CHAPTER X

607 32 0
                                    

Gabrielle's POV

"Guys! pack up na tayo. Pakiayos na lahat ng gamit natin tapos ang mga kalat pakilagay na sa isang lalagyan." Medyo paos pa na bilin ni Ulap sa lahat. Habang tinitingnan ang mga lay-out artist kasama niya ang online producer. Binabantayan niya rin yung mga nag eedit ng video para sa production na ginawa ng tv broadcasting. Tapos yung isa nag-eedit naman ng video higlights para sa last day.

Mabilis naman kumilos ang lahat kaya mabilis naayos ang dapat ayusin. Malinis na rin sa lugar namin pati si RV tumulong na hahaha. Nahiya raw kasi siya at lahat kami gumagalaw.

"Ano? pagod?" tanong ko rito ng umupo sa tabi ko at tagaktak sa pawis.

"sobra-sobra Gabo. Phew! kaya ayoko sumali sa kahit anong extracurricular activities eh. Nakakapagod!" simangot na reklamo nito habang naghahabol ng hininga at pinupunasan ang pawis.

"Hahaha nakakapagod man, kung nag-eenjoy ka hindi mo rin mararamdaman yung pagod." Nakangiting mahinang turan ko rito.

"Ah basta hindi ako sasali sa nakakapagod na bagay" rason pa rin nito saka ngumuso. Tsk, akala naman niya kinaganda nya yun. Mukha kaya siyang ganso duh.

Hindi ko na to sinagot at nilapitan sina Ulap para makiusyoso sa kanilang ginagawa.

"okay na lahat ate?" pambungad na tanong ni Skye saka inilibot ang tingin sa pwesto namin.

"okay na lahat. Naayos na rin yung mga gamit. Kayo nalang hinihintay." Mabilis naman na sagot ko sa tanong nito.

"Sige-sige malapit na eto. Exporting naman na sila tapos nakapost na rin online yung mga nilay-out na graphics. After non, diretso na tayo sa office para mailagay na yung mga gamit tapos bukas nalang ayusin. Late na masyado, uuwi pa itong mga ito pati tayo." seryosong sabi nito saka nilapitan yung ibang staff at kinamusta. Haaay, napakaseryoso talaga nito kaya natatakot sakanya yung iba eh hahaha intimidating daw yung awra nya parang anytime mangangain bg tao lol.

"Ate Gab, okay na po. Tapos na mag-export" napalingon ako sa dalawang nasa harap ko ng sabay na nagsalita ang mga ito.

"Okay na? goods." pagkukumpirma ko sa mga ito saka lumingon sa kinaroroonan nila Ulap para sabihin na tapos na ngunit tinamad na ako maglakad kaya nagthumbs-up nalang ako rito. Gustong-gusto ko na rin umuwi, pagod na pagod na ako. Kailangan ko na ng pahinga haaayst.

"okay na lahat? okay. Thank you Guys! Job well done! Deserve niyo ng pahinga. SamG tayo sa Sunday sagot namin nila ate niyo Gab" nakangiting wika nito sa mga staff napati sila ay napangiti sa sinabi nito. Agad naman na kumunot ang noo ko dahil nandamay pa si gaga. Alam na ngang nagtitipid ako tapos aayain ako sa gastusan. Wala na akong stock ng accrylic paint tapos nag-order pa ako nang filler ng mechanical pencil ko.

"Hoy Ulap! umayos ka. Anong sagot natin? nandamay ka pa" ano ko mayaman? jusmiyo. Nastress ako dito sa babaeng to. Wala pa akong sahod sa part time ko. Bukod sa luho ko, kailangan ko rin magtipid ng allowance dahil nahihiya na akong humingi kay mama.

"Minsan lang naman Gab please? darating na rin student assistance natin bukas diba?" pagpapacute pa nito sa akin na akala mo naman barya lang hinihingi niya. Tsk

Napailing-iling nalang ako saka labag sa kalooban na tumango para tapos na at wala nang mahabang usapan. Kaya naman nagtatatalon sa tuwa ang mga staff namin dahil ito ang unang beses na manlilibre ako. Tiningnan ko ang mga ito habang may tipid na ngiti sa mga labi ko.

"OMG! ate Gab ikaw ba yan? ngumiti ka! huy ngumiti siya!" napakagat ako sa ibabang labi at pilit na nagpokerface sa harap ng mga staff namin.

"tsk, tara na't umuwi dahil gabi na." pero parang walang narinig ang mga ito at tiningnan lang ako na parang may himalang nangyari. Annoying.

Getting to Know Her(GxG)[SLOW-UPDATE]Where stories live. Discover now