CHAPTER VIII

681 40 1
                                    

Gabrielle's POV

Tirik na tirik ang araw pero nandito ako sa field ngayon dahil nagsabay-sabay lahat ng events kaya kinulang kami sa mga staff so no choice, nag field na rin ako.

Andito nga ako at kumukuha ng larawan pero yung utak ko nakafocus sa babaeng dalawang beses nang nagnakaw ng halik sa akin. Ang nakakainis lang eh gustong-gusto ko naman jusmiyo. Bawal pairalin ang karupukan at kabaclaan Gabo🤦🏼‍♀️

Bumalik lang ako sa wisyo nang may nagsalita sa tabi ko.

"ate Gab, yung lunch daw po okay na? pinapatanong ni ate Skye" biglang kulbit sa akin nung isang staff. Kaya napakunot naman ang aking noo.

Sinipat ko ang pambisig na relo ko at gayun nalang ang gulat ko ng makita kong mag aalas dose na. Eto na nga ba ang sinasabi ko dapat magfocus lang sa goal piliin si Engr. este piliin ang pansariling katahimikan.

"Ah sige-sige. Pupuntahan ko na." mabilis na sabi ko at inabot sakanya ang camera.

"ate? aanhin ko po ito? hindi ko kabisado etong camera mo." mabilis naman na sabi ni Karl. Sa pangalawang pagkakataon napasapo nanaman ako sa aking noo kasi nga ibang brand ng camera ko.

Napabuntong hininga ako saka kinalma ang sarili ko dahil ramdam kong nagpapanic na ako gawa ng panggugulo ni Engr. sa sistema ko jusmiyo. Konti nalang mapapasok nya na ang kapayapaang inaalagan ko. Idagdag pang nawala sa isip kong ako ang nakaassign sa pag asikaso ng mga  pagkain.

"oo nga pala, sige at pupunta na ako sa canteen." kalmadong sabi ko at inayos ang camera ko sa aking leeg. Mabilis naman itong sumang-ayon kaya umalis na rin ako.

Habang naglalakad papuntang canteen, di' ko mapigilang mapalingon sa paligid kasi pakiramdam ko'y kanina pa parang may nagmamasid sa akin pero wala naman akong makita. Eh pakiramdam ko parang lahat ng galaw ko pinapanuod talaga. Parang isang mali eh pwede akong tumumba o may sasapok saken. Ang creepy.

Kaya para maalis ang awkwardness sa pakiramdam ko, kinuha ko nalang ang wireless earphones sa bulsa ko saka sinalpak sa left ear ko. Di ko na nilagyan yung kabilang tenga dahil baka hindi ko marinig kung may kakausap o tatawag man sa akin. Napapasabay ako sa kanta habang patay malisya sa aking paligid na naglalakad.

Feel na feel ko yung kanta with matching hum pa ako kasi Taylor Swift na yun eh hahaha pero natigil ako ng biglang may nagsalita sa harapan ko.

"ah miss" mabilis akong napaangat ng tingin sa humarang sa dinaraan ko dahil nakayuko ako. Saka ko tinanggal ang earphones na halos kalalagay ko lang rin.

"yes?" takang tanong ko rito.

Nagulat ako dahil biglang namula ito at tumingin sa ibang direksyon. Seriously? what's with this girl? ang weird. Nakunot ko ang aking noo habang nawiweirduhan sa inaasta neto.

"ah u-uhm, may nagpapabigay po." tarantang sabi nito at inabot ang isang paper bag sa akin.

At dahil anytime ay parang hihimatayin na sa kaba or hiya itong babae ay agad ko na ngang inabot yung paperbag nang nakakunot-noo at may nagtatanong na tingin.

"ah mi---ss?" Magtatanong pa sana ako nang bigla itong tumalikod at tumakbo paalis. Ay gaga, mukha ba akong mangangain ng tao? haayst. Napailing nalang ako at tumuloy sa paglalakad. Saka sinalpak uli yung isang wireless earphone.

Bakit ba ang weird ng mga tao sa paligid ko ngayon. Tsk. Andami ko na ngang iniisip tapos dadagdag pa sila.

Nang makarating ako sa canteen ay agad naman akong kinausap ng isang ate at sinabing pinadeliver na daw nila sa SSC office kaya napasapo nalang ako sa noo. Napakalayo pa naman ng office nila sa office namin. Haaayst buhay mga mahilig magdesisyon tsk.

Getting to Know Her(GxG)[SLOW-UPDATE]Where stories live. Discover now