Chapter 25

968 89 4
                                    


Chapter 25

INIWAN nila ang office ni Lucy at nangako si Blake na bibisita ulit ito sa susunod na linggo.

Ang tanging gusto na lamang ni Athena ay ang hindi makasama sa susunod na session ni Blake dahil hindi na niya kaya ang paninigaw at akusasyon sa kanya ni Blake.

Oo at nasira niya ito; kung anuman ang maitatawag niya sa nangyari kay Blake, nang iwan niya ito nang walang pasabi. Pero hindi lang naman si Blake ang nagbago ang buhay matapos ang gabing iyon. Hanggang ngayon ay hinaharap parin niya ang nangyari sa kanya noong naisilang niya ang kanyang kambal. Kaya para sa kanya ay nag-overeact lamang si Blake.

Tumungo si Athena sa bahagi sa loob ng elevator malayo kay Blake at isinandal niya ang likuran sa malamig na metal nito, nananalangin na tunawin siya at mawala.

"Relax, I won't bite you!" Kaagad na sabi ni Blake na hindi siya tinatapunan ng tingin. Ang atensyon nito ay nasa hawak na cellphone.

"I didn't think you were," Sagot niya. "Ayaw ko ng bumalik dito."

"You don't have to." Ani Blake. Ang labi niya ay bahagyang nakangiti. "Now that I've confronted you, I can finally get you out of my system."

Bago pa man siya makapagtanong kung ano ang ibig nitong sabihin ay bumukas na ang elevator at nagpauna na itong lumabas, na hindi manlang huminto para tingnan siya.

Sa labas ay binati sila ng maligamgam na init ng hapon at dahil doon ay gusto ni Athena na maglakad pabalik sa opisina.

Ramdam niya ang sugat at dugo sa kanyang puso. Bagay na matagal na niyang kinalimutan pagkatapos ng masakit na pinagdaanan niya kay Jay.

Ang nangyari sa hiwalayan nila ng kanyang ex at kung anuman ang meron sa kanila ni Blake ay magkaiba, pero ang huni ng pagkawasak ng kanyang puso ay magkapareho. Kailangan niya ng segundo, minuto o oras para ayusin ang sarili.

Yes, a walk would do her a lot of a good. "Mr Tuazon," tawag ni Athena mula sa likuran nito, ikinukurap ang mga luhang nagbabadya sa pagtulo.

"What is it?" Tanong ni Blake, pero ang atensyon nito ay nasa relong pambisig, inaalam ang oras.

"Mauna na ho kayo sa office. Maglalakad na lang ho ako mula rito papunta roon."

"Bakit?" Muli nitong tanong habang ang binuksan ang pinto ng passengerseat para sa kanya. "The car's already here."

"Kailangan ko lang huminga." Bulong niya at nananalangin na sana ay hindi na ito magtanong pa sa kanya.

But he didn't. "What for?"

"Maganda ang sikat ng araw." Nakangating aniya saka nag-angat ng tingin sa maasul na kalangitan. Bahagyang nandilim ang kanyang paningin dahil sa araw. "It's a good day for a walk."

'And to get over you' Aniya sa isip.

Tumitig si Blake sa kanya ng ilang segundo. May kung ano sa emosyon nito ang lumitaw at hindi niya alam kung paano niya babasahin iyon bago nito tinanggal ang suot na blazer at itinapon sa backseat saka nito isinara ang pinto.

"Ok, let's go."

"No, sir." Marahas na umiling si Athena saka umatras. Gusto niyang mapag-isa. Sa oras niya. Sa kaunting katinuan na meron pa siya. Hindi niya kailangan ng kasama lalo na kung si Blake iyon. "I want to be alone."

"Athena—"

Inilayo niya ang sarili kay Blake, ay ang kanyang puso ay naninikip sa tono ng pagbigkas ni Blake sa kanyang pangalan.

Iyon na ata ang unang pagkakataon na maririnig na mula sa bibig nito ang pangalan niya na hindi ito naninigaw sa kanya. Sa loob ng ilang linggo na nakasama niya ito sa trabaho ay puro nalang pagalit ang lalaki sa kanya. It was nice hearing it from his lips. She just wished it wasn't the same mouth that had lashed out on her.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now