Special Chapter 1

22 2 27
                                    

SPECIAL CHAPTER 1: MEET THE ALEGRE, WILSON, AND VASQUEZ FAMILY


JAMMIE














"Mwah!"





"Isa pa, Champ. Sa nose naman si Mama dali!"





"Mwah!"





"Gumalaw na po si Mommy!"








Nagising ako ng marinig akong may nagtatawanan at sa kung anong dumadapo sa mukha ko. Bumungad agad sa akin si Adrien na kini-kiss pala ako, si Zoey na nakaupo sa tabi ko, at si Chandler na nakatayo lang habang may hawak na phone na parang vini-videohan kami.








"Good morning po, Mom!"





"Good morning, Babe." bati ni Chandler.





"Gumornin, Mama!" masayang bati ng anak ko na hinalik halikan nanaman ako sa pisngi.








Natawa ako at umupo na. I pulled Adrien and Zoey closer to me at pinaliguan sila ng halik na kinatawa nila.








"Good morning mga mahal kooo!!"





"WAAAA MOMMY! THAT TICKLES!"








Natawa ako sa tawa ng dalawa. Zoey is 6 years old, and we call her Chipmunk. Iyon ang nickname namin sa kanya na si Chandler ang nakaisip. She's my eldest. While Adrien is 4 years old, and we call him Champ. Again, si Chandler nakaisip ng mga nickname nila. I liked it so yun na din ang tawag ko.








"Mom! Baba na po tayo! Gutom na po ako." tayo ni Zoey at hinawakan sa kamay ang kapatid at bumaba ng kama. "Una na po kami!"





"Careful!"








Napatingin ako sa asawa ko ng lumapit siya sa akin. I smiled at him. He leaned in and kissed me on my lips three times. He does it every morning. Tuwing gigising ako ay laging may tatlong halik. 'I love you' daw yun. Simula ng ikasal kami ay walang araw na lumipas na hindi niya ginagawa iyon. It gives me butterflies everytime.








"Let's eat? I cooked breakfast." sabi ni Chandler na nakayakap na ngayon sa akin at nakabaon ang mukha sa leeg ko.





"What did you cook?" I asked while hugging him back and playing with his hair.





"I cooked Chipmunk and Champ's favorite. Sinangag at hotdog. I made some scramble eggs too."





I kissed his cheek. "Tara? Gutom na mga anak mo."








He nodded and got up. Pinauna ko na siya dahil nag-ayos na muna ako ng higaan. Sumunod naman ako sa baba after at naabutan ko sina Chipmunk at Champ na pakanta kanta habang nakaupo, while Chandler is filling up their plates and singing with them. Suot pa ni Chandler yung heart shaped shades ni Zoey.


Natawa ako. Mabuti nalang talaga at hawak ko ang phone ko kaya nakuhanan ko sila ng picture. I posted it on my story. Ang cute naman!








"The wheels on the bus go round and round.
All throughh the towwnnn..."








Napansin naman agad ako ni Chandler ng makalapit ako sa kanila.








HEARTBEAT TO HAPPINESSWhere stories live. Discover now