The next day.
" Uhm mam asha, tumatawag na po ang mga customer natin ang delivery po raw nila." Usap ni lili kay asha na tila tulala ngayon at hinihintay pa rin si makhi.
Anong oras na ngunit wala pa rin na dumarating na makhi sa shop hanggang ngayon, pinangako kasi nito kay asha na tutulungan niya ito ngayon araw, dahil wala ang helper na si noel pero kahit tawag at text walang natanggap si atasha galing kay makhi.
" Ahh sige lili ako na ang bahala diyan." Tugon ni asha nang makabalik ito sa ulirat.
" Mam asha paano po e, hindi naman po kayo marunong mag motor?? Motor ang ginagamit kasi ni noel sa pagdideliver ng mga bulaklak at halaman sa mga customer nila.
" Yung kotse ko nalang gagamitin ko madeliver lang natin ang mga yan para hindi tayo masira sa kanila." Tumayo na ito at kinuha ang susi ng kotse niya.
" Mam atasha baka masiraan po kayo ng kotse niyan sa daan mukhang uulan pa naman po."
" Hindi yan lili kesa naman hindi natin madeliver ang mga yan, sige na lili tulungan mo na akong ikarga yung mga bulaklak at halaman sa kotse ko."
" Sige po mam asha." Tugon ni lili sa amo kahit nag-aalala ito ngayon.
Nag-umpisa na rin ideliver ni atasha ang mga halaman at bulaklak sa mga customer ng shop naging maganda naman ang takbo ng trabaho ng dalaga,. kahit medyo hirap siya dahil medyo mabigat ang ilan sa mga dineliver niya,. ngunit hindi na ito alintana ng dalaga,. basta magawa niya ang mga ito at matapos ngayong araw.
Ngunit pagdating nang hapon bumuhos na ang malalakas na ulan, kaya dito na siya na hirapan sa padideliver, dahil kasi sa lakas ng ulan naiipit na siya sa gitna ng traffic dinadasal nalang nito na sana hindi siya masiraan ng kotse ngayon at matapos niyang maideliver ang lahat ng dapat ideliver sa mga customer nila.
" Hays wag naman sana akong masisiraan lang ng kotse ngayon, patapusin muna ako sa mga trabaho ko."
Sa awa naman ay natapos niya rin ang lahat ng dapat niyang tapusin ngayong araw at naihatid ang lahat ng dapat maideliver sa mga customer, na ipit lang ngayon, si atasha sa gitna ng traffic at parang hindi na nga gumagalaw ngayon ang daloy ng trapiko sinabayan pa ito ng malalakas na mga ulan simula kanina pa,. ngayon naman dasal nito na hayaan muna siyang makauwi at makapagpahinga.
Muli naman pumasok sa isipan ni asha si makhi kung bakit hindi manlang ito nag paramdam sa kaniya hanggang ngayon, hindi nito ma iwasan na hindi mag tampo sa kaibigan, dahil nangako ito sa kaniya ngunit hindi naman nito na tupad, sinubukan niya rin itong tawagan ngunit walang na sagot sa kaniya, kahit ang text niya dito wala rin sagot si makhi.
Bumalik sa ulirat si asha ng biglang tumirik ang sasakyan nito sa gitna ng traffic sa edsa habang patuloy pa rin ang buhos ng napakalakas na ulan.
" Hays! Hindi manlang ako pinauwi muna ang malas mo talaga asha! Irita na usap ng dalaga sa sarili, ngunit wala itong magagawa ngayon, mabuti nalang nasa kanan linya ito at puwede niyang itulak ang kotse sa gilid ng daan.
Tatawagan sana ni atasha ang bestfriend niyang si heart ngunit naalala niyang nasa davao pa ito ngayon at bukas pa babalik ng maynila, kaya na isip nitong subukang tawagan ulit si makhi baka sakaling sumagot na ngayon ito sa kaniya.
" Makhi sagutin mo naman yung phone hayss. " litanya ni atasha habang sinusubukan tawagan ang kaibigan ngunit wala pa rin sumasagot dito.
Wala na itong na isip na iba pang paraan kundi lumabas ng kotse niya at sumugod sa malakas na ulan para itabi ang sasakyan sa gilid ng daan, bumaba siya para itulak nalang ang kotse kahit baha na at malakas ang ulan mas nahirapan pa ito dahil madilim na rin at alas otso na ng gabi.
BINABASA MO ANG
JUST FRIENDS
FanfictionMIKHAIAH AU A one sided love. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyone and if you are a sensitive person; again this is not for you. For minors please don't read this and find another story. Wri...