Chapter 9: The Unthinkable

42 2 0
                                    

Limang araw na silang wala dito. Sa totoo lang ay namimiss ko na siya. Miss ko na siyang yakapin.

Hindi ako makagalaw ng ayos dahil wala siya. Gusto ko siyang nakikita palagi, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na iwanan niya ang trabaho niya para lang makapunta dito. Mas maayos ang buhay niya doon.

"Kuya? Ay nako, nag-inom ka na naman kagabi? Huwag mo ngang gawin yan sa sarili mo." Kakapasok lang ni Kendra sa kuwarto ko ay ayun kaagad ang sinabi niya.

"Hindi, huwag mo akong isipin. Alam kong pagod ka na, magpahinga ka muna."

Kakauwi niya lang kasi dito. May trabaho siya sa munisipyo kaya buong araw siyang wala, minsan umaga na siya umuuwi dito.

"Hays, Kuya. Manood ka muna ng tv."

Binuksan ni Kendra ang tv saka ako pinaupo sa sofa.

"Please welcome, Josh Cullen Santos, commonly known as Cullen!"

Dinilat ko ang mga mata ko at humarap sa tv. Josh...

Nag-enjoy ako sa naging interview niya. Ang kulit niya talagang kausap. Ang cute cute pa, miss ko na naman siya.

Nabanggit bigla ang patungkol sa pusa na bigay ko, Elise pala ang pinangalan niya kay Marie. Hindi ko na kasi nasabi sa kaniya.

"Uy, kaya pala nanahimik na." Kendra said then sat next to me. Pumasok din naman si Pablo sa bahay.

"Ken Suson." Para akong nahugutan ng hininga nung binanggit niya ang pangalan ko.

"I'd lie if I said na hindi ko siya nagustuhan. Masama ang magsinungaling diba?"

"AHHH!!" Tinulak-tulak ako ni Kendra habang nakangiting tumatalon si Pau sa harap namin. "Teh, sign na ito! Puntahan mo na siya!"

"Oo nga, sasama ako." Sabi ni Pablo.

"Ako rin!" Tumayo si Kendra at sinamahan si Pablo na tumalon sa harapan ko.

Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko. Pupunta ako doon? Sa lugar kung saan hindi ko na ulit binalak puntahan kahit anong mangyari?

"Bakit nanahimik ka na naman?" Kendra asked.

"Kenny, alam mo namang kahit anong mangyari ay hindi ko gugustuhin na bumalik sa lugar na iyon. Hindi nila ako trinatong tao doon, trinato nila ako na parang hayop na walang laban." I said. "Pasensya na kayong dalawa, hindi ko pa kayang bumalik doon."

Tumayo ako at bumalik na sa kuwarto. Ayaw ko ba talaga dahil sa trauma na nakuha ko o ayaw ko lang dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin?

Buong araw kong pinagisipan ang gagawin ko. Tama ba itong iniisip ko? Sabi ng utak ko ay hindi pero iba ng sinasabi ng puso ko. Paano naman ito ngayon?

"Kuya? Kakain na."

Tumayo ako at nakita ang picture ni Josh sa cabinet ko. Ngayon ko lang naranasan na sumang-ayon ang puso ko sa isipan ko.

Dali-dali kong kinuha ang gamit ko at tatakbong lumabas. 7PM na pero hindi ko hahayaan na walang mangyari.

"Ay shuta!" Sigaw ni Kendra nung pagkalabas ko.

"Sasama pa kayo?" Tanong ko sa dalawa.

"Pupunta ka sa Manila, Kuya!?" Tanong ni Kenny kaya tumango ako.

"Tara na!" Sigaw ni Pablo at hinila kami ni Kendra palabas. "Hanep ka, Ken. Bakit may kotse ka!?"

Nginitian ko lang siya at umiling. Marami akong naging sikreto sa pagkatao ko.

Sumakay na kami at nagmaneho na ako papunta sa manila. Estimated time raw namin ay 10:30-11PM. Kahit anong oras pa ako dumating ay ayos lang sa akin, basta para kay Josh.

Nakakatulog si Kendra at Pablo kaya hininaan ko ang radyo. Pumunta kami sa may kumpanya nila saka nag-park sa parking. Masaya naman si Pablo at Kenny nang makita na nasa tapat ng parking si Jah at Stell.

Binaba ko ang bintana ni Pablo at Kendra saka napalingon sa amin ang dalawa.

"STELL!" Sigaw ni Pablo saka hinila si Stell nang hindi bumababa sa kotse.

Binuksan namn ni Kendra ang pinto at tumalon kay Justin.

"Bakit andito kayo!?" Natatarantang tanong ni Justin.

"Miss na kita!" Sabi ni Pau saka bumaba ng kotse at niyakap ng mahigpit si Stell.

"Sandali! Hindi ako makahinga." Sagot ni Stell kay Pablo. "Bakit nga andito kayo?"

"Si Kuya kasi namimiss na si Josh, andito ba siya?" Tanong ni Kenny.

"Para namang hindi kayo nanood ng interview. Umuwi kaagad nung nakatapos ng trabaho. Ayaw niya talagang ilalabas si Elise, mas safe si Eli sa bahay ni Josh." Sagot ni Stell.

"Saan nakatira si Josh? Kailangan naming mag-usap." Sambit ko kaya binigay ni Justin ang address sa akin.

"Bilisan mo, baka natutulog na iyon. Iwanan mo na kami dito." Sabi ni Jah.

Dumiretso ako sa bahay niya at tinignan ang oras. 11:47 na. Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay siya.

Nang magbukas ito ay bakas sa mukha niya ang gulat.

"Kuya?" Hays namiss ko siya.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now