{ Chapter Twenty-Four }

4.1K 197 53
                                    

May trip kami sa Ilocos Norte ngayon kaya sabaw muna:)


---

Chapter Twenty-Four

The-one-who-must-stay-nameless

Five days na ang nakalipas simula noong nangyari 'yung pinakamasaklap na araw sa buong buhay ko. Five days na simula noong makilala ko 'yung mga magulang ni Mikko. Five days na simula noong piliin niya si Koleene imbes na ako. Five days na simula noong makita ko kung gaano pa kamahal ni Mikko ang kanyang first love. Five days na simula noong umiyak ako nang sobra-sobra. At five days na ang nakaraan simula noong ma-heartbroken ako. Ganito pala kasakit 'yun. Literal talagang heart broken kasi parang dinudurug-durog 'yung puso ko sa tuwing naaalala ko si Mikko na itago na lamang natin sa pangalang the-one-who-must-stay-nameless. Iniisip ko lahat ng sweet nothings, 'yung mga gestures niya na nagpa-fall sa akin, 'yung pagtawag niya sa akin ng baby o kaya'y Shabu – lahat ng 'yun, palabas lang pala. Wala naman akong magagawa eh. Sa hindi nga niya talaga ako mahal, anong magagawa ko? Hindi naman ako ganoon kadesperada. I know, time will do the healing and I know that everything will fall into the rightful places. Kung kami hanggang sa huli, e di go. Pero kung hindi, I guess uso namang mag-move on. Gustung-gusto ko siyang tawagan noong mga panahong 'yun. Baka sakaling joke-joke lang ng tadhana 'yung nangyari. Pero wala eh. Napangunahan ako ng takot at sakit. Siguro ngayon, nagsi-celebrate na sila dahil after how many years of waiting, sila na ulit.

Narinig ko ang pagpihit ng doorknob ng pinto sa kwarto ko at maya-maya pa'y sumilip ang kaunting liwanag. Automatic naman akong napatagilid at saka pinunasan 'yung mga luha ko. Ganito ba talaga kapag broken hearted? Kailangang iyak nang iyak? Kinagat ko ang labi ko at saka pumikit na lang. Ayokong marinig o makita ni kuya ang pag-iyak ko. Siguradong mang-iintriga na naman 'yun, at sa ngayon, hindi pa ako ready na magkwento sa kanya. Naisip ko, sayang naman. Botong-boto pa naman si kuya kay the-one-who-must-stay-nameless. Naramdaman ko ang paglubog ng kaliwang bahagi ng aking higaan.

"Shanget, papasok ka ba ngayon sa school?" aniya at ikinagulat ko ang pagsalat ng palad niya sa noo ko. Nasiko ko tuloy siya bigla. "Aray, ha! Parang tinitignan lang kung masama ang pakiramdam mo eh. Kailangan talagang maniko?"

Kung wala lang akong pinagdaraanan ngayon, baka tumawa na ako nang malakas. Hindi na lang ako umimik at hinila ko na lang pataas 'yung kumot ko hanggang sa matakpan 'yung ilong ko. Nilingon ko siya tapos ay tumagilid din agad. Ayokong makita ni kuya ang mugto kong mga mata. "Hindi ako papasok, kuya. Masama ang pakiramdam ko."

"Sigurado ka?" tanong niya. "Nasabi mo ba kay bayaw na hindi ka papasok ngayon?"

"Pwede ba, kuya. Hindi pa ako kasal kaya wala ka pang bayaw," sabi ko na lang. Hindi ko masisisi si kuya sa pagbi-bring up ng kung anumang bagay na may kinalaman sa the-one-who-must-stay-nameless na 'yun. Hindi niya alam na break na kami eh. Pero, break na nga ba kami?

"'Sus! O siya, kain ka na lang mamaya ah. Kailangan kong pumasok nang maaga ngayon," paalam ni kuya bago lumabas ng kwarto ko. Napabuntong-hininga na lang ako pagkalabas niya. Inilibot ko ang tingin ko sa aking kwarto. Halos lahat, memorabilia niya. Ang adik-adik ko kasi sa kanya kaya sobrang sakit tuloy nang nararamdaman ko ngayon. Nakita ko 'yung stuffed toy na ibinigay niya sa akin noong kasama namin si Ryuu. Napangiti ako. Nabulag ako sa ka-sweet-an niya ah. Nakita ko rin 'yung picture naming dalawa doon sa frame sa tabi ng kama ko. 'Yun 'yung nagpunta kami sa Baguio para raw sa date namin. Hanep talaga siya. Alam na alam niya kung paano mang-charm ng mga babae. Kinuha ko 'yung cellphone ko upang tignan 'yung oras. Saktong pag-ilaw ng cellphone ko, picture agad niya 'yung tumambad. Ito 'yung stolen shot niya noong may sakit siya habang natutulog. Mukha siyang anghel. Malapit na palang ma-dead batt 'tong cellphone ko. Tinignan ko na lamang 'yung 14 messages na nanggaling sa mga contacts ko. 11 'yung galing kina Yuki, Jill, Jed at isa sa mga classmates ko. At higit kong ikinagulat ang tatlong messages na galing sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalong maiiyak.

Pout For Romance (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora