CHAPTER VI

619 37 0
                                    

Gabrielle's POV

Isang linggo. Isang linggo ko na ring iniiwasan si miss Hamilton mula nung ginawa niya sa akin sa office niya. Kailangan kong ikalma ang kabaclaan ko dahil isa siya sa instructor ko. The last thing I checked, I don't want to get involved in teacher affairs. Hindi lang career niya masisira, career ko rin.

I maybe like this pero may inaalagaan akong grado, kailangan ko rin makapagtapos on time para makatulong kina mama. Saka baka nalilito lang ako sa nararamdaman ko, ni hindi ko man lang maisip magkacrush in terms of emotion. Puro paghanga lang dahil magaling magdrawing, maganda, matalino at kung anu-ano pang dahilan. Kaya hindi ko lubos mawari kung ano itong pakiramdam na ito.

Tungkol naman sa klase niya, lagi akong excuse dala ng maraming kailangang asikasuhin sa up coming na event. Founding anniversarry kasi ng university kaya hindi basta-bastang paghahanda lang ang gagawin. Lalo na sa publication, medyo kulang kami sa tao kaya maging ako at si Ulap ay magfifield. Kaya puspusang paghahanda at dapat ay pulido ang plano namin.

Ngayon nga ay kasalukuyang nasa office nanaman kami ng publication at tinatapos na ang ilang araw na tinatrabaho namin.

"Gabby, eto pakisubmit sa canteen mamaya para masettle na yung para sa food natin." bakas na bakas ang pagod sa boses palang ni Ulap kaya hindi na ako umimik at tumango na lang.

"sige ate, akin na at nang makabalik rin ako kaagad." mabilis na sabi ko rito at tumalikod pag kaabot nung folder.

Habang naglalakad ako papunta sa canteen nakasalubong ko si RV na siraulo. Nakangiti nanaman si gaga kairita, pero ibang-iba yung ngiti niya ngayon. Ngiting ansarap burahin dahil mukhang demonyo.

"o? saya ah, sarap bigwasan" nakataas ang kilay na bungad ko sakaniya.

"sobrang saya Gabbo HAHAHA layag aking barkoooo" mukhang tangang sabi nito na parang nababaliw.

"Malala ka na." sabi ko nang umiiling habang nakatitig sa kanya na parang awang-awa. "alam ko naman na mataas ang pangarap naten, pangarap mo pero hindi ko alam na hihithit ka ng katol para maabot yung pangarap na yon." dagdag ko pa.

Agad na sumimangot ito at ngumuso. Jusko, mukha syang bibeng galing sa putikan.

"gaga ka talaga parang di ka kaibigan eh ano" mabilis na sabi nito sabay irap.

"oh bakit? walang klase? eh diba magbibigay ng bagong chapter si Engr. ngayon?" takang tanong ko sa babaeng eto dahil mukhang uuwi na sa boarding niya at bitbit na nya yung bag nya kasama yung clipfolder niya.

"ah speaking of, girl alam mo ba laging maiksi ang klase namin kay Engr. Hamilton since last week" itrigerang kwento nito. Certified marites si gaga haha pasadong-pasado na jusme.

"bakit?" kunot-noong tanong ko pa rin.

"aba'y hindi namin alam, kung istrikto na siya non mas istrikto pa siya ngayon. Tapos masmalamig pa sa aircon ang atmosphere pag nandyan na siya." exaggerated pa na kwento nito. Parang bata, may palaki-laki pa ng mata saka may hand gestures pa sya.

Napapailing nalang ako sa way ng pagkukwento ni RV haha parang kindergarten talaga si gaga.

"tapos girl, alam mo nagpapral recitation nakakawalanghiya for the first time hinanap ng mga klasmeyt natin ang presensya mo." dugtong pa nito na nasa nagsusumbong na na tono. Kala mo aping-api hahaha

"bakit yung presensya ko? saka andun ka naman ah. Andaming magagaling don sa classroom." nakakunot-noong sagot ko pa rin. Nangangalay na kong nakatayo dito sa gilid ng covered walk. Tapos pinagtitinginan pa kami ng mga dumadaan tsk.

Getting to Know Her(GxG)[SLOW-UPDATE]Where stories live. Discover now