Chapter 3: The Dark Demons

24.2K 267 8
                                    

//Chapter 3: The Dark Demons//


KENT'S POV

"Sige, susunod na ako" pinutol ko na ang tawag.

Uuwi na muna ako, Dumating na kasi sila.

Sila Gio Daisuke at Andrei Hiroshi Shimizu.

Mga kuya ko.

Nag drive na ako pauwi. Wala na akong pakialam sa next subject namin. Uuwi na ako kesa sa ako ang puntahan ng mga asungot na yun. Tsk. Mahirap na, baka malantad pa sa school ang pagiging ganster ko. Konti lang kasi ang nakaka alam nun.

Nandito na ako sa harap ng bahay namin. Agad ko namang nakita yung dalawa.

"Kamusta ka na bunso?" bungad agad sakin ni kuya gio. Panganay namin.

"Tagal mo na atang di nagpapakita sa W.O.G (World of Gansters)" dagdag pa ni kuya andrei.  (Galing po yang WOG sa fave author ko. Hi ate idol, kaway kaway ^______^)

"Diba sabi nila mama wag muna akong magpaparamdam?" yun kasi ang sabi nila mama. Wag dw muna para hindi sagabal sa pag-aaral.

"Pero pano na yan? Hinahanap na nila ang rank 1" sabat ni kuya gio. Oo, tama ang nabasa nyo, ako ang rank 1 gangster sa buong pilipinas at isa rin sa mga pinaka bata. Tss, bakit ba saming tatlo eh ako ang pinaka malakas? Rank 2 lang kasi si kuya gio at rank 3 si kuya andrei. Ang galing lang noh? Ako yung bunso tapos ako  pa nakakalamang.

Inside a Gangster's Heart ♥ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon