CHAPTER 34

9.8K 356 123
                                    

Fast forward.

Dalawang linggo na ang lumilipas simula noong magkaayos sila makhi at asha. Bumalik sila sa dati bilang magkaibigan at kinalimutan na lang ang mga nakaraan. Lumalabas din sila paminsan-minsan bilang magkaibigan ngunit kay makhi ay iba na ito. Minsan nga'y bago pumasok sa trabaho si makhi ay pinupuntahan niya pa ang kaibigan sa flower shop nito subalit hindi niya pa rin inaamin dito ang tungkol sa kaniyang tunay nararamdaman dahil ayaw niyang biglain ito lalo na at kailan lamang sila nagkaayos.

" Huyyy! Makhi boi nagyayayang magbasketball sila codie at billie ah hindi kaba maglalaro hah? Nang maabutan ni garry si makhi sa parking lot katatapos lang rin ng trabaho nila sa site.

" Ahmm pass na muna ako garry may lakad ako next time nalang okay." Parang nagmamadali pa nga ito ngayon at pansin rin ni garry na tila bihis na bihis ang kaibigan.

" Hmm ang bango natin makhi ah?? Ilang galon ba ng perfume ang pinaligo mo at nagpalit kapa ng damit san punta natin hah? Nangiti naman si makhi.

" Gago! Palagi naman akong mabango hah mas extra lang ngayon garry kailangan kasi."

" Hays! Bakit nga kasi saan ba punta mo at hindi ka sasama sa amin mag-basketball hah?

" Edi sa babaeng mahal ko garry! Kanino pa nga ba? Kay asha hays!

" T- tangina tumatapang kana ngayon makhi boi hah! Yan ganyan dapat bro. " Inakbayan pa ito ni garry sa balikat.

" Haysss!! Sobrang kinakabahan nga ako ngayon garry e pero kailangan e wish me luck ha?

" Kinakabahan ka o bakit naman aamin kana ba ha makhi? Tumango naman ito sa kaibigan.

" Oo garry eh sasabihin kona sa kaniya mamaya ayoko nang patagalin pa 'to, hindi ko alam kung paano ko gagawin pero bahala na hays!

" Kaya mo yan makhi ikaw paba?? Basta support ka namin diyan wag kang kabahan ano kaba."

" S- salamat garry paano alis na muna ako baka matraffic pa ako ehh pasabi nalang kanila codie at billie hindi ako makakapaglaro ngayon."

" Sige sige makhi good luck bro galingan mo ha! Balitaan mo nalang kami ha? Tinapik pa ni garry sa balikat si makhi bago ito sumakay ng kotse.

" Oo na po garry hays! Pagkasampa ni makhi sa kotse nito habang naiiling nalang, kinawayan pa nito si garry bago tuluyang umalis.

Sa flower shop nalang dumeretso si makhi dahil maaga pa at inisip nito na hindi naman umuuwi ng maaga si asha, bumili pa nga ito ng bulaklak para sa dalaga, ang balak niya ay yayain itong kumain sa labas at doon siya aamin dito.

" S- sorry asha ahh? Sa ibang flower shop muna ako bumili ng flowers ha para surprise. " Ngiting usap ni makhi sa sarili habang ito'y nagdadrive.

Pagdating sa flower shop hindi pa naipa-park ni makhi ang sasakyan nito, pero na pansin niyang wala ang kotse ni atasha sa harap ng shop kaya pagkapark niya bumaba kagad ito upang alamin kung nasa loob ang dalaga.

" Ma- magandang gabi kuya noel. " Pagkababa ni makhi sa kotse niya at makita ang helper ng dalaga sa labas ng shop.

" Oh boss makhi magandang gabi rin sayo hmm pormadong pormado yata tayo ahh?? Nginitian lang ito ni makhi at kaagad rin na dumeretso ng pasok sa shop.

" Boss makhi magandang gabi sayo oh ano ang satin? hmm ang pogi natin ngayon ah. " Ngiting ngiting bati ni lili kay makhi pagpasok nito.

" Hi, lili magandang gabi rin sayo ahmm si mam asha mo nandiyan ba siya?

" Ayy boss makhi wala eh, maagang nagpaalam na uuwi sa amin ni kuya noel kanina."

" Ah sige lili salamat hah. " Akmang tatalikod na sana ito kay lili.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon