Special Chapter 5

22 1 12
                                    

SPECIAL CHAPTER 5 : ALEGRE SIBLINGS

ZOE






"Hi guys! My name is Zoe Elizabeth H. Alegre. You can call me Zoe, and please don't call me Elizabeth dahil nanay ko lang ang tumatawag sakin niyan pag galit at may hawak na siyang walis tambo."




Nagtawanan naman ang mga kaklase ko at yung teacher ko. After kong mag introduce ay naupo na ako at nakipag daldalan na kay Cia.

Sobrang saya ko nga nung nalaman kong magkaklase kami ni Cia. May iba naman akong friends, pero best friend ko kasi si Cia. Buti nga never pa kaming hindi naging magkaklase.





"Next... Ms. Vasquez."




Tumayo naman si Cia.




"WHOOO BAKA BESTIE KO YAN! AYAYAYAY!" tili ko.




Nagtawanan nanaman sila except kay Cia na nakasimangot nang nakatingin sa akin kaya humalakhak ako.

Ang cute cute talaga ni Cia lalo na pag pikon.




"I'm Patricia Vasquez. You can call me Pat or Cia. I don't really care." sabi niya at naupo na. Humalakhak naman ako sa kasungitan niya. Attitude!



After naming mag introduce yourself ay nag speech naman ng konti yung adviser namin at inexplain ng konti yung rules niya sa classroom.

Naging teacher ko na yan last year sa Math. 95 ata ang grade ko sa kanya. Kaya dapat ay bigyan ng flowers and chocolates sa valentines day at gifts sa teacher's day pang sipsip ko lang.






"I'm happy to meet all of you and I'm looking forward and happy to have you this year 20**-20**. Work hard and do it for yourself. I will be here to help and guide you all the way. Nice to meet you third years!"





I smiled and we cheered for our adviser. Medyo maraming new students sa klase namin kaya binigyan kami ng time para maglibot sa school.

Pero syempre sa canteen ang diretso namin ni Cia.

Bumili siya ng hotdog, lemonade, at cookies. Ako naman ay bumili lang ng hotdog at lemonade.






"Yan lang?"






I nodded at kumagat sa hotdog ko.






"Nagtitipid ako."


"Oh? Sayang. Mag-aaya sana ako mag mall—"


"Ay go ako dyan!" masiglang sabi ko.


"Akala ko ba nagtitipid ka?!"


"Eto naman. Syempre pag sa mall hindi. Baka manghina ako! Gusto kong tignan kung available dun yung album ng idol ko. Bibili ako!"


"Oo nga eh nakita ko yon." tango niya. "Binigyan ka ni Tito?"


Natawa ako at tumango. "Isiningit ni Dad sa bulsa ko kanina."





Nailing nalang si Cia at natawa. Kumain na kami. Binigyan niya pa ako ng dalawang cookies. Hays ayoko talaga ng pinipilit ako kaya kinain ko na.

After naming kumain ay niligpit na namin ang pinagkainan namin at naglakad-lakad nalang muna. Nakatambay kami sa may tapat ng canteen.





HEARTBEAT TO HAPPINESSWhere stories live. Discover now