Special Chapter 6

17 1 17
                                    

SPECIAL CHAPTER 6: VASQUEZ SIBLINGS

LUCAS








"Lucas!"





Napatingin ako sa dalawang kaibigan ko na kakapasok lang ng basketball court. Sina Drake at Ray.





"What?" tanong ko at drinible ang bola at ishinoot iyon.





Shoot!






"May naghahanap sayo sa labas." sabi ni Ray habang umiinom pa ng gatorade.


Naglalaro kasi kaming tatlo. Nang mapagod silang dalawa ay bumili sila ng maiinom sa canteen.


"Sino?"


"Linda daw.  Ayaw pumasok dahil nahihiya daw."





Napakunot ang noo ko. Sino naman yon?


Pinasa ko kay Drake yung bola at pinunasan ang pawis ko habang naglalakad palabas. Paglabas ko ay bumungad sa akin ang isang babae na naghihintay. Nang mapatingin siya sa akin ay kabado at namumula agad siyang humarap sa akin.





"May kailangan ka?" tanong ko.


"U-Uhh ano... kasi..."





I patiently waited for her.





"I like you, Lucas Mill T. Vasquez! Can you please be my boyfriend?"





A confession.





I smiled. "Thank you for liking me, Linda. I appreciate you."


She smiled bitterly. "But?"


"I have to decline."





She smiled. Her nose getting red and eyes slowly crying. She nodded and walked away. Hindi ko na siya hinabol dahil ayaw kong umasa siya. Pumasok nalang ulit ako sa loob at inagaw ang bola kay Ray.





"Ano daw yon?"


"Wala!"


"Confession nanaman yan hula ko." sabi ni Drake.


"Shesh! Pangatlo mo na yan today ah!" sabi naman ni Ray.


"Mamaya ka na dumaldal, Ray. Nananakit tenga ko sayo. Nakakaurat."




Humalakhak naman siya at naglaro na kami. After playing ay lumabas na kami ng court at dumiretso sa shower room para maligo at magpalit. 

After namin ay naglakad na kami palabas ng school.



"Oo nga pala, bro! Baka pwedeng pa video ng birthday greet si mama sa Ninang Kai mo. Si mama kasi matagal na akong kinukulit eh nahihiya lang ako sa Ninang mo." akbay sa akin ni Drake. "Kung busy naman si Mrs. Kai, ayos lang din!"


I nodded. "Next month pa naman birthday ni Tita, noh? Sasabihin ko pag nakasama ko ulit sina Ninang."



Tuwang-tuwa naman siya.



"Ayos! I'll treat you."








* * * *





Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive na papunta sa coffee shop ni Mama. This car is a gift from Papa when I passed my driving test.

HEARTBEAT TO HAPPINESSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant