Chapter 50: Sunset

9K 131 6
                                    

//Chapter 50: Sunset //

PRINCESS' POV

 

 

"Sorry ha.. Hinintay ko pa kasing magising si dianna.. Alam nyo naman na---"

"Pwede ba kent!?? Pwede ba na si princess na muna ang unahin mo!! Leche naman kent oh! Alam mo bang takot lumusong sa dagat si princess dahil may phobia sya sa tubig??! Tapos ano?! Pumayag syang mag boating boating na yan dahil gusto nyang ma-enjoy na makasama ka! NAKAKALECHE NAMAN EH!! Nahulog na nga sya sa bangka tapos si dianna una mong niligtas!!" tahimik lang ako habang pinakikinggan ang sinasabi ni krishna. Gusto ko syang patigilin at gusto kong ipagtanggol si kent pero nasasaktan pa ako ngayon..

Hindi pa ako ready na makausap sya..

"Tapos pati ba naman sa pagbabantay sakanya di mo nagawa? Si dianna nanaman? Si dianna nalang palagi!! Nagtitimpi nalang ako kasi alam kong mahal ka ni princess.,. Pero kent naman please, ipakita mo naman kung may halaga ba sya sayo! Sino ba ang gusto mo? Si princess o dianna? Mag-isip ka naman kasi ng nararamdaman nya bago ka gumagawa ng mga rason mo!"

Masakit isipin na may pinili syang iba at hindi ikaw yun. Masakit kasi halos ipinagkatiwa ko na sakanya ang buhay ko kasi mahal ko sya at alam kong mahal nya rin ako. Pero ang sakit sakit din pala nung ganito.

Sana nasa fairytail nalang ako. Para happily ever after ang ending namin. Pero sa kasamaang palad, nasa mundo ako na kung saan hindi lahat ng akala mo, magiging totoo.

 

"Pwede bang makausap muna si princ---"

"NO!!" lalo akong napaiyak sa sigaw ni krishna. Ngayon ko lang mas napatunayan kung gaano nila ako kamahal bilang isang kaibigan.. Mahal ko si kent pero nasaktan talaga ako.

Yung fact lang na pagpili between me and dianna, ang laking halaga na nun para sa akin. Paano kung hindi ako nailigtas ni kuya gio?

Paano kung nawala na talaga ako.

Puro paano. Ang hirap maghanap ng sagot.

Nakalabas na si kent sa kwarto pero nakayuko parin ako. Lumapit naman agad sakin si krishna at niyakap ako. "Bhes sorry.. Sorry kung nasaktan kita dahil sa sinabi ko kay kent.. Sorry.." tango lang ang naisagot ko. Umiiyak parin ako. Nag emotional breakdown na ako dito. Masakit kasi.. Sobrang sakit.

Inside a Gangster's Heart ♥ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon