{ Chapter Thirty-Six the Third }

2.2K 98 17
                                    


      
___

     
Chapter Thirty-Six the Third

Equilibrium

"Sha, okay ka lang? Kanina ka pa walang imik diyan ah," sabi sa akin ni Gabby. Pagkatapos noong nangyaring insidenteng kinasangkutan ni Riana doon sa pool ay umahon na rin kami, though bumalik din agad yong ibang boys. Pero nanatili na lamang ako doon sa cottage namin. Bigla na lang kasing sumama yong pakiramdam ko.

Pilit ko pa ring pinoproseso ang naganap kanina. Mikko and Riana's mouths went in contact. Hindi man sila naghalikan, pero hindi pa rin maiaalis na nagdikit yong mga labi nila. Para na silang nagkiss. Napapikit ako nang mariin. Parang hindi ko kaya. Noong aksidente ko silang nakitang dalawa ni Koleene na naghalikan, masyadong masakit. What more ngayong harap-harapan kong nasaksihan? Pero hindi dapat ako nagi-emote nang ganito. Hindi naman kami ni Mikko, para magreact ako at magselos.

"Okay lang ako, Gab. Sumakit lang yong ulo ko," sabi ko naman. Tumango siya at nagpatuloy sa pag-inom ng sodang nandoon sa kanyang plastic cup. Nagkalikot siya sa phone niya tapos ay umalis din agad. Tatawagan na yata niya si Jill. Sumandal na lang ako doon sa upuan at pinanood yong mga nagsiswimming doon sa pool.

"Uhm, hi."

Napalingon ako doon sa nagsalita. Nagi-imagine kasi ako kaya hindi ko napansin na may pumasok na pala doon sa cottage. Napaismid ako nang makita ko siya. Para akong brat. Pati ba naman sa bata, papatol ako? Tss. Naupo sa tabi ko si Riana. Parang kanina lang, ang sungit-sungit niya sa akin. Pinaplastic pa ako ng batang ito? Tsaka, if I know, si Mikko lang naman ang hanap nito eh.

"Wala si Mikko rito," saad ko. Kailangan ko na siyang pangunahan. Bakit ba? Alam ko namang si Mikko ang hinahanap ng tukong ito eh. Tsk. Ba't parang ang nega at bitter ko?

Natawa siya tapos ay biglang umirap. "Hindi naman si Mikko my love ang pinunta ko rito eh."

"Eh sino?" medyo mataray kong tanong.

"Ikaw." Tapos siya ngumiti - yong ngiting alam mong gagawa nang masama. Napataas bigla ang kilay ko. Ano namang gusto niya sa akin?

"Bakit ako?" tanong ko naman. Ba! Ibang klase ang batang ito ah. Parang magka-age lang kami kung kausapin ako ah.

"Ano ka ba ni Mikko?" mataray niyang tanong sa akin.

"You must call him KUYA Mikko," I calmly replied. Inirapan naman niya ako tapos ay tinaliman pa ang titig sa akin. Napailing na lamang ako. "Kaklase ako ni Mikko."

"Are you sure?" taas-kilay naman niyang tanong. Tumango na lamang ako. Saan ba patungo ang usapang ito? Humalukipkip siya sa harapan ko. "Then, bakit siya lapit nang lapit sa'yo?! Why is he after you? You are nothing compared to me!"

"Una sa lahat, pairalin mo ang respeto dahil mas matanda ako kaysa sa'yo. Pangalawa, bakit ako ang tinatanong mo niyan? Hindi ba't dapat si Mikko ang tanungin mo, since siya naman 'yong lapit nang lapit sa'kin? At pangatlo, wag mong sirain ang birthday party ng kapatid mo dahil lang diyan," sabi ko tsaka tumayo at akmang aalis na sa cottage nang bigla niyang hatakin ang braso ko.

"Don't dare turn your back on me, ate!" pasigaw niyang sabi. Oo, tinawag niya akong ate pero ang bastos pa rin ng pagkakasabi niya. Tss. Ibang-iba siya sa kuya niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ako sanay magtaray. Hindi bagay sa akin. I don't like this feeling. May tendency kasing lumabas ang pagka-warfreak ko kapag napo-provoke ako. Actually, mahaba naman talaga ang pasensya ko. Pero kapag naubos 'yon, siguradong iba ang epekto. Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin. Nagbilang din ako ng lima sa aking isipan.

Pout For Romance (On-Going)Where stories live. Discover now