Chapter 47: Vacation & Flowers

8.9K 110 7
                                    

 //Chapter 47: Vacation & Flowers//

PRINCESS' POV

 

 

Kahit 3 hours lang yung byahe, feeling ko sobrang tagal nun. Bored na kasi ako at the same time, excited na din. Eto yung pinaka-unang beses na pinayagan kami nila daddy na umalis ng hindi sila kasama, okay lang naman daw, may tiwala naman sila sa mga kaibigan namin ni ate.

Nilingon ko sa likod si dianna, parang kanina pa may bumabagabag sakanya. Tahimik lang sya at pasulyap-sulyap sa phone nya. Nag-aalala na nga ako, hindi naman sya ganyan kanina bago kami umalis, basta bigla nalang nag-iba yung mood nya.

Mamaya ko nalang sya kakausapin, pag siguro medyo kumalma na sya, kasi sa tingin ko, hindi pa sya okay ngayon sa lagay nya. Parang ang lalim ng iniisip nya tapos maya't-mayang tumitingin at chinecheck ang phone nya.

Ibinalik ko nalang yung tingin ko sa harapan, hindi na si kuya gio yung nagda-drive. Nagpasundo nalang kami sa driver nila bhes rhicka kasi mukhang pagod yata si kuya gio. Si bhes na mismo ang nag alok kaya pumayag nalang kami. Medyo liblib ang vacation house nla kaya halos dalawang oras rin ang byahe namin. Karamihan ng mga kasama ko ay natutulog kasi masyado daw sila maaga nagising. Excited lang yung mga yun eh, sus.

Napalingon ako sa tabi ko kasi bigla nalang may sumandal sa balikat ko, sino pa nga ba? Eh di si takeshi, sya naman yung nakatulog ngayon. Tss,

Hoy takeshi, bakit ba ako na-inlove sayo? Bakit ba kahit na inaaway mo ako, kahit na lagi mo akong inaasar, bakit kahit hindi ko rin alam, ikaw parin yung pinili ko? Para akong baliw, kinakausap ko yung sarili ko habang tinititigan si takeshi..

I sighed. Kamusta na kaya si Ezekiel ngayon? Hindi ko parin makalimutan yung sinabi nya sa akin na tungkol sa 2nd confession nya, masyado ata akong naging makalilimutin at pati sarili kong kababata nakalimutan ko? Tss. How can I be so stupid?


Sana lang makalimutan na nya ako.. Sana makapag move on na sya, sana wala syang itinanim na galit sa akin kahit nung simula palang, lagi ko na syang nasasaktan. Ayaw kong mawala sya sa buhay ko pero mas ayaw kong paulit ulit ko syang masaktan dahil lang sa pagmamahal ko kay kent.

Sana maging masaya na sya.. Sana mahanap na nya yung babaeng magmamahal sakanya..

Basta ako, masaya na ako ngayon. Kahit na ang dami naming pinagdaanan ni kent, at marami pang dadating, alam kong kakayanin namin lahat ng pagsubok na dadating sa amin.

Siguro nga bata pa ako, wala pa akong masyadong alam o experience sa pagmamahal, basta ang alam ko, si kent ang defenition ko ng pagmamahal *smiles*

Inside a Gangster's Heart ♥ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon