Underworld Academy

13.9K 369 13
                                    

Amethyst’s POV

Honestly, nanosebleed ako kay Elika habang nag sasalita siya! Ang galing mag-English!

“So, you will be my weapon, sweet darling”, ang sabi niya saakin.

“Weapon saan?”

Nag bakit-ang-lowgets-mo glare saakin si Elika.

“Uh sorry!”, nag peace sign pa ako.

Biglang nawala si Elika sa isang iglap.

Naiwan akong mag isa dito.

Nagdive ako sa bed at tumingin sa ceiling.

“Hayyy... Gusto ko na bumalik sa Magic Academy”

And after I said these, tears streamed down in my eyes...

Kimrae’s POV

“Nasan na si Amethyst?”, pulang-pula na ang mga mata namin nina Mindy kakaiyak. Sina Chance at V, alalang-alala na. Si Royal Lady Elumina, busing-busy sa pagtawag at paghanap ng impormasyon sa mga posibleng kumidnap kay Amethyst.

Ang mga Royal Guards naman ay lalong humigpit sa pagbantay ng Magic Gate. Ang mga estudyante naman ay takot na takot kaya nagkukulong sa mga kwarto nila.

Si Margalo naman, cool na cool pa rin. Pero halata sa mga mata niya na nag-aalala siya kay Amethyst.

“Oo, salamat Mr. Qer. Salamat po sa impormasyon”, ang sabi ni Royal Lady sa telepono.

“Ano po? Nahanap nyo na po ba siya? *sniff*”, ang tanong ko.

“Hindi pa rin mga hija. Nakita niyo ba ang itsura ng babae?”

“Opo. Maganda, maputi, matangkad, violet ang buhok”, ang sabi ni Kimrae.

Biglang nagkaroon ng mahabang katahimikan.

“Isa lang ang posibleng gumawa nito”, ang sabi ni Royal Lady.

“Ang Underworld Academy”, ang sabi ng Royal Teacher namin na si Sir Cheber Houser.

“Ano pong Underworld Academy?”, ang tanong ko naman habang pumapatak ang luha.

“Hindi pa namin kaya sainyo maipaliwanag sa ngayon. Basta , gagawin namin ang lahat para makauwi si Amethyst sa takdang oras”, ang sabi ni Royal Lady Elumina.

Umalis na kami ng hall at hindi namin alam kung ano ang susunod na mangyayari.

***

Amethyst’s POV

Habang umiiyak ako, nakakita ako ng salamin.

At isang babae na kulot at kulay puti ang buhok, maganda, maputi, at nakasuot ng violet na school uniform.

Sarili ko ba ang nakikita ko? O iba?

Bakit ako nakasuot ng violet na school uniform?

May suot rin akong ID.

Underworld Academy
Since 1785

Name: Erza Charandelle
Age: 16
Gender: Female
Section: Vampire Bloodlines

Incase of emergency, please contact:
Ms. Elika Argentum, France

Napanganga ako sa nabasa ko.

Hindi ako to eh!

Ako si Amethyst Charandelle! Hindi Erza Charandelle!

“Aarrggghhhhhhh! Elika! Ilabas mo ako dito! Gusto ko ng bumalik sa Magic Academy! Elika! Ano ba??!!!”, ang sigaw ko. Alam kong naririnig ako ni Elika.

Magic AcademyWhere stories live. Discover now