Chapter 2.5: The Farmer and The Producer

102 2 1
                                    

Masaya ako sa ginawa ko kay Josh, tagumpay ang plano ko!

Makakasama na niya ang kaniyang long time crush na si Kuya Kenken niya. Sana umamin na siya at magkaroon na ng will to keep modeling.

Teka medyo naliligaw na ako. Saan nga ba ako galing? Dito ba or dito? I looked around then ran towards some trees. Nawawala na nga yata ako.

I was getting scared. Ano bang nangyayari sa akin!? I stumbled and got bruised on the knee. Kinakabahan na ako. Something was following me here.

"Hoy!" Sigaw nung lalake. "Ayos ka lang? Taga dito ka ba?"

"Kuya tulungan mo ako! Nawawala yata ako." Sabi ko dito.

He saw that my knee has been injured kaya mabilis siyang kumilos. Binalutan niya ito ng dahon at pinunit ang isang sleeve niya para ibalot ito sa mga dahon na nasa tuhod ko.

Tinulungan niya akong tumayo at binalik sa kung saan ako nanggaling.

"Stell?" Napalingon ako kay Justin na kasama ngayon si Kendra. "Anong ginagawa mo? Sino siya?"

"Kuya Pablo!" Sigaw ni Kendra at inalalayan ako. "Tara na sa bahay."

I looked over this Pablo guy who was just staring intently at Kendra. Luh gago wag diyan, sa akin ka tumingin.

Nang makauwi kami ay naisipan kong ipahinga ang binti ko. Shocks ang sakit. I decided to do some stretching when Pablo told me to stop.

"Huwag muna." Sabi nito kaya sinunod ko naman. "Ken, Kendra alis na ako."

"Uuwi ka na, Kuya? Ingat!" Sbi ni Kendra kaya nginitian siya ni Pablo.

Nang makaalis siya ay tumingin kaming apat kay Kendra. We all know that Pablo likes her with how he looks at Kendra.

"Ano?"

"Gusto ka ni Kuya Pablo. May gusto ka ba sa kaniya?" Tanong ni Cullen kay Kendra.

"I already rejected him. Alam na niya iyon at isa pa nagiging mabuting tao lang naman ako sa kaniya."

"Siguraduhin mo lang na walang namamagitan sa inyo ni Pablo." Sabi ni Kuya Ken.

"Oo nga, akin lang siya." I said that caused them to look at me. "Bakit? Mali? Akin lang siya, akin lang. Akin!"

"Ewan ko sa'yo, Stell." Josh said then walked inside the room.

Hays. Gusto ko si Kuya Pablo siguro dahil nasa kaniya ang katangian na gusto ko sa isang partner.

"Huy Stell." Napalingon ako kay Jah nung tinawag niya ako. "Angas mo. Huwag kang mahulog kay Kuya Pablo." Sabi nito.

"Ha? Bakit? Babayaran mo ba ako ng sampong milyon para lang layuan siya? Hindi. Ang pagmamahalan namin ay mas matimbang pa kaysa sa sampong milyon mo."

"Kung meron lang Stell kahit ibigay ko na sa'yo ng walang kundisyon." He said. "I mean kapag umalis tayo ay back to work na. Wala na tayong time para sa ganiyan."

My smile faded as his face was filled with burden. "Eh...paano kayo ni Kendra?"

He looked at me then at Kendra at binalik sa akin ng tingin.

"Hmm...ayaw kong madamay siya sa mundo natin kaya kahit masakit ay maaga pa lang binitawan ko na siya."

It sucks to be in this industry pero ang nasa isip ko ngayon...

Paano si Josh?

The Hidden GemDonde viven las historias. Descúbrelo ahora