Undiscovered Charm

38.9K 1.2K 33
                                    

"So class, our lesson for today is Transfiguration. Using your mind, you need to change this feather into a glass", sabi ni Mam Irva.



"Pano naman natin yun magagawa?", tanong ko kau Mindy.




"Yes Miss Amethyst. Pano kaya natin yun magagawa? Sino ang makakasagot ng tanong niya? Raise your hand"




Biglang tumaas ng kamay si Icelle. "Yes miss Icelle"





"First, you need to close your eyes and focus your mind to the thing you want to transfigure. Picture that thing in your mind and mutter the words TRANSFIGURA Y PIA. To make sure this spell works, mutter those words repeatedly"





Pumalakpak ng kamay si Mam Irva. Nagsmirk sakin si Icelle kaya inirapan ko sya. "And Miss Amethyts, sino ang iniirapan mo?" Bigla akong napatingin kay mam Irva.



"W-wala naman po"





"Oh. Don't fool me Miss Amethyst. Baguhan ka palang dito kaya learn to respect the students here. Now, show your classmates what you've got. Transfigure this feather into a glass, now"





Dahan-dahan akong tumayo papunta sa unahan. May nagawa ba akong mali para maparusahan ako ng ganito? Kasalanan to ni Icelle. Tinitigan ko yung feather. At dahan-dahan kong sinarado ang mga mata ko. Lumabas sa isipan ko ang itsura ng feather na iyon. "Transfigura y pia"





*pop*





Minulat ko ang mata ko. Wow. Wala na ang feather. Isang baso na ang nasa harap ko. Tumingin ako kay Mam Irva at sa mga kaklase ko. Manghang mangha si mam Irva. Bakit ba?





"Oh my gosh. This is my first time to see a student to transfigure a thing into only some seconds! Tell me miss Amethyst, is this your first time to transfigure an object?"




Tumango ako. Then, what's the big deal?




"Take your seat Miss Charandelle. This is very unbelievable! Even the best magix and wizards can do such thing Miss Amethyst! It takes 3-5 minutes to transfigure an object. The fastest recorded transfiguration happened many millennia ago by the most famous wizard Merlin with a minute to transfigure a rat into a worm. But you Miss Charandelle, takes three seconds to change this feather to a glass! We need ti report this right away! Class dismissed!"






Bigla akong hinablot ni Mam Irva at pumunta kami sa office ni Royal Lady.





***





Habang naglalakad ako pabalik sa dorm namin ni Mindy, pinagtitinginan ako ng mga tao. And they are muttering some words like "siya yun di ba? Yung nakapagtransfigure ng 3 seconds?"




Napabuntong hininga na lang ako. Seriously? Sinunod ko lang ng malinaw yung instructions. Nang nakarating ako sa dorm namin, natutulog si Mindy. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng juice.





"AWOOOOOOO"



"AAAAAAAAAAAAAAH", bigla kong nabitawan yung basong hawak ko. Sino yun?! "Sino ka? Bat ka nanggugulat?!" Nakita kong naka on yung phone ko. One message received. Seryoso? Yun ang ringtone ko?





Inopen ko ang message at nagulat ako.






From: 09********
Hey bitch. So sa tingin mo porket nakapagtransfigure ka ng feather magaling ka na? Well duh, no way. Nakatsamba ka lang. At di mo yun magagawa kung hindi dahil sakin. Mas magaling naman ako sayo, not in transfiguration but in dueling. So mamayang gabi, hinahamon kita. Pumunta ka sa battle grounds ng eksaktong alas dose. At pag di ka pumunta, kailangan mo nang layuan si Chance. Pag natalo ka, layuan mo sya. Pag nanalo ako, akin na sya. Go prove yourself to me. xIcellex









"Amethyst?"






"M-mindy..."






"Bakit? Anong nangyari?"






Binigqy ko sa kanya ang phone ko at umupo ako sa couch. Pupunta ba ako? Bakit? Ayos lang naman na di mapasakin si Chance kasi di ko naman sya gusto.







"No Amethyst. Hwag ka pupunta sa battle grounds. Unang-una sa lahat, bawal lumabas ng dorm ang estudyante sa ganitong oras. Pangalawa, bawal gamitin ang battle grounds dahil restricted place yun dito sa Magic Academy. At panghuli, di mo pa alam powers mo. Matatalo ka ni Icelle. At si natin alam kung ano ang gagawin ni Icelle sayo"







Tinitigan ko si Mindy. "Pero..."






"Wag ka pupunta. Please. Baguhan ka palang dito, at maaari kang paalisin sa school pag di ka sumunod sa rules"






"Sige. Punta na tayo sa cafeteria. Gutom na ako"






Nang nakarating na kami sa cafeteria, nakatingin lahat ng tao sakin. Kaya sumisiksik lang ako sa likod ni Mindy. Nang bibili na kami ng food, biglang nawala ang ilaw. At may mga kamay na tinakpan ang bibig ko at ginapos ako. Pinilit kong kumawala at sumigaw, pero di ko magawa. "Go to hell bitch" and everything went black.







Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Wala na ang gapos at tali. Pero nasaan ako? Gabing gabi na, at parang nasa gitna ako ng napakalaking quadrangle. Ito ba ang battle grounds? Chineck ko ang oras sa relo ko, at eksaktong alas dose na. Tumayo ako at nakita kong may babaeng nasa harap ko na may hawak na espadang yelo.






"I-icelle?"






Kumaripas ng takbo si Icelle papunta sakin at iwinasiwas ang espada nya. Agad ako umilag. Iwinasiwas nya lang ito ng iwinasiwas. Muntik nya ng masagi ang kamay ko. "Itigil mo na yan Icelle!"






"Bakit ako titigil? Inagaw mo sakin si Chance!", biglang nawala ang espadang yelo. Naconvert ito sa maliliit na kutsilyo at papunta sila sakin. Umiwas ako at tumakbo. "Tama na Icelle! Tama na!"





Hinabol ako ni Icelle. Nagpakawala sya ng lubid na gawa sa yelo. "Talunin mo ako Amethyst! Gawin mo!" Pinilit kong kumawal sa lubid dahil unti unti na nitong pinupulutan ang katawan ko. Di na ako makahinga dahil sinasakal na nito ang aking leeg.







"T-tama na", I closed my eyes and pictured in my mind the ice rope. "Transfigura y pia"







Nakarinig ako ng pop at nawala ang lubid sa katawan ko. Hinahabol ko ang hininga ko. Nakita kong naging maliit na uod ang lubid. "Yan lang ba ang kaya mo Amethyst?! Yan lang ba?!"







Linapitan ako ni Icelle at sinakal ako. Inaalis ko ang kamay nya pero di ko magawa dahil masyado syang malakas. Dumidilim na ang paningin ko at di na ako makahinga. "T-t-tama n-na-na"







Nagulat ako nang biglang inalis ni Icelle ang kamay nya. Tumayo ako para tumakbo kahit di na ako makatingin ng maayos. Narinig ko ang hikbi ni Icelle. "What have you done?! Anong ginawa mo sa kamay ko?!" Lumingon ako at nakita kong umaapoy ang kamay nya. Wala akong alam sa pinagsasabi nya!







"You transfigured my hand into fire! That is against the law! Kailangan to malaman ni Royal Lady Elumina!", biglang nawala si Icelle.







Mag isa na lang ako sa battle ground. Di ko trinansfigure ang kamay nya! At kung may mangyari man na masama sa kanya, di ko yun kasalanan. Siya ang gustong manakit sakin. Self defense lang ang ginawa ko!







Akmang tatayo sana ako ng biglang dumating si Royal Lady at Icelle.

Magic AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant