Chapter 38: This is the start of our forever

9.8K 148 14
                                    

//Chapter 38: This is the start of our forever //

[Kent & Princess' selca at the multimedia] || Vote | Comment | Be a Fan || 

-Play the song on the right :)

=========================

Maagang nagising si princess dahil sa sobrang sakit ng ulo nya. Napalingon sya sa kanan at nakitang natutulog ng mahimbing si kent sa couch. Nag-taka sya nung una dahil hindi nya alam kung paano sya nakarating sa kwartong yun, ang huling naalala nya lang ay ang pag-inom nya dahil nga sa nakita nyang paghaharutan ni kent at dianna. Napakamot nalang sya ng ulo at tumayo.

Pero laking gulat nya ng makitang t-shirt nalang ang suot nya. "KEEEEEEEEENTTTTT" sigaw nya. Nagulat naman si kent kaya napatayo ito "Bakit princess? Anong masakit sayo? Masakit ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong nya. Umiling-iling lang si princess at tinuro ang t-shirt nya,. "Ah, yan ba.. "ngumiti si kent ng nakakaloko.. "Ikaw nanguna eh. Kaya.. " 

Natulala muna ng ilang minuto si princess bago mag sink-in sa utak nya ang mga sinabi ni kent "KYAAA!! KENT HOW CAN U DO THIS TO ME... ARRGGG!!" sa sobrang inis nya ay pinag-papalo nya si kent ng unan.,

"WOAAAH! Chill lang---OUCH!! Stop.. Hindi na nga!!" sigaw ni kent habang sinasalag ang mga braso nya sa mukha nya. Tumigil naman agad si princess at nanahimik ng ilang segundo. 

KENT'S POV


"Lasing ka kasi kagabi,.. Hindi ko alam pero may mga pinagsasasabi ka.. Pero isa lang ang narealize ko ng mga oras na yun.."

"Princess kasi matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to.. Kaya ako lumalayo sayo kasi pakiramdam ko araw-araw na nakikita kita lalong lumalala yung nararamdaman ko para sa'yo. Pinakiusapan ko pa si dianna kasi alam ko namang hindi ako karapat dapat para sa'yo. Pero pagkatapos kong marinig yung mga sinabi mo kagabi. SHET LANG.. Kinikilig ako, nabuhayan ako ng loob.. "

Huminga ako ng malalim bago patuloy na magsalita "Kala ko kakayanin kong lumayo, pero masyado na akong nahulog sayo princess.. MAHAL NA MAHAL NA TALAGA KITA" 

Hinintay ko lang syang magsalita.. Nakita ko lang syang nakayuko ... "Kent naman eh.. Wag ka ngang magbiro, ayoko ng ganito.. Baka pinag-titripan mo lang ako eh!!" sabi nya pa. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at iniharap sakin "Hindi ako nagbibiro, hindi kita pinagti-tripan, lahat ng sinabi ko sayo, galing sa puso ko" nagsimula ng tumulo yung luha nya.. "Shh.. Wag ka namang umiyak princess, sige na .. Lalayo nalang ako.." pinunasan ko yung luha nya tsaka tumalikod. Ayoko nung pinipilit lang ang emosyon ng isang tao. Tsk.

"Ganyan ka ba kent? Tatakbuhan mo nalang yung mga problema mo basta basta?" napakunot yung noo ko bago humarap sakanya. "Alam mo kent sobrang pinasaya mo ako.. Kasi akala ko hanggang one-sided love nalang ako.." niyakap nya ako.. "Mahal na mahal rin kasi kita shimizu.. Wag mo na akong sasaktan.. Lagi nalang akong nagseselos sainyo ni dianna.." ginulo-gulo ko ang buhok nya. "Di kami talo nun. Sya lang kasi yung napagsasabihan ko ng sikreto, about sayo.. Kaya close lang talaga kami" pagpapaliwanag ko. Nagliwanag naman yung mukha nya tsaka ngumiti..

Inside a Gangster's Heart ♥ [COMPLETED]Where stories live. Discover now