Savior

7.2K 239 0
                                    

Chance's POV

"Papasukin niyo kami!", ang sigaw ni Biggie habang pinaghahamapas at pinagtatadyakan ang gate. "Tsk. Papapasukin niyo kami o papapasukin?"

Hindi ko maintindihan pero parang sinasabi nang sarili ko na kailangan kong pumasok sa loob. Kailangan kong pumasok doon para iligtas ang babae. Kakaiba ang kutob ko.

"Chance, parang feeling ko nasa loob si Kimrae. Hindi ko maintindihan", so nararamdaman rin ni V ang nararamdaman ko? This is weird.

"Sorry po pero baka pagalitan kami ng mga Master namin", ang sabi nung guard. Naparoll eyes naman si Biggie.

Tsk. Gusto ko talaga pumasok. Gusto ko hanapin ang babae at gusto ko siyang tulungan. I have a weird feeling about this. Parang sa tingin ko, nasa loob rin si Amethyst.

Then a thing popped in my mind. Anong use ng Magic na binigay sakin ng mga taga-Tadashi kung di ko gagamitin diba

I snapped my fingers and isang papel at pluma ang lumabas. Nagsimula ako magsulat.ҡɛʏ . Biglang may lumabas na isang susi na saktong sakto sa padlock.

Pinatani ko si Biggie at ininsert ko ang susi. Sad to say, di nabubuksan. "May mahika po na nakalagay sa gate na ito. Pasensya na po pero kahit anong pilit niyo sa susing iyan, hindi yan gagana"

Tsk. So ano ulit ang use ng isa ko pang Magic?

Tiningnan ko sila sa mata nila gamit ang Figure Eyes magic ko. Kinontrol ko sila na buksan ang gate. Unti-unting bumukas ang gate at nakapasok kami ni V at ni Biggie.

"V, dalhin mo kami sa back door"

Agad naman kaming dinala ni V at mabilis kaming nakarating sa backdoor. Dumaan kami sa stairs. Paakyat ito ng paakyat. Nakaakyat kami sa pangtatlong palapag. Bigla akong napahinto dahil may narinig akong kakaiba.

"Natatakot ako"

"Kaya natin toh! Hindi natin papayagan na may mangyaring masama sa kanya!"

"Right! We need to save her!"

Biglang bumukas ang pinto na nasa harap namin. Agad nanlaki ang mga mata naming lahat.

"V-v?! Oh my ghad. Chance!", bigla akong niyakap ni Mindy at ni Icelle. Si Kimrae naman ay niyakap si V.

"Pano niyo nalaman na nandito kami?", ang tanong ni Kimrae habang may luha sa mata. Sa wakas at nagkita-kita na kami! Pero si Amethyst na lang ang kulang.

"Napadpad kami dito dahil narinig namin ang isang boses ng babae na sumisigaw", ang sagot naman ni V. Nakita namin na paranv namutla ang tatlo.

"S-si... S-si A-amethyst ang b-babaeng yun", ang naiiyak na sabi ni Mindy. Parang nabingi ako sa sinabi niya. "S-sino Mindy?", ang tanong ko rin sa kanya.

"Si Amethyst. Si Amethyst ang babaeng yun! Tulungan natin siya!;", ang sigaw naman ni Kimrae habang umiiyak.

Hindi ko namalayan pero nakuyom ko ang mga kamao ko. Hindi pwede! Hindi ako papayag na may masamang mangyayari kay Amethyst!

"Chance, anong problema?", ang tanong sakin ni Biggie. Nabaling maman ang tingin nila kay Biggie. Take note, nasa pambatang form pa siya.

"Sino ka?", ang tanong ni Icelle. "Bakit mo kasama sina Chance at si V?"

"Ako si Biggie. Kaibigan nila ako. At makakatulong ako sa inyo para hanapin ang babaeng nagngangalang si Amethyst!", ang sabi ni Biggie habang nakataas ang kamay na nakakuyom.

"Kilala mo siya?", ang tanong sa kanya ni Kimrae.

"Hindi ko siya kilala! Pero naririnig ko lang sa mga sinasabi niyo!"

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon