Chapter 4: Ang batang Cullen

49 3 0
                                    

Napangiti ako sa mga naalala ko. Kasama ko ngayon si Kuya Ken sa palengke at maraming nakatingin sa akin.

Nakakahiya naman palang sumama dito. Ano bang pinapasok ko?

"Salamat po." Sabi ko nung inabot sa akin yung binili kong talong. "Kuya Ken, ito na yung talong."

"Salamat." Sabi ni Kuya at hinawkan ang palapulsuhan ko. "Uwi na tayo."

Nakauwi kami at bigla akong nakaramdam ng bigat sa pakiramdam ko. Sinabi ko kay Kuya ay hihiga lang ako ng mabilis. Naliligo lang si Jah at tumulong si Stell na ihanda ang agahan namin. Pumikit ako para umidlip lang sana kaso nakatulog na pala ako.

Ang tagal ko na sigurong nakatulog. Pagkagising ko kasi ay tirik na tirik na ang araw. Lumabas ako at nakita na naglalaro si Jah at Stell ng card games. Si Kendra naman ay nasa sofa at pinapanood ang dalawa, napatingin siya sa akin.

"Morning." Sabi nito. "1PM na, kain ka na."

"Okay."

Pumasok ako sa kusina at kumuha na ng pagkain. Umupo ako at tulalang nakatingin sa labas. Nakita ko naman si Kuya Ken.

May dala siyang parang isang balde ng napangisda niya. Hayop na lalakeng ito. Bakit naman walang shirt? Kahinaan ko pa naman abs nito.

"Kakagising mo lang?" Andito na pala siya sa loob.

Tumango lang ako at nagiwas ng tingin. Umupo siya sa harap ko at nagtimpla ng kape. Parang siraulo naman eh. Hindi ko siya tinitignan dahil ayaw kong mahalata niya na kinakabahan ako.

"May lagnat ka." Saad nito kaya napahawak ako sa leeg ko. Meron nga. "Bumili na ako ng mga gamot mo, pahinga ka na lang ulit ah?

"Eh Kuya akala ko may event mamaya?"

Nasanay na kasi ako na may pagdiriwang sa gabi kapag malapit na ang kapistahan sa bayan nito. Mahilig akong manood ng ganung shows dati. Lalo na nung bata pa ako, nakakamiss talaga.

"Josh, may sakit ka pa. Ipapasama ko na lang si Stell sayo mamaya dito habang nanonood kami nina Justin ng show."

"Eh baka gusto rin ni Stell na manood, okay lang ako dito. Huwag niyo siyang iwanan dito para lang bantayan ako." I said.

"Tigas ng ulo." Narinig kong bulong ni Kuya kaya hinayaan ko na siya.

Ayaw ko lang maging abala sa mga kaibigan ko. Deserve nila ang maging masaya.

Nakatulog ulit ako after eating. Sobrang sama na kasi ngayon ng pakiramdam ko, hindi ko din naman alam kung bakit ako nagkaroon ng malubhang sakit. Nagising na lang ako sa kalampagan sa kusina.

Bumangon ako para makita kung anong meron, napansin ko na rin na maraming mga kalat sa kuwarto. What happened ba?

Lumabas ako habang naka jacket dala ang kumot at nakabalot ito sa katawan ko. Mukha tuloy akong lumpia dito.

"Kuya?" I asked when I saw him standing in the kitchen and trying to cook something.

"Oh, bakit bumangon ka na? Hindi pa handa ang hapunan mo." He answered while walking to me.

May katangkaran si Kuya Ken ng kaunti sa akin. Hinapit niya ako ng mahina palapit sa kaniya at kinapa ang noo ko. Umiling siya at sinabi na bumalik daw ako sa kuwarto kaso boring doon eh.

"Sige, dito ka na lang sa kusina samahan mo ako." He said kaya naupo ako sa may lamesa. "May tirang tanghalian sina Kendra diyan kanina baka gusto mo."

I didn't really feel like moving. Wala akong gana at isa, pagod ako kahit puro tulog lang ang ginagawa ko.

Napalingon ako sa orasan. It was already 7PM, magsisimula pa lang ang event na pinuntahan nina Jah.

"Kanina pa silang umalis. Naisip ni Kendra na agahan dahil gusto daw niyang masulit ang isang buwan kasma si Jah." Napalingon naman ako kay Kuya na nakatanaw sa labas at naghahalo ng pagkain. "Hindi naman ako tanga para hindi makita kung anong meron sila, hindi nga ako nangingealam. Gusto kong sumaya si Kendra...mapagkakatiwalaan ko ba si Justin?"

"Opo, Kuya." Sagot ko at ngumiti. "Eh si Kuya Pablo po...tanggap na ba niya?"

"Wala na siyang rason para magpatuloy. Nasabi ko na rin sa kaniya na kahit hindi siya pinili ni Kenny ay huwag siyang panghinaan ng loob. May taong darating para sa kaniya." He explained. "Kilala ko naman si Pablo eh, kaya naman niya. Mahihirapan lang talaga siya."

Lumapit siya at tumabi sa akin na may dalang baso. Nagtimpla siya ng gatas at binigay sa akin.

"Mainit ah." He said.

Hinimas niya ang noo at leeg ko para malaman ang temperatura ko.

"Ganito ka rin talaga nung bata eh, sakitin ka and hindi namin alam ang dahilan kung bakit." Sabi niya at tumayo. "Nilalamig ka pa ba? May kumot pa ako sa kuwarto ko."

"Okay lang po ako." Sabi ko.

Tumango siya at lumapit para yakapin ako. Hala... Anong nangyayari?

"Papagaling ka ah? Gusto kitang makasama sa buong buwan na andito ka."

"Opo." I answered. "Kuya bakit hindi ka sumama kina Kendra? Okay lang naman ako dito eh."

"Mas gusto kitang maalagaan ngayon. Huwag kang mag-alala sa akin, hindi ito labag sa loob ko."

"Thank you po."

Hanggang ngayon hindi pa rin siya bumibitaw sa akin. Si Kuya naman eh...

The Hidden GemWhere stories live. Discover now