CHAPTER V

671 50 12
                                    

Gabrielle's POV

Labag man sa kalooban ko pero inagahan ko talagang pumasok at kailangan kong pumunta sa budget para maayos na itong paper namin sa publication.

Aasikasuhin ko rin ang pa-meeting namin mamaya para mafix na rin ang schedule ng mga staff namin.

"magandang umaga po sir!" nakangiting bati ko sa mga guard saka sila sinaluduhan na agad naman nilang ikinangiti at binati rin ako pabalik.

Kumaway pa ako ulit bago naglakad patungo sa admin building. Nang makalayo-layo na ako sa gate ay agad akong naglagay ng earphones.

Nakarating naman ako ng maayos sa admin at saka ko tinungo ang office kung nasaan ang budget. Pagkarating ko dito ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto.

"Goodmorning miss" kaswal na bati ko habang may maliit na ngiti sa labi.

"oh, ikaw pala Miss De Vera. Hulaan ko, budget nyo sa pub. yan ano? tinawag na kasi ng EIC nyo yan eh" parang kinikilig naman na sambit ni ms. Dela Vega

"ah yes po. Pumunta kami dito kahapon kaso wala pong tao eh" paliwanag ko saka inilapag yung folder sa harap niya.

"Nagkaemergency kasi kaya nagpatawag ng meeting sa higher ups" sabi naman ni miss at iginiya akong maupo sa upuan sa harap nito.

"yung EIC nyo keaga-aga ang sungit-sungit. Ano kaya kung hindi ko pirmahan ito ng siya ang pumunta dito" mahabang litanya ni ms. Dela Vega habang tinitingnan yung documents na dala ko.

"miss naman, lalo kaming madedelay kapag ginawa nyo yon. Tapos lalo rin iinit ang ulo ni Ulap hehe, ikaw rin. Ikaw ang sisisihin non, syempre sasabihin ko rin ang rason kung ba't di mo pinirmahan kasi magtatanong yon." napaawang naman ang bibig nito sa mahabang sagot ko sa iniisip nitong gawin.

Mainit na dugo sakaniya ni Ulap dadagdagan niya pa. Good luck nalang talaga sa'yo miss. At napahagikgik pa ako sa reaksyon nito na tila di makapaniwala sa sinabi ko.

"You got me there De Vera. Napakasungit naman kasi niyang EIC niyo eh ambait-bait ko sa inyo" saka pinaikot ang mata pero kalauna'y ngumiti nang nakakaloko.

May sira na yata sa tuktok etong si miss Dela Vega hahaha. Pero goods at pinirmahan nya na kaya napangiti ako ng malawak kasi pinirmahan niya.

"sige po miss, thank you ng sobrang marami heheh" pagpapasalamat ko matapos niya iabot yung folder.

"sige, galingan niyo and oh tell to your EIC na tawagan ako" sabi pa nito nang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Nararamdaman kong susutilin niya nanaman si Ulap.

Sutil na ako sa lahat nang sutil pero si Ulap yung iniiwasan kong sutilin pag mainit ang ulo hahaha mahirap na makurot at makain ng buo. Kaya nagtataka ako kung bakit gustong-gusto pagtripan ni miss Dela Vega si Ulap eh hahaha

Binuksan ko ang pinto nang nakangiti at dirediretsong naglakad palabas.

"what a view, pag sa iba ganadong ngumiti tapos sa klase ko blangkong-blangko ang mukha na parang hindi interesado sa lectures." halos mapatalon ako sa gulad nang may nagsalita sa gilid ng pinto.

Unti-unti ko itong nilingon at nakita ko si Engr. Hamilton na may nang-aakusang tingin.

"ah k-kayo po pala Engr. Good morning po" alanganing bati ko rito dahil napakasungit. Napakaaga naman nitong highblood.

"there's no good in my morning Avery" malamig na sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin nang nang-aakusa.

"ay, bakit naman po mam...Engr? ang aga-aga po dapat smile kayo para maganda ang maghapon nyo" pinipilit kong pinalamig ang boses ko para mapagtakpan ang pagkanerbyos ko at maiwasang mautal.

Getting to Know Her(GxG)[SLOW-UPDATE]Where stories live. Discover now