ang tingin sa kapatid. Mabilis niyang inilibot ang kanyang mga mata upang masigurong walang makarinig sa inamin nito.

Walang boses na lumabas sa kanyang bibig, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga oras na iyon. Kung yayakapin ba niya ang kapatid dahil nagsimula na itong humikbi o kung magagalit ba siya dahil sa ginawa nito.

Killing is a serious offence that anyone could commit to a person. But she knows for a fact that his brother didn't go to jail for that.

"How.."

"Dati siyang security at driver ni Don Serio, that's how I met Tess." Saad ni Zeus. "We thought we could trust him,  but we found out that he work for someone else and spy on us. Don Serio is a generous person but if you mess with him, he will show no mercy. I—"

"Ano?" Naningkit ang kanyang mga mata at nangsalubong ang kanyang kilay sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa pangalang kanyang narinig. "Don Serio?"

"He is our boss. The head of our organization."

Napanganga siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ilang emosyon na ang kanyang nailabas sa mga rebelasyon ng kanyang kuya. Nagpapasalamat na kaunti lang ang tao sa paligid.

Taimtim naman siyang nakinig rito. Mula sa umpisa hanggang sa nangyari sa ama ni Tess at kung paano nalaman ng dating asawa ng kuya niya ang pagkamatay ng ama nito na siyang dahilan kung bakit naghiwalay ang mga ito.

Halos sumabog ang kanyang ulo sa mga impormasyon na nalaman niya mula sa kuya niya. At hindi niya akalaing naging empliyado siya ng Imperial Industries na isa sa kompanyang binuo ng organisasyon.

Maging ang mga pinsan ni Zeus na sina August, Blue, Nigel, Nathalie, Eros at iba pa na madalas niyang makita at makasama ay miyembro rin ng grupo. May mga red flags na siyang napapansin sa mga ito, pero dahil sa pag-aakalang biro lang ang mga iyon ay ipinagsawalang bahala niya.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Zeus. "Eros found out about the organization. He was an agent, but since he can't snitch on us, he became like half part of it. Nathalie became a member after her punishment in Puerto Rico."

Sandaling katahimikan ang namutawi sa kanila. Ang kuya niya ay huminto na sa pag-hikbi at hinihintay ang magiging hatol niya rito.

Maingat siyang napailing. "Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. I am blown away by your confession, kuya." Mariin niya itong tinitigan. "Why did you hide it from me?"

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now