Chapter 49: Pain & Anger

8.6K 113 3
                                    

//Chapter 49: Pain & Anger//

PRINCESS' POV

 

 

7:30 am. Sinadya ko talagang magising ng maaga para ipaghanda ng almusal ang mga friends ko . Super pagod kami sa paglalakwatsa namin kahapon kaya hindi na kami nakaka-kain ng dinner. Pero okay na rin ata yun, kumain naman na kami nung meryenda sa beach, well, buti kung meryenda pa ang tawag dun kasi halos 5 pm na ata yun.

Well anyway, kanina pa nga ako nag-iisip kung anong pwedeng lutuin since na di naman ako marunong magluto. *facepalm* Okay, I know right? Hindi ako marunong pero magluluto ako, ganto kasi yan.. Kinausap ako ni bhes krishna na kung gusto kong maging mabuting girlfriend, kailangan ko daw matutong magluto *kilig mats* OO na!! Excited na ako maging girlfriend ni takeshi. ENEBE :"> Kinikilig ako lagi pag nakikita ko sya, yung butterflies sa tiyan ko at yung palaging pamumula ng cheeks ko, parang di na ako nasanay sa presence nya.

Kagabi ko parin pinag-iisipan kung kelan ko sya sasagutin... Ang balak ko kasi ay ngayong bakasyon.. Kaso nga lang..

Mula nung una syang nagtanong nung nalasing ako, hindi na sya nagtanong ulit. Ang tagal ko ng naghihintay.. Kaso ano ba yan..

Nakakayamot na. Hindi ko nga alam kung paano kasi never pa naman akong nagkaboyfriend. Pero di ko parin alam kung pang-ilang babae na ako sa buhay ni takeshi.

May part parin sakin na hindi kampante kasi hindi ko alam kung gaano nya ako kamahal. *sigh* hindi naman sa wala akong tiwala pero ..

Mahirap din kasi na di sya nag-oopen sakin. Wala naman siguro syang itinatago sakin diba? Pero kahit ganun hindi nya parin magawang mag-open sakin.

Last na nangyari yun ay nung na trap kami sa secret room nila sa bahay nila nung nag practice kami para sa play.

Sana lang makakuha ako ng lakas ng loob. Buo na ang desisyon ko. Kakausapin ko na sya mamaya. Aja princess! Fighting! Kaya ko to!!

Tumigil na ako sa pagsesepilyo at nag ready na akong bumaba para magluto. Tiningnan ko ulit sila bhes krishna at nicole pero mukhang ang himbing pa talaga ng tulog nila.

Nagkibit balikat nalang ako at tumuloy na sa pagbaba.

Ang tahimik.

Inside a Gangster's Heart ♥ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon