Chapter 10: Nandito Ka Na

42 2 0
                                    

Hindi pa rin siya gumagalaw kaya hinila ko siya para mayakap. Namiss ko talaga si Josh.

"Andito ka.." Bulong niya at niyakap na rin ako.

"Papasukin mo na ako." Bulong ko dito.

Hinila niya ako papasok sa bahay niya at pinagtimpla ng kape.

"Bakit ka pala nagpunta dito? Diba for some reason ay ayaw mong pumupunta sa City."

"Don't worry about that." Sabi ko. "Andito na ako, yun ang mahalaga."

Tumango ito at sumiksik lalo sa akin. Namiss din ako nito ng sobra.

"Dito ka ba matutulog?" Tanong nito habang dahan-dahang pumipikit.

"Oo, tabi tayo." Binuhat ko siya sa kuwarto niya at nilapag sa kama. Napagod na ang bata ko.

Nagbihis lang ako tapos tumabi na kay Josh. Minessage ko na din sina Pau kung ayos lang si Kenny at ang sagot naman niya ay kasama daw ni Kendra si Justin. Magkahiwalay na kuwarto ang tinulugan ng dalawa kaya nakampante ako.

Tinignan ko si Josh at mapait na ngumiti. Magiging masaklap ang buhay mo bukas, sigurado ako.

Josh's POV:

Nagising ako at tinignan ang katabi ko. Kuya Ken! Lumapit ako para mayakap siya ng mahigpit. Huwag na sana siyang aalis sa tabi ko.

Bumangon ako at iniwan na magpahinga si Ken. Maghahanda ako ng breakfast naming tatlo. Pinakain ko muna si Elise tapos nag prepare nako ng agahan namin.

Iniintay ko na lang na magising si Kuya bago kumain. I decided to open the television para manood ng balita.

"Retired model, Felip Jhon Suson was seen in front of Cullen's house hugging the model. Some speculate that Felip and Ken Suson are the same person."

Namatay bigla ang tv kaya tinignan ko ang likuran ko when I felt a heavy breath on my nape.

"Hindi mo na dapat pinapanood ang mga bagay na iyon."

Si Kuya Ken...

"Ba-Bakit, Kuya?"

Nandilim ang mga mata niya kaya napayuko ako. Baka magalit pa lalo sa akin.

"Wala. Kain na tayo." He said and pulled me to the kitchen.

Sa buong araw na andito siya ay pinagsisilbihan niya ako kahit hindi ako pumapayag. Siya na raw ang bahala sa lahat eh.

Maliligo na sana ako kaso pabagsak na bumukas ang pinto ko kaya natigil ako. Si Kuya naman ay pinuntahan ako kaagad. Bakit nandito ang mga boss ko? Kasama si Jah at Stell?

"Josh..." Bulong ni Ken at sinabi na pumasok daw muna ako sa kuwarto. "Pasok na sa kuwarto." Malambing na bulong niya at humalik sa noo ko.

Hindi na ako umangal pa dahil sa mga tanong sa isipan ko. Sumunod naman si Stell sa akin at sinabi na hindi ko raw dapat isipin si Ken, makikipag-usap lang daw sila.

Natataranta ako kaya tumayo ako tapos nakinig sa may pinto.

"Ang kapal naman ng mga mukha niyo na alukin akong bumalik sa hayop na kumpanya na iyon." Galit na galit na asik ni Ken. "I didn't press charges, but once you do to Josh the things you did to me... believe me, I will do everything in my power para ipabagsak kayong lahat."

Natahimik sila saglit bago muling umimik si Ken.

"Jah, dito ka. Huwag kang dumikit diyan sa mga taong iyan. Demonyo ang sinasanto ng mga yan."

"Felip, this is ridiculous. Daddy mo mismo ang nagsabi sa akin na willing kang bumalik after 2 months of rest, bakit after 4 years ay hindi ka na nagpakita?"

"You never listen do you? Sabi ni Daddy ay titigil na ako. Umalis na kayo!"

Pumasok naman si Jah sa kuwarto na parang paiyak na. I asked what was going on but he refused to talk.

"Jah." Hinila ni Stell si Justin at niyakap kaya bumuhos na ang luha ni Jah.

"S-Si Kuya Ken..."

Once na nabanggit ni Jah si Kuya ay lumabas ako ng kuwarto. Nakita kong nakasandal siya sa pinto na parang sinuntok niya iyon.

"Kuya..."

"Josh, umalis ka na sa trabahong iyon. Hindi ka safe doon."

"P-Pero Kuya."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko because honestly what was the reason to leave? I was making money to live off for myself. What could be so bad?

"Hindi siguro kita mapipilit. Sige, basta kapag may nangyaring hindi maganda ay sabihin mo sa akin."

The Hidden GemWhere stories live. Discover now