Fast forward.
Dalawang linggo ang lumipas ngunit kahit anino ni makhi ay hindi nakita ni asha. Sa loob ng mga linggo rin na iyon ay nagkulong lamang ang dalaga sa kuwarto niya. Matutulog, gigising at iiyak lang ang mga ginagawa nito sa araw-araw, kahit ang mga tawag sa kaniya ng mga kaibigan nito ay hindi niya rin sinasagot. Kahit ang pagpunta sa flower shop ay tila nakalimutan na rin nito. Dala-dala ang dalawang basket ng mga bulaklak ay nagtungo siya sa lugar kung saan kumukuha ito ng lakas kapag sobrang bigat na ng kaniyang mga dinadala.
" Kumusta na po kayo mama, papa? Bungad na bati ng dalaga sa mahal na mga magulang at naupo ito sa damuhan.
" So- Sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyo ma, pa ha? May dala po akong bulaklak para sa inyo." Inilapag ng dalaga ang mga dala niyang bulaklak sa tapat ng mga lapida ng ama at ina niya.
" Sobrang dumi na pala nitong mga bahay niyo mama, papa ano? Hayaan niyo po ipapalinis ko ito. " Habang tinatanggal nito ang mga dahon na tumabon sa mga lapida.
" Mama, papa sobrang miss na miss ko na po kayong dalawa. " Habang inaalala ni asha ang mga araw na kasama niya pa mga ito.
Third year college si asha ng mamatay ang kaniyang ina dahil sa sakit na breast cancer. At lahat nang paghihirap nito ay nakita niya. Hindi na rin naabutan ng kaniyang ina ang pag-akyat niya sa stage, noong nag-graduate ito ng kolehiyo. Maiksi man ang panahon na nagkasama ang buong pamilya nila ngunit maganda at masaya ang mga alaalang naiwan nito sa dalaga.
" Mama, papa bago po kayo nawala hinanda at na ituro niyo po sakin ang halos lahat ng bagay pero hindi niyo lang po naituro sakin na masakit pala ang magmahal ng totoo at sobra." Pigil pa rin ito sa luha habang nagkukuwento.
" Mama, papa may nakasakit po sakin ng sobra pero hindi niya po alam. " Parang bata si atasha na nagsusumbong sa magulang.
" Sabi na nandito kalang ehh hays." Napalingon si atasha ng may biglang magsalita mula sa likuran niya.
" Sisi? Hmm paano mo nalaman na nandito ako ngayon? Tahimik itong naupo sa tabi ni asha.
" Nakakalimutan mo yata AA na mag bestfriend tayo ano po? Hay simula pagkabata natin kilala na kita, alam ko dito kalang pumupunta kapag malungkot ka."
" Oo nga pala wala akong puwedeng itago sayo hayss." Nakayukong usap ni asha sa matalik na kaibigan.
" Hays! Bakit ba hindi mo sinasagot mga tawag at text namin sayo AA nagaalala na kami sayo." Tila nakakatanda itong kapatid na pinapagalitan ang bunsong kapatid.
" Sorry."
" Hindi ka rin daw pumupunta sa shop sabi ni lili hays AA ano bang problema? Ngunit hindi ito ni asha magawang sagutin.
" Tito, tita ohh naglilihim na naman sa akin yung anak niyo hays ang tigas talaga ng ulo." Natawa lang dito si asha.
" Tawa tawa kapa diyan AA hays! Nakakainis ka kaibigan mo ako pero naglilihim ka sakin." Muli lang itong na tahimik.
" Si makhi ba? Walang salitang lumabas sa labi ni asha bigla lang tumulo ang mga luha nito sa mata.
" Hayss! AA halika nga dito." Niyakap nalang ito ni heart ng mahigpit habang patuloy sa pag iyak ang matalik na kaibigan.
" AA puwede ka namang umiyak sa akin kapag mabigat na at hindi mo na kaya diba? Sinabi ko naman sayo yun."
" Huwag mong sinasarili AA nandito kami, ako makikinig lang sayo." Tumulo na rin ang luha ni heart sa awa kay asha.
" Masakit, sobrang sakit. " Paulit ulit na sambit ng dalaga habang patuloy lang ito sa pag-iyak.
" Sssshhhh sige iiyak mo lang yan AA." Hinagod hagod ni heart ang likod ng matalik na kaibigan upang mapagaan ang loob nito.
Nanatili lang sa cemetery ang dalawang matalik na magkaibigan na atasha at heart hanggang sa lumubog ang haring araw habang nakikinig lang si heart sa mga pagiyak at hikbi ng kaibigan.
—————
Time skip.
Resto bar at bgc area." Makhi." Nilingon kaagad ni makhi ang taong tumawag sa kaniya, pasakay nasa ito ng kotse katatapos lang ng tugtog nila sa bar.
" Anong ginagawa mo dito? Nagdikit ang mga panga ni makhi ng humarap dito.
" Please magusap naman tayo makhi kahit saglit lang pakinggan mo ako." Hahawakan sana nito ang kamay ni makhi ngunit umiwas ito.
" Wala na akong sasabihin sayo at wala akong pake sayo jaz! Akmang bubuksan ni makhi ang pinto ng kotse niya ngunit hinarang ito ni jaz.
" Please naman makhi hindi ko sinasadya yun lasing lang talaga ako nun."
" That's bullshit jaz kahit lasing ka alam mo ang ginagawa mo at ginusto mo yun." Pabalibag na sinarado ni makhi ang pinto ng kotse niya.
" Bakit ganun nalang kadali sayo na bitawan ako makhi ha?
" Huwag mo sakin binabalik yung mga mali mo jaz ikaw ang pumili niyan hindi ako!
" Oo mali ako! Nagkamali ako makhi! Pero hindi mo ba na isip babe kung bakit ko yun nagawa?! Palagi kana lang lutang sa tuwing magkasama tayo lumilipad kung saan yang utak mo!
" Ngayon kasalanan ko pa jaz?! Ibinigay ko yung gusto mo iniwasan ko si asha para tumigil kana sa pagseselos mo sa kaniya ano paba ang gusto mo sakin!?
" Yung gusto ko makhi yung buong buong ikaw! Nasa akin lang yung buong atensyon mo hindi kay asha!
" Heto na naman tayo jaz eh! paulit ulit nalang tayo diyan eh nakakapagod kana."
" Hindi ako manhid makhi nakikita ko na labag sa loob mo na layuan siya!
" Hindi ko na alam kung ano pa yung gusto mo sakin jaz eh! Ginawa ko naman yung gusto mo! Ngayon kulang pa rin at naghanap kapa ng iba! Ngayon kasalanan ko pa!
" Oo naghanap ako ng iba makhi at oo mali ako doon! Pero ikaw!! Kahit hindi mo sabihin si asha ang laman ng utak mo!! Parang nag init naman ang ulo ni makhi sa muling pagbanggit nito ng pangalan ni asha.
" Alam mo tumigil kana! Tigilan mo na si atasha wala siyang alam sa ating dalawa jaz!!! Pagduro ni makhi sa mukha ng dating kasintahan.
" Bakit pakiramdam ko talaga makhi eh tuwang tuwa kapa ha! at nakahanap ka ng dahilan para iwan ako! at malaya kanang gawin kung anong gusto mo!
" Pagod na ako sayo!! Bahala kana sa kung ano ang iisipin mo sa akin jaz!! Ginawa ko kung ano yung part ko sa relasyon natin dalawa! Akmang bubuksan muli ni makhi ang pinto ng kotse niya ngunit sinarado ito ng isa.
" Please makhi I'm sorry mali ako oo bigyan mo pa ako ng isa pang chance I love you." Tinignan ito sa mata ni makhi.
" Hindi na kita mahal jaz!! Simula noong lokohin mo ako nawala na lahat ng yun doon kana lang sa lalakeng yun magsama kayo!!
" Please naman makhi." Akmang hahawakan ulit ni jaz ang braso ni makhi ngunit hinawi siya nito.
" Tigilan mo na ako jaz tapos na tayo tapos na ako sayo!
" Hindi ako papayag makhi! Na ganun mo lang ako basta bibitawan! Tinignan lang ito ni makhi sa mata at pumasok ng kotse niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
" Makhi Ah!!! Sigaw ni jaz dahil dismayado ito sa paguusap nila ng dating kasintahan at hindi nito nakuha ang gusto.
Bago umuwi ngayong gabi sa kaniyang condo si makhi dumeretso muna ito sa flower shop gusto lang nito na makita ang dalaga kahit saglit lang, dahil noon madalas na umuwi ng late si atasha, tatlong oras itong nanatili sa labas ngunit hindi niya nasilayan ang gustong makita kaya umuwi nalang ito ng bigo.
———
Taas ang mga kamay ng na ghosting na! Haha! Hi!! kumusta kayo readers? Another update for todays video! Thank you sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa JF sa mga nag vote, share and follow mabuhay kayo! <333
BINABASA MO ANG
JUST FRIENDS
FanfictionMIKHAIAH AU A one sided love. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyone and if you are a sensitive person; again this is not for you. For minors please don't read this and find another story. Wri...