The Last Battle

7.7K 253 2
                                    


______________________________________
Third Person's POV

Maligaya at makulay ang Magic Academy. Maraming mga bisita, maraming mga nag-ga-gandahang decorations at palabas, at higit sa lahat, MARAMING PAGKAIN! *le dies*

Tuwang-tuwa ang lahat ng nalaman nila na hindi na isang Charm Commander si Amethyst. Luh? Bakit pa kaya sila natutuwa eh hindi nga nga siya Charm Commander? Ganto kasi yan, dahil sa ginawa niyang pag-evolve at effortless na kinuha ang kapangyarihan niya kay Lance, nagkaroon siya ng RARE na type of Eidolon Eye.

Ang Deity Eye. Isa na siyang official goddess! Take note, goddess. Hindi demigoddess. Kundi dyosa na mismo. At dahil dyan, na-accelerate sya! Isa na siyang member ng Eternity Council, at siya na ang tinaguriang Most Powerful Girl sa buong henerasyon. Nahigitan na niya ang kapangyarihan ni Claremont.


"Salamat Miss Amethyst Charandelle", ang sabi ni Royal Lady Elumina at binigyan si Amethyst ng Medal of Power. Habang nagkakasiyahan sila, dalawang tao ang palihim na nag-uusap.


"Masyado siyang natutuwa. Pwes, maghintay siya. Di pa kami tapos. Inagawa niya sakin ang saakin!"

Nandun rin sa pagdiriwang si Guia, na hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap ang bunsong kapatid. Okay na sila ni V, hindi nagkakailangan.

Lumapit naman si Amethyst kay Chance at niyakap ulit. Medyo clingy na si Amee ah!

"Chance, hihintayin kita sa Eternity Council. Hwag mo akong ipagpapalit!", ang sabi ni Amethyst at kinurot si Chance. Bigla naman siyang hinalikan ni Chance sa labi.

Nalaman na rin nila ang pagkamatay ni Tiffany. Lahat rin sila nagdalamhati. Si Mindy, nandun sa stage. Siya kasi ang kumakanta. Miss niya na daw kasi kumanta eh. And oh! Kasama rin nila si Biggie! At totoo nga, nahg-aaral rin talaga si Biggie sa Magic Academy!

Nagkakasiyahan ang lahat ng biglang may pumutok ng sunud-sunod. Lahat sila nabigla at natakot, and within a second, nawala ang mga tao sa Party Central. Natira dun sina Amee, Chance, Biggie, V, Kimrae, Mindy, Icelle at Guia.

Biglang nagdilim ang paligid. At may lumabas na dalawang pamilyar na tao.

"Kumusta Amethyst? Namiss mo ba ako? Aww. Kasi ako namiss kita!", ang sabi ni Elika sabay pout.

"Hi Amethyst! Ohmy, buti ka pa, may deity eye. Ako? Yung eidolon eye ko nalaman ko fake. Tapos alam mo masaklap? Iniwan ako ni Zeus dahil sayo!", ang sabi naman ni Athena.

Natigilan si Guia. Ang bunso niyang kapatid.

"C-coleen Trisha.... Ako ito! Ang ate mo!", ang sabi ni Guia at niyakap si Athena - eer Coleen.

Tinulak naman siya ni Coleen. Tinulungan naman na makatayo ni Mindy si Guia.

"Wala akong ate! Pakatapos niyo ako ipatapon sa Sparks Council dahil sa fake Eidolon eye ko, wala na akong tinuring na ate at pamilya!", ang sabi ni Coleen at nagpakawala ng Purple Flare sa pito.

Nagpakawala rin si Elika ng violet na usok.

Gumawa si Amee ng Lightning Barrier para di kami matamaan. "Siya ang bunso kong kapatid!", ang sigaw naman ni Guia.


"Huminahon ka Prinsesa", ang sabi ulit ni Amethyst. "Ikaw ang Prinsesa?!", ang gulat na gulat na tanong ni V. Wow! Nahanap na nila ang princess! Tumango naman si Guia.

Nagpakawala si Athena ng napakalaking Purple flare sa lightning barrier. Agad nawasak ang barrier na ginawa ni Amethyst.

"Chance, V, Biggie, Icelle, tulungan niyo ako. Mindy, Kimrae, kayo na ang bahala kay Guia", ang seryosong sabi ni Amethyst.

"Amethyst, hindi porket makapangyarihan ka na, matatalo mo na ako!", ang sigaw ni Elika at nagpakawala ng Magical Drain potion. Nalanghap iyon ni Amethyst at agad nawalan ng malay.

"Amee!", ang sigaw ni Chance at agad kinuha si Amethyst.


"Yan ba ang Most Powerful Girl? Yan ba-"

Nagulat silang lahat ng tumayo si Amethyst at nagpakawala ng Ice make arrow. Natamaan sa braso si Elika.

"Sabi ko sainyo, hindi na ako ang lalampa-lampang Amethyst!", ang sabi ni Amethyst at nagpakawala ng Fire ball kay Coleen.

"Amethyst! Ang kapatid ko!", ang sigaw ni Guia nang nakitang nawalan ng malay si Coleen.


Biglang tumayo si Elika. At gumawa ng purple flare, at pinakawalan kay Chance! Akala ni Amethyst, sa kanya ipapatama ang purple flare, at hindi nakailag si Chance.


"Cha-chance!", ang sabi ni Amethyst at niyakap ang duguang si Chance. "V, dalhin mo sa clinic si Chance!"


May biglang lumitaw na shurikens na papunta kay Amethyst. Gumawa agad si Icelle ng ice barrier para hindi sila matamaan.


"LALALA~", ang pagkanta ni Biggie at agad na natumba at napasalampak sa sahig sina Elika at Coleen.


"FIRE CHAIN!", ang sigaw ni Amethyst at pinuluputan ng fore chain ang dalawa.

"ICE PRISON!",ang sigaw naman ni Icelle at kinulong doon ang dalawa.

"Coleen!", ang sigaw ni Guia at pinuntahan si Coleen. "Sumama ka na sakin! Ako ang ate mo! Babalik na tayo sa Secret country!"


"Para ano? Di ba hinanap mo ako dahil malapit a ang coronation day mo? Di ba?! Pero hindi mo naman ako hahanapin kung walang korona!", ang sigaw ni Coleen.


Hinila naman ni Kimrae si Guia papunta sa clinic.

"CHANCE! GUMISING KAAA!"

________

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon