Dying is a Plan

8.6K 212 10
                                    

Ang cute ni Amethyst (☆^ー^☆) Pic at the side-->
Nakagawa na ako ng prologue para sa upcoming story na pinangako ko sa inyooooo! ^___^ Kaya magcomment na kayo! PS. I need kontrabida kaya magkontrabida na ang mga magaganda dyan! Haha!
______________________________
Chance's POV

"Ikaw po ang guardian? Eh akala ko po lalake ang guardian eh", ang sabi ni V. Oo nga. Sa pagkakaalam ko, lalake ang guardian ng Secret Country.

"Haha. Ngayon, anong ginagawa niyo sa harap ng portal?", ang tanong niya saamin.

"Uhm, hindi po. Aksidente po na napunta kami sa harap ng portal", ang sagot ko.

Tumango tango naman si Tigreena. At iniayos ang buhok niya. Umupo naman ang tigre sa paanan niya.

"Salamat mga Magix"

Nagkatinginan kami ni V. Bakit siya nagpapasalamat?

"Ipinadala kayo ng reyna ng secret country, in an indirect way. Hahanapin niyo ang prinsesa ng secret country at magkakaroon kayo ng tatlong kahilingan", ang sabi niya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.

"Ha?! Hindi po pwede! Ayaw namin!",ang sabi ko. Imposible. Kahit magkaroon pa ng tatlong kahilingan, aanhin ko naman iyon?! Ang importante saakin ngayon ay hanapin si Amethyst. At hindi ang prinsesa. Ayaw ko.

Ngumiti naman saakin si Tigreena.

"Kung gayon, bibigyan ko kayo ng oras para makapag-isip. Bumalik na lang kayo sa portal ko kapag buo na ang desisyon nyo," ang sabi nang dyosa at bigla naglaho.

***

Amethyst's POV

"Pakawalan niyo akoooooo!" , ang sigaw ko habang nagpupumiglas sa mga tali na nakagapos sa katawan ko. Hindi lang ito mga tali. Ito ang mga tinatawag nila na Dead string. Dahil kapag nagkamali ka ng galaw, maaring mahiwa ang anumang parte ng katawan mo.

"Ang ingay mo!", ang sigaw saakin ni Lorie.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Bakit?! Bakit ganito na ang nangyayari saakin? Akala ko pa naman mabait si Lorie.

"Lorie... Maawa ka sakin. Hindi ko alam kung bakit mo ako pinapahirapan. Pakawalan mo na ako", ang pagmamakaawa ko kay Lorie. Umiiyak na ako. Actually, kanina pa ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga nangyayari saakin. Bakit yata grabe na ang paghihirap na nararanasan ko?

Magic AcademyWhere stories live. Discover now