CHAPTER III

940 46 9
                                    

Gabrielle 's POV

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm ko. Pagcheck ko ng oras alas kwatro na pala ng umaga. Tamad na tamad akong bumangon para maghanda sa pagpasok sa university.

Kahit alas otso pa ang klase ko gumigising ako ng maaga dahil alam ko sa sarili ko na makupad ako kumilos. Haaay, Lunes nanaman. Punuan nanaman mamaya sa bus o kaya sa van tsk.

Araw-araw akong bumabyahe patungo sa unibersidad na pinapasukan ko. Nag-iisang unibersidad na meron ang kursong nais ko na sya rin ang pinakamalapit sa amin.

Isa itong pribadong unibersidad but thanks to God, biniyayaan naman ako kahit papaano ng utak kaya nakapasok ako ng walang tuition na binabayaran at mayroon pang allowance per semester.

Natapos ko na ang mga dapat tapusin at nakagayak na rin ako. Hinihinitay ko nalang yung baon ko na ibibigay ni mama.

"Heto na ang baon mo mahal ko. Mag-iingat sa pagpasok at mag-aral ng mabuti. Ubusin mo rin iyang baon mo na pananghalian.Palagi kasing may natitira sa baunan mo nitong nagdaang araw." ganito ang laging paulit-ulit na bilin ni mama sa aming magkakapatid.

"Thankyou ma. Pasok na po ako." nagmano muna ako bago maglakad patungo sa waiting shed sa highway.

Maya-maya pa'y may huminto ng bus, nagtataka lang ako kasi andami pang bakanteng upuan kaya napatingin ako sa pambisig kong relo. Kaya naman pala, maaga pa masyado. Pero okay na rin yon kesa malate ako sa klase, minsan kasi late na rin dumadaan ang ibang bus.

Tahimik akong naupo at sinuksok ang earphones sa aking magkabilaang tainga para makinig ng musika. Saka para na rin di ako kausapin ng kung sino. Hindi ako sanay makipag-usap sa kung sinu-sinong tao lang- nakakailang lalo na kung iba ang nababasa kong emosyon sa kanilang mga mata.

Pagkatapos ng halos kalahating oras nakarating na ako sa school. Pagkababa ko sa bus ay agad akong nagtungo sa office tutal anong oras palang naman.

Bumungad sa akin ang Editor-In-Chief namin pagkapasok ko sa office. Busy ito dahil sa mga papel na nagkalat sa lamesa dito at sa printer na gumagana pa rin hanggang ngayon. Tapos may mga kape rin na galing sa fastfood chain. Ang babaeng ito talaga, ginagawang tubig ang kape.

"Good morning ate" nakangiti kong bati rito at tinulungan syang ayusin ang mga papel na nagkalat.

"Oh, good morning rin ate. Pakiayos yung mga papel dyan tapos kung may free time ka mamaya, okay lang ba na ikaw ang maglakad nitong purchase request natin para sa event next week?" mahabang turan neto habang tinatantiya nya ang magiging reaksyon ko.

At dahil natural ang pagiging pilya ko, may naisip akong kalokohan. Agad kong kinunot ang aking noo na tila anlalim ng iniisip saka ako nagbitiw ng salita.

"hala ate, ayokong i-process yan nakakatakot sila sa budget . Last time na pumunta ako don, napagalitan ako" pag papaawa ko dito. Pero totoo namang napagsabihan ako, unexaggerate ko lang na napagalitan ako hahaha.

Palukot naman ng palukot ang mukha ng mahal naming EIC at nandidilim na ang paningin nito.

"Joke lang ate HAHAHAHAAH kalma ka muna. Jinojoke lang kita eh" diko na mapigilang magsalita habang humahagikgik dahil kitang-kita na ang disgusto sa mga mukha neto.

"Ako Gabo tigil-tigilan mo, napakaaga pinaghahighblood mo ako. Saka yang mga taga budget na yan bibingo na saken yan" parang nagrarap na sabi nito at ramdam na ramdam mo ang disgusto sa boses nito.

"Si miss Dela Vega ba? hahaha kalma mo puso mo ate. Tititbok pa rin yan for her bwahaha" pang-aasar ko pa. Lalong lumukot ang mukha nito dahil sa pang-aalaska ko.

Getting to Know Her(GxG)[SLOW-UPDATE]Where stories live. Discover now