CHAPTER 23

12K 378 61
                                    

Maaga palang nasa labas na si makhi ng flower shop ni asha nagbabasakali ito na makikita niya ang kaibigan kahit na sa malayo lang ngunit ilang oras na siyang nakaparada sa 'di kalayuan ngunit hindi niya pa rin ito nasisilayan, kaya nagpasiya siyang umalis na dahil may trabaho pa ito. Pagkaalis ni makhi ay siya namang dating ni asha sa labas ng flower shop, medyo matagal nawala ang dalaga sa trabaho sa shop nito at kailangan niya nang bumalik dito dahil napabayaan niya na rin ito. Mabuti nalang nga at maasahan nito ang mga naiwan niya sa shop. Pagkapasok ni atasha sa loob ng flower shop ay naabutan niya sila lili at noel na nag-uusap. Tila nagulat naman ang dalawa nang makita siya dahil bago sa paningin nila ang pananamit at hitsura ng amo ngayon. Wala kasi itong suot na salamin at nakasuot ito ngayon ng mini dress na makikita ang balat at tuhod nito.

" Oh lili, kuya noel bakit parang nakakita naman kayo ng multo diyan?

" M- Mam a- asha kayo ba talaga yan? Habang nakatingin si lili ng maigi sa mukha ng amo.

" Oo naman lili ano kaba hays! Tumungo ito sa table niya at inilagay ang dala niyang bag.

" Mam asha kamuntikan na namin kayong hindi makilala talaga, akala namin customer lang ehh pero mam sobrang ganda niyo po."

" Tama si kuya noel mam asha ang ganda niyo po, akala ko rin kung sinong artista ang naligaw dito sa shop eh."

" Binubola niyo pa ako kuya noel at lili eh hays! Nahulog ko na yung mga sahod niyo sa bangko i-check niyo nalang sa atm card niyo. " Hindi pa rin talaga sanay si asha sa mga papuri sa kaniya na ganito.

" Mam asha hindi ko po kayo binubola, totoo po talaga ang ganda niyo."

" Sige na ho kuya noel salamat po." Matigil lang ito sa kakapuri sa kaniya dahil nahihiya na siya.

" Paano maiwan ko na muna kayo mam atasha kay lili ha? May mga gagawin pa ako sa labas para sa mga delivery natin."

" Sige ho kuya noel salamat." Lumabas na ito at naiwan ang dalawang babae sa loob.

" Welcome back po pala mam atasha na miss namin kayo dito sa shop eh."

" Salamat lili, hmm kumusta pala dito sa flower shop may mga problema ba habang wala ako?

" Wala naman mam maayos ang takbo ng shop kahit na wala kayo, naturuan niyo yata ako."

" Talaga lang lili ha, mabuti naman kung ganun akala ko marami ng problema dito eh."

" Ehh kayo mam asha kumusta po kayo? Okay na po ba ka- kayo ngayon? Nakita kasi ni lili na bago ito hindi pumunta ng shop ay malungkot na ang amo.

" Oo lili, tara at mag-trabaho na tayo mukhang marami na tayong gagawin oh maaga palang." Ngiting tugon ng dalaga dito at nag umpisa na sila sa mga gagawin.

———

Habang abala naman si atasha sa shop napatigil siya sa gitna ng ginagawa niya ng may pumasok sa loob ng shop.

" Billie. " Tawag ng dalaga ngunit tila hindi siya naririnig nito at nakatingin lang ito sa kaniya, kaya lumapit si asha dito.

" Huy billie? Tawag muli ni asha at bahagyang kinalabit ang kamay nito.

" A- Asha I- I'm sorry."

" Okay ka lang ba billie? Alalang tanong ni asha dahil tila tulala pa rin ito.

" Oo atasha hi- hi." Natawa nalang ang dalaga dito at muli itong bumalik sa ginagawa niya kanina.

" May kailangan kaba billie hmm? Habang titig na titig pa rin si billie mukha sa dalaga.

" I- ikaw asha."

" Huh?

" I mean palagi kasi akong pumupunta dito pero wala ka may problema ba?

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon