Chapter 13

24 1 28
                                    

CHAPTER 13: EMERGENCY


LEANDRA















"Tss I told you to stop doing that! Ayan tuloy." naiiling na sabi ko.




Natawa si Gabe. "Nakasanayan ko na ehh malay ko bang mahuhulog na talaga ako this time."







Kaya siya napilayan ay dahil namali ang pag slide niya sa hagdan. Hilig kasi niyang mag slide sa hawakan ng hagdan kaya ayan tuloy. Napilay ang kanyang kaliwang paa at ang kaliwang braso.


The doctor advised him to stay here in the hospital, lalo na't mag-isa lang siya sa bahay niya. Bukas pa kasi makakarating ang parents niya galing probinsya para alagaan siya. Nagtalo pa kami ng konti dahil ayaw niyang sumunod! Pero in the end, nanalo ako at napilit ko siyang mag stay nalang muna dito a hospital para mabantayan siya ng maayos.


Ngayon ay naka confine na siya. Nakahiga na siya ngayon sa hospital bed at nakaupo naman ako sa upuan sa may tabi ng kama.








"Pasensya na sa istorbo ah you must be busy." ngiti ni Gabe.


Umiling ako. "Wala yun."


"I'm actually happy that you're here. Ang tagal na din simula ng magka-usap tayo ng ganito katagal."


"Yeah naging busy din kasi ako sa shop ehh"








Yeah right, Leandra. Naging busy ka dahil may bumalik.


Nailing nalang ako sa sarili kong naiisip. Makes me wonder, ano kayang ginagawa niya ngayon? I'm kinda curious what he looks like when he is working.









"Baka may gagawin ka pa?"


Umiling ako. "Babantayan kita dito. Wala din naman akong kasama sa bahay kasi umalis si Ate Tina."


He smiled. "Sana pala lagi akong nasa hospital para nandito ka-- ARAY!" daing niya ng kurutin ko siya sa tagiliran.


"Siraulo ka kasi eh!"







Sabay kaming natawa. Nagkwentuhan pa kami ni Gabe.


Nang mag gabi na ay napatingin ako sa oras at nakitang 8pm na pala. Gabe is already sleeping so hinayaan ko nalang siya. He is an only child and his family lives in a province because it's peaceful there. Malayo daw sa ingay, gulo, ganun so mag-isa siya dito sa Manila.


I just played a few games on my phone hanggang sa makatulog ako.















.... KINABUKASAN ....











Nagising ako ng makarinig ako ng mga nagsasalita. Nakita ko agad si Gelo at ang isang nurse na chinickeck ang kalagayan niya.








"Paalala po ah hindi niyo po pwedeng basain yan." paalala ng nurse na kinatango naman ni Gabe.








After siyang iwanan ng mga bilin ay lumapit ako sa kanya.








"Good morning." ngiting bati niya.


"Good morning. Kanina ka pa gising?" tanong ko na kinatango niya. "Sana ginising mo ako."


HEARTBEAT TO HAPPINESSWhere stories live. Discover now