Chapter 26

21 2 21
                                    

CHAPTER 26: CHANDLER'S POINT OF VIEW


CHANDLER















"Uy pre!"








Napatingin ako kay Mayson na nakahawak sa locker ko. Nasa likod niya sina Chris at JB.






"May inuman daw mamaya ng 9pm. Sama ka?"





Umiling agad ako ng masara ko yung locker ko. Ewan ko ba, simula ng mag second year college ako halos nawalan na ako ng gana gumala kasama mga kaibigan ko dito. Umiikot nalang ang mundo ko sa pamilya, sa main friends ko, at syempre kay Jam.


I can't help but smile when I remember her. Tangina, hirap kiligin mag-isa.


Binatukan naman ako ni Mayson.






"Para kang tanga. Ngumingiti mag-isa amp halatang malakas tama kay Ms. FA."


"Wala ka kasing jowa. Di mo feel." pang-aasar ko na kinatawa nung dalawa sa likod niya.


"Ulol." simangot ni Mayson. "Ano? Dali na! Ngayong ka na nga lang sasali ulit sa inuman eh ilang buwan ka nang hindi sumasama sa amin."


"HAHAHA nagtatampo na si Mayson pre! Kiss mo kasi." tawa ni Chris kaya natawa din ako.


"GAGO!"


"Oo na! Baka umiyak ka pa eh"








Sakto naman ay biglang nag ring ang phone ko. Napangiti ako ng makita ko ang mukha ng napaka ganda kong girlfriend sa screen ko. I immediately answered it. Kumaway na ako sa mga kumag at naglakad na sa canteen dahil break ko. Isang oras at kalahati pa bago ang susunod ko na klase, so baka tumambay na muna ako sa canteen.








[Babe!]





I smiled. "Hey babe. How's your day?"





[Hehe cancel klase ko! Nagliligpit na ako ng gamit. Alam ko break mo, so I decided to call.]





Napahinto ako sa paglalakad. "Are you hungry, babe? I have an hour and a half break. Sunduin kita."





[Uy! Sige tara.]





Nagsimula na akong maglakad papunta sa parking.





"Sige. I'll be there in a few minutes."


[Ingat sa byahe. See you! I love you.]


"I will. I love you more, baby."





The call ended. Nang makarating ako sa kotse ko ay sumakay agad ako at pinuntahan na si Jam sa school niya. I saw her waiting at the shed with her new friends. I stopped my car in front of them. Nakita ko pa na hinahampas hampas siya ng mga kaibigan niya.


Binuksan niya yung pinto at nagpaalam na sa mga kaibigan niya. Sinilip nila ako so tinanguhan ko lang ang mga ito at ngumiti. Nang makapag seatbelt na si Jam ay nag drive na ako.





"Haaayyyy! Ang saya cancel class ko tapos wala pang pasok bukas kasi holiday, tapos the next day wala akong klase!" bigla niyang yakap sa akin sa gilid ko.





Natawa ako. "Sana all. Enjoy your break, babe. Minsan lang magkaroon ng ganyan." sabi ko na kinatango niya. Napangiti ako ng maramdamang inaamoy-amoy niya ang balikat ko.





HEARTBEAT TO HAPPINESSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora