Chapter 2: Outside my bubble

115 6 0
                                    

"Kendra?" Napalingon ako sa pagtawag ng kung sino sa kapatid ko. "Si Kendra po?"

"Sino kayo?"

"Justin De Dios, manager of Gilas Entertainment Company."

Tumango ako at pumunta sa loob para hanapin si Kendra. Itong batang ito talaga kung ano-ano ang ginagawa sa buhay! Hindi na lang humanap ng trabaho o kaya naman tumulong dito sa palayan.

But then again...why would she kung kaya ko pa naman? Ayaw ko ding mapagod si Kendra.

"May bisita ka. Justin De Dios daw ang pangalan." Sabi ko na ikinahulog niya sa kama. "Oh dahan-dahan lang."

"Sorry!" Sabi nito at mabilis na tumakbo palabas.

Ngayon ko lang siya nakitang tumakbo na ganon. Ngayon ko lang siya nakitang tumakbo.

Lumabas na ulit ako para ituloy ang ginagawa ko nang makita ko si Cullen. Siya ang kababata ni Kendra na minsan ko na ring nakalaro at naalagaan noong dito siya sa probinsya tumira kasama ang kaniyang Lola.

May kasama silang isa pang maingay na kung sino. Hindi ko siya kilala.

"Ito ang Kuya ko si Kuya Kenji pero Ken ang mas gusto niyang tinatawag sa kaniya."

"Hello!" Bati nung isang maingay kaya tumango ako. "Suplado."

Hindi ko sila pinansin at itinuloy ang ginagawa ko.

Nang makapasok sila ay saka pa dumating si Pablo. Ibinigay niya sa akin ang isang lagayan na may laman na isda. Kung bibilangin mo ay nasa singkwenta ang nahuli niya.

"Sige na, mas mahirap ang maging mangingisda kaysa maging magsasaka." Sabi nito.

"Mali. Mahirap parehas, sanay lang ako na gawin parehas at mas sanay ka na magsaka." Sagot ko. "Nga pala, kung papasok ka sa bahay ay may bisita si Kendra."

"Ah sige. Ayos lang doon din naman ako uuwi sa akin." Sabi nito at namaalam na.

Ako naman ay dumiretso sa dagat. Hinubad ko ang damit ko at naiwan sa pantalon , sumisid na ako at naglangoy palayo.

Maya-maya ay naisipan kong umahon saglit tapos umupo sa buhangin.

"Ang ganda!" Napatakip ako sa tenga ko nang may sumigaw. "Ay sorry Kuya Ken andito ka pala."

Tinignan ko si Cullen at ang kasama niyang maingay.

"May matutulugan na ba kayo? Naipaghanda na ba kayo ni Kendra?" Tanong ko.

"Ah okay na po kami Kuya Ken. Salamat."

"Babalik na ba kayo? Sumabay na kayo sa akin." Sabi ko at napansin na kinurot ni Cullen ang kasama.

"Sige po!" May diin sa pagsagot niya at marahang tumingin kay Cullen. "Ahh pwede bang kayo na lang? Susunod po ako, may gagawin lang ako mabilis lang."

Sabi niya at masayang tumakbo paalis.

"Stell!" Sigaw ni Cullen at nahihiyang tumingin sa akin. "Ahh Kuya Ken okay lang naman kung hindi ka pa babalik alam ko naman ang daan."

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?" Tanong ko na ikinagulat niya.

"Hindi naman sa ganon Kuya eh kasi baka napipilitan ka lang." Sagot nito pero hinila ko na lang siya.

"Tara na. May gusto pala akong ipakita sa'yo."

"A-Ano?"

Dinala ko siya sa dati naming tambayan at ipinakita ang ginawa kong kalendaryo.

"Ito ang mga araw simula nung umalis ka. Diba sabi mo mabilis ka lang? Sabi mo uuwi ka din pagkatapos ng ilang buwan pero hindi natuloy kaya ipinatuloy ko ang pagbibilang ng mga araw na wala ka."

"B-Bakit? Umasa ka na babalik ako?"

"Umasa ako, Cullen. Dahil kaibigan kita. Ikaw lang ang kaibigan ko na alam lahat tungkol sa akin."

"Kaibigan..."

"May problema ba?" Tanong ko.

"Wala Kuya. Uwi na tayo, napagod din ako."

Umuwi na din kami pagkatapos ng ilang segundo. Nang makabalik kami sa bahay ay parang iniiwasan niya ako. May nagawa ba akong mali?

"Oo." Sagot sa akin ni Kendra.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now