Chapter 48: Simple things in life

8.8K 103 5
                                    

 //Chapter 48: Simple things in life//

 

NICOLE'S POV

 

12 am. Wala parin sila papa  TT__TT Nasan ba kasi sila?

"Stop being a worrywart bhest, babalik din sila, baka may binili lang" tumango nalang ako sa sinabi ni krishna.. Kanina pa kasi kami nagising at wala sa bahay sila andrew.. Nasan na ba kasi sila? Ni hindi man lang nag paalam..

"Nasan si rhicka at dianna?" kanina ko pa kasi napansin na wala pa sila dito sa living room, ang usapan ay before lunch dapat nasa baba na ang lahat. Tumingin ako kay krishna at naghihintay ng sagot. Napakunot muna yung noo nya bago nya ata na gets yung tingin ko.

"Ah" panimula nya. "Ang alam ko ay may sakit ata si bhes dianna kaya binabantayan muna ni rhicka" sagot nya. Kawawa naman pala si bhes, baka di nya ma-enjoy itong bakasyon. Sayang din naman kasi kung di nya makikita yung mga magagandang seceneries dito sa isla. One of a kind kumbaga.

"Okay na ba sya?"pahabol ko. Tumango naman si krishna. "Oo, napainom na daw ng gamot ni rhicka.. Bababa na sila mamaya kapag maayos na yung pakiramdam nya."

Umupo sa tabi ko si princess habang dala yung chips na baon nya. "Kaya pala parang aligaga kanina si bhes, may sakit pala.." aniya.

Napatingin ulit ako sa wristwatch ko. Ang tagal naman kasi nung mga lalaki, wag mong sabihing nang-chi-chicks na agad sila. Wow lang ha -____-

"Kalma lang bhes.. Babalik din yung mga yun" okay.. Inhale.. Exhale,, Sinunod ko nalang yung sinabi ni princess. Kalma lang.. Okaaaaaay...

Pero teka---- kjashdjkasgjdhFHSDKAHKASKL.. "YO! Sino to?" sigaw ko. May biglang nagtakip ng mata ko kaya "WAAAH., KUNG MAGNANAKAW KAYO, PLEASE LANG, MAMAYA NA KAYO MAGNAKAW" eh? Basta! Ewan!

"Mukha ba kaming magnanakaw ma?" yung boses na yun. "Pa?" tanong ko. Unti-unti namang lumuwag yung pagkakatakip sa mata ko, pero nakatakip parin.

"Ano namang kalokohan to pa??" may halong pagka-inis na yung tono ng boses ko. Ang rami kasing kalokohan, aalis sila ng di nagpapa-alam tapos ganito??

Inside a Gangster's Heart ♥ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon