Chapter 38

1.3K 104 14
                                    


Chapter 38

ISANG buwan na ang lumipas matapos ang pagtatagpo ng kanyang mga anak at ni Blake. Sa loob ng isang buwan ay marami ang nangyari na hindi nila inaasahan. Ang kanilang kambal ay ipinakilala na sa pamilya ni Blake at si Blake naman sa kanyang mga magulang.

Naging maayos na rin ang relasyon ng kanyang mga anak kay Blake, lalo na si Artemis na ngayo'y palagi ng inahanap ang ama nito bago matulog.

'I want Daddy.' Iyon palagi ang bukang bibig ng anak sa tuwing hindi roon matutulog si Blake.

Pero dahil wala pang label ang kanilang relasyon ay nagtatyaga muna si Blake na bumisita sa kanilang mga anak.

Nagulat rin siya nang malaman na ang kaibigan niyang si Sofia na ipinakilala sa kanila ang boyfriend na 'Carry' ay si Carson Tuazon pala. Hindi naman nagulat si Carson na parang alam na magkaibigan sila ni Sofia, pero dahil hindi nito sinabi kay Sofia na nagtatago ito sa pangalang 'Carry' ay hindi ito pinansin ni Sofia ng isang linggo.

Sa loob ng isang buwan ay naayos ni Blake ang lahat ng papeles ng kanilang mga anak, hindi na ang apelyido niya ang gamit ng mga ito at ngayon ay dala dala na ang apelyido ni Blake. Bagama't hindi sang-ayon ang kuya niya ay wala na itong nagawa kundi ang pumayag dahil karapatan naman ni Blake ang ibigay sa mga anak ang apelyido.

Hindi na rin sa maliit na opisina ang lokasyon niya, pero kung siya ang papipiliin ay mas gusto niya doon dahil kahit na papaano ay walang Blake na parang kwago kung siya ay bantayan.

Ang kanyang bagong opisina kasi ay mismong sa opisina ni Blake. Nagretiro na rin kasi si Mrs Romero kaya naman sila na ni Kate ang personal na assistant ni Blake. Si Kate ang nakaatas sa office work samantalang siya naman sa mga personal schedule nito, tulad ng pag-asikaso ng outside meetings, out of the country na kasama siya at mga anak, at mga family gatherings.

Naging mas close sila ni Kate at ito lang ang nakakaalam ng tungkol sa kanyang mga anak. Bagama't alam na ng buong Tuazon Express ang tungkol sa kanila ni Blake ay ito pa lamang ang nakakaalam ng sikreto niya.

Dahil rin sa nilabag ni Blake ang isa sa mga patakaran ng kanilang opisina ay hindi nasiyahan ang mga board member kay Blake at gusto siyang patalsikin sa trabaho. Hindi pabor ang mga ito sa office romance at PDA na ginagawa ni Blake kapag kasama siya.

Ang iba namang empliyado lalo na si Dona at mga PR team ay suportado ang kanilang relasyon dahil hindi na mahirap katrabaho si Blake. Lalo na kapag may mga meeting ang mga ito ay hindi na ito bumubuga ng apoy.

Natatawa siya habang inaalala ang kaluwagan sa mukha ng mga empliyado at nagpapasalamat dahil dumating ang isang tulad niya sa buhay ng kanilang Dragon.

Ngayon ay maayos na ang lahat, siya kasama si Blake at mga anak niya ay masayang naglalaro sa dalampasigan at sinusulit ang kanilang munting bakasyon sa isang resort.

Kasama ang mga kaibigan niya, si Brenda at ang dalawang pinsan ni Blake na nasa cottage at naglalaro ng kung ano ay hindi niya alam.

Napasinghap siya ng hapitin siya ni Blake palapit sa kanya at maupo siya sa binti nito. Mahigpit na yumakap ang mga kamay nito sa kanyang bewang at dinampian ng halik ang kanyang balikat. Mabuti na lamang at basa ang buong katawan niya dahil baka makita nito ang pagtayuan ng kanyang mga balahibo.

Ang dalawa nilang anak na ngayon ay abala sa pagbuo ng palasyong buhangin sa tabi nila.

"Let's go somewhere deep." Namamaos nitong bulong.

Hindi na nito hinintay pa ang kanyang sagot na kaagad siyang hinila patungo sa mailalim na parte kung saan hindi na niya abot. Kaagad na pumulupot ang kanyang mga kamay sa leeg ni Blake at ito naman ay sa kanyang bewang.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now