{ Chapter Thirteen }

9K 217 23
                                    

@GabbyTierra and @JillianSapphire on twitter!!

---

Chapter Thirteen

A Bit of Larossa

"Goodbye and thank you, Sir Fajardo," saad naming magkakaklase bago lumabas si Sir Fajardo sa classroom namin para sa kanyang susunod na klase. Nakaka-intrnal hemorrhage talaga ang Math. Biro niyo naman, pati x at y, kailangan na ring i-solve. Eh, as a matter of fact, wala naman talaga given value ang x at y. Nakakaloka talaga.

Nag-scribble na lang ako ng spiral lines sa likod ng notebook ko habang hinihintay ang pagdating ng aming next teacher. TLE yata ang susunod ngayon. Nakakainis kasi 'yung naging schedule namin. Hindi mo alam kung anong subject ang magkakasunod. Malapit na kasi ang Homecoming ng mga Altamira, at busy talaga ang mg teachers para doon. Kaya kung sinong teacher ang may vacant sa time na 'yun, siya ang magtuturo. Pagkatapos siguro ng Homecoming, babalik na sa dati 'yung sched.

"Sha."

Agad akong napalingon nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Hinarap ko si Jed na kasalukuyang nakatayo at lumipat muna doon sa isang bakanteng upuan sa tabi ko. 'Yung seatmate ko kasi, nakipagdaldalan pa sa mga friends niya doon sa last row. Speaking of last row, kanina pa ako nagnanakaw ng iilang sulyap kay Mikko. Bored lang siyang nakasalampak doon sa upuan niya, with that bunny head band. Ano kayang nangyari at nagsuot siya nang ganoon?

"Mabait ba 'yung mga estudyante sa section na 'to?" parang may pag-aalinlangan niyang tanong, kaya naman natawa ako nang kaunti. Sumimangot naman siya habang nakatingin pa rin sa akin. Aysows! Parang bata naman 'tong si Jed. "Pinagtatawanan mo talaga ako eh."

"Kasi naman, hindi ko inaasahang itatanong mo 'yan," ani ko at natawa na naman nang kaunti kaya lalo siyang napasimangot. Nakanguso pa siya. "Sa pagkakaalala ko, hindi naman sila nangangain ng tao."

"Diyos ako eh, paano ba 'yan? Ibig sabihin, kakainin na nila ako," mahangin niyang sabi. Tinignan ko lang siya. May ganito palang side si Jed - 'yung mapagbiro at medyo mahanging side. Tinataas-baba pa niya 'yung kilay niya habang nakangiti nang mapang-asar.

"Whoo! Ang hangin, bok," sabi ko habang nagpapaypay pa ng sarili gamit 'yung kamay ko. Natawa naman siya sa inakto ko. "Saang banda, Jed?"

Kumunot ang noo niya habang diretso pa ring nakatingin sa akin. "Lahat ng banda, I guess." And then, he flashed that mischievous smile...again. Ang baliw ni Jed. Pero natutuwa ako dahil ang sarap niyang kausap.

"Yabang, dude. Baka kuyugin ka na noong mga fan girls mo mamaya," ani ko. Sumimangot lang siya at napasapo sa noo. "Bakit?"

"Wala lang," aniya at muling ngumiti nang nakakaloko. "Ang hirap pala talagang maging gwapo noh?"

Pout For Romance (On-Going)Where stories live. Discover now